Kabanata 10

5 0 0
                                    

Ava Lyn Martinez POV***

“Ang dami naman yatang damit na dadalhin ko?” tanong ko kay Mom.

Nag-eempake Kasi siya para sa akin. May bakasyon na magaganap sa school at gusto pa ng mga students doon ay sa may dagat daw malapit para bakasyon na bakasyon ang datingan. No choice maraming bumuto sa ganung lugar kaya doon kami pupunta.

Napangiti si Mom at nagpatuloy sa pagtitiklop at paglalagay ng damit sa aking maletang dadalhin mamaya

“Mas mabuti ng maraming damit kang dala” sabi niya

“Ay teka may ibibigay pala ako sayo wait ka lang dito” sabi niya at saka dali daling lumabas ng kwarto ko.

Napangiti ako dahil parang bata siyang tingnan. Mamimiss kita Mom. Kahit Siraulo ako ay mahal na mahal kita dahil ikaw ang nagbigay ng mga pangangailangan ko na di kayang ibigay ng mga tunay kong magulang.

Bumalik siya agad at may kahon na dala. Maliit lang ito. Binuksan niya ito at bumungad ang napakagandang bracelet na halatang mamahalin pa. Kinuha niya ang aking kamay at sinuot niya ito sa may papulsuhan ko. Napangiti siya ng makitang bagay sa akin ang binili niya

“Yieeee ganda! Wag mo iwawala yan huh!?” kinikilig niyang sambit kaya tumango akong natatawa

“Iingatan ko po ito Mom. I love you. Mamimiss kita” sabay yakap ko sa kanya ng mahigpit

“Ano ka ba? Para ka namang mawawala ng ilang taon sa ginagawa mo at sa sinasabi mo. Di pa naman ito ang huli HAHAHA magbabakasyon ka lang naman di naman mag-aasawa” tawang tawang sabi niya kaya ngumiti ako.

“Oh siya! Nandyan na mga kaibigan mo sa baba kanina pa naghihintay. Ako na magdadala nitong maleta mo pababa” sambit niya kaya nauna na ko bumaba para makita ko ang mga Kaibigan ko.

Mga nakangiwi silang lahat dahil ang suot ko lang naman ay parang magsasayaw sa disco at hindi pangbeach. Sinamaan ko sil a ng tingin kaya nagsitawanan sila

“So? Ava pre tagal mo naman? Let's go na!!!” sigaw ni Miyeona at nauna nang lumabas ng bahay.

Napa iling na lang ako at sumunod na sa kanya kaya nagsitayuan na rin ang iba at sumunod na rin.

Binigay sa akin ni Mom ang maleta ko at nilagay ko na ito sa likod ng sasakyan namin. Yumakap muna ako sa kanya bago tuluyan ng umalis.



                          ***

“Sometimes I run~~~~ Sometimes I hide~~~~~ sometimes I'm scared of you~~~~~” kanta nilang mga sintonado naman.

Maganda sana yung kanta kaso mga panira yung boses nitong mga kaibigan ko. Dinudungisan ang kagandahan ng kanta.

“Hoy! Magsitigil nga kayo dyan!? Para kayong palaka!” sigaw ko.

Di nila ako pinansin at nagpatuloy sa pinag gagawa nila na parang walang narinig.

“Arghh! Ingay nyo!” inis na sabi ko pa pero di pa rin sila nagsitigil.

Bigla kong napreno ang sasakyan ng biglang dumaan ang isang motor na may sakay na lalaki at babae.

“Aray! Bakit ba tayo huminto!?” reklamo nila

Napa kurap kurap ako ng makita sya. Ang ganda ganda niya na. Yung dating gusgusin ay sobrang kinis na ng balat na parang di galing hirap. Namiss ko siya. Tama si Calista may kasintahan na siya ngayon. Ang ganda nilang pagmasdan dahil parehas nilang mahal ang isa't isa.

“Hoy! Tulala ka dyan Ava? Putang ina naman oh!? Ang dami ng nagbubusina ng mga sasakyan nila!” reklamo ni Kathie

“Guys...” sabat ni Eurel kaya Napatingin kami sa kanya

“Bakit!?” sigaw nila

“Traffic na yata...”

Pagkasabi niya nun ay bigla kong pinatakbo ang sasakyan ng mabilis. Buti ay gabi na dahil kung hindi ay baka mamukhaan nila ang ganda ng sasakyan ko.




                          ***

“Wahhhh!!! Ang ganda naman” sabay sabay nilang sambit ng nakarating kami.

Nauna na sila dahil kailangan kong ipark ang sasakyan naming dala. Nakahanap ako ng magandang parkehan kaya agad ko tong inilagay doon at umalis na para sumunod sa mga gago

Gagiii!

“Uyyy Ava!” tawag nilang lahat ng makita ako.

Marami kami dito. Halos lahat ng students ay naririto. May mga hindi sumama dahil wala silang pera. Ang sabi ko naman ay ako na ang sasagot sa kahit anong gastusin nila basta makasama lang sila pero mga ayaw pa rin nila. Kakahiya raw sa akin. Tsk! Ako na nga ang mabait di pa nila nilubos haysss!

Nakalimutan kong sabihin na ang mga tauhan dito ay sila na ang magdadala ng mga gamit naming dala sa mga sari-sarili naming kwarto.

“Ava? Nakaattendance na ang lahat. Okay na” sabi ni Calista ng makalapit ako sa kanya.

“Mabuti kung ganun. Lagi nyong icheck ang listahan baka may mawala na lang bigla na parang bula dyan” seryosong pagsasabi ko kaya tumango siya. Kala ko tatawa eh

“Balita ko magbabakasyon rin ang Ace University sa kabilang island. Alam mo ba yun?” tanong niya sa akin kaya Napangiwi ako.

Kung ganun bukas na bukas ay pwedeng pumunta rito sila para mamili ng kailangan nila? Di kami pwedeng magkita ni Amber. Magugulo ang plano ko at ni Calista. Kami lang ni Calista ang gumawa ng plano na ito labas na ang iba.

“Pero wag kang mag-alala dear--”

“Ano yan arabo? Lakas makadear Calista! Yabatin kita dyan ng makita mo!” maangas kong sabi kaya napanguso na lang siya

“Tse! Di pupunta dito si Amber nuh? Masyado kang ilusyunada Kasi! Mayaman din siya kaya di na niya kailangan mamili rito Kasi pwede niya namang iutos. Kahit sino susunod sa kanya... Kahit nga yata sabihin niya na 'Hoy! Ikaw! Oo ikaw! Hubad!' Ay susundin siya haysss.”

Kung ganun wala akong dapat problemahin pa. Pero dapat handa pa rin ako dahil pwedeng kahit anong oras ay magpakita sya o mapadpad dito. Magkaibang magkaiba kaming dalawa. Kung ako magsusuot ng losyang na damit.. Sya naman ay may pagkamodelong magsuot. Malayong malayo. Curl ang buhok niya at ang akin ay straight. Pwedeng maghinala ang iba pagganun. Tsk! Bahala na nga!

“Teka may dumadating yata”

Flow of the Water (EMPIRE HOME)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon