“Wala na tayong pera! Hihingi ka pa sa akin!?” sigaw ni Mama ng mang hingi ako ng pera para sa proyekto kong gagawin.
Kailangan na kasing magawa agad ang proyekto na yun sa lalong madaling panahon dahil kung hindi... Di ako makakapagtapos ng kolehiyo. Nasa huling hakbang na ko at matutupad ko na ang lahat ng pangarap ko. Pero paano yun matutupad kung Dahil sa pera ay mawawala yun!?
“Ma... P-para po sa project yun ma” nauutal kong sambit sa kanya. Pinanglakihan Niya ako ng mata at nakatanggap pa ako ng batok sa kanya.
Humahulgol na ko sa pag iyak dahil sa pagbatok Niya sa akin. Di ko lubos na ganito ang mga magulang na napuntahan ko. Napapikit na lang ako ng Mariin dahil ayokong umiyak. Please! Tumigil na kayo! Makisama naman kayo!!!
“Wala ngang pera! Di ka ba nakakaintindi?! ” sigaw Niya sa aking mismong harapan.
“M-Ma para yun sa huling proyekto namin. Magtatapos na ko ng kolehiyo... Ma! Makakapagtapos na ko pagnapasa agad yun! Ma naman!” hinabol ko siya dahil pumunta na sya sa loob ng kwarto nila ni Papa.
“Ma! Buksan nyo to! Ma naman!” todo pagkatok ang ginawa ko para pagbuksan Niya lang ako pero ni hindi ko nga makitang sumilip man lang sya sa siwang
Alam ko naman na Kahit anong gawin ko dito. Wala akong magagawa para mabigyan niya ako ng pera. Ako na lang ang gagawa ng paraan para makapagtapos ako sa sarili kong paghihirap. Makakapagtapos Ako ng di nila ako tinutulungan.
Pinahid ko ang mga luhang nagbabadya na namang tumulo kaya inunahan ko na ito.
Aalis na ko sa impyernong bahay na ito. Mabilis akong nagbihis na parang wala ding pinagbago. Dahil mga pinaglumaan na ang damit kong sinusuot. Para ng aayawan ako ng telang suot ko dahil masyado na itong luma. Pinaglipasan na kumbaga?
***
Malayo na rin ang nalalakad ko at sa tingin ko ay nakalayo na ko sa bahay na iyon. Di na ko babalik dun kailanman! Bahala na sila sa buhay nila! Ako na nga lang mayroon sila tapos ito pa ang ginagawa nila sa akin!? Ilang beses at ilang taon na akong nagtiis sa mga mapanakit nilang mga salita na halos ikabaliw ko na. Halos parang ako lagi ang pinagbubuntunan nila ng galit. Dapat pinatay na lang nila ako!!!
Napakapit ako sa tiyan ko ng biglang kumalam ito. Di pa pala ako nakain simula kahapon. Paano ko ba natitiis ang di kumain ng ganung katagal?
Napangiti ako sa sarili kong Tanong at napailing iling.May nakita akong isang bahay na pwedeng tuluyan pero di na ako nakapasok dahil narinig ko ang pinag uusapan ng mag-ina
“Di ako kakain nan” sambit nung bata sa ina niya kaya naguluhan ang Ina niya sa kanyang sinasabi
“Bakit? Ayaw mo ba nito anak? Marami pang iba.. Saglit lang kukunin ko huh--” di na natuloy ang pagkuha ng ina sa isa pang supot ng magsalita ang anak niya
“Ayokong kumain ng kahit anong galing sa nakaw nay.” saka umalis yung anak niya sa mesa at pumasok na ito sa maliit niyang silid.
Yung bata.....parang kami noon.
Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa mapunta na ako sa palengke. Dito ako maghahanap ng pwedeng pasukang trabaho. Madaming tao ang namimili ng kani-kanilang bilihin na nakasulat sa mga listahan nila. Ang ingay rin nila dahil putak sila ng putak na akala mo manok.
“Tabi kayo sa daan!!!! Parating na ang mayora natin!” sigaw ng isang lalaki na nakatuxedo. Maayos ang pananamit niya at halatang maganda na ang pamumuhay. Buti pa sila...
Tumabi ako at nakita ko ang pag-arangkada ng itim na kotse na linis na linis dahil sobra itong nilinisan. Magara ito at masasabi mo talagang anak mayaman sila. Yung masasabi mo na lang na sana ganyan din kami kayaman katulad nyo. Kainggit sila.
Naiinggit lang naman ang isang tao dahil may nakikita sila sa iba na wala sila.
Namangha ako sa bumabang babae galing sa itim na kotse. Ang ganda niya. Unang tingin mo pa lang sa kanya alam mong may ibubuga na siya. Mayaman talaga siguro siya. Apply kaya akong yaya niya? Pwede na siguro yun nuh?
“Magandang gabi po mayora” bati ng lahat sa kanya.
Inalis niya ang mask niyang suot at ngumiti na kay ganda na walang bakas na may dinadalang problema. Ilang taon na kaya siya? Siguro ay bata bata pa siya.
“Good evening Everyone! ” masigla niyang bati sa lahat.
Nagsipalakpakan ang mga tao na parang may ginawa siyang kamangha-mangha sa mata lahat. Ganyan ba talaga pagmayaman lahat makukuha?
Sana mayaman na lang ang lahat.
Pero naisip ko na pagmayaman ang lahat...sino na ang magsasaka ng palay? Sino na ang magtatrabaho? Kung lahat mayaman...maaaring maging tamad ang lahat at magsanhi ito ng away pa. Kaya mabuti na rin siguro na di lahat ay mayayaman.Naglakad lakad siya at nililibot ang lahat ng panindang nakabulandra. Isa isa niyang binili ito at pinakyaw. Grabe yaman niya para pakyawin ang lahat ng paninda! Saka mabait din siya. Sana talaga katulad niya grabe!
Nakaabot sya ng paglalakad sa gawi ko. Ngayon ay mas nakita ko ng malapitan ang kagandahan niya. Namamangha ako sa angking ganda niya. Mataas sya sa akin dahil may takong syang nagpapataas sa kanya. Maputi siya at kinis na nararapat lang sa kayamanan niya.
“Ahm Miss? Pa-excuse po... May titignan lang ako sa likuran mo” pagsasabi niya sa akin.
Nahiya naman ako sa kanya dahil nakaharang pala ako sa titignan niyang bagay. Umisog ako at nakita ko kung paano siya ngumiti sa akin.
“Kilala mo ba ako Miss? Ngayon lang kasi kita nakita dito eh” pagtatanong niya na ikinailing ko.
“Di po talaga kita kilala... Saka ngayon lang ako makapunta dito” pag amin ko kahit di ko siya kilala.
Tumango siya at parang nag-iisip.
“Wag kang mag-alala mabait ako at ang mga tao dito. Ako nga pala si Mayora Vela Cohen. Mayora na lang itawag mo sa akin. Ikaw ay si?” pagpapakilala niya
“A-Ako po si Mira Lyn. Masaya akong nakilala kayo mayora” pag abot ko sa kanyang kamay.
Ngumiti sya sa akin ng matamis kaya napangiti din ako. Ang puti ng ngipin niya. Lagi sigurong nagpapatingin ito sa dentista.
Napabitaw ako sa kamay niya ng may sumulpot na dalawang babae sa likuran niya. Tulad niya ay masasabi mo talagang mayaman sila. Wala akong ibubuga sa mga ito
“Ano ba yan! Ang baho dito! So kadiri!”
“Tama ka! Nakakadiri dito! Akala ko magshoshopping tayo?! Wews”
Kita kong masasama ang ugali nila pero sabi nga nila wag daw manghusga agad agad sa taong di mo naman kilala ng lubusan.
“Oh nandito pala kayo Belleza at Ella, where's Lynlyn?” Tanong ni mayora sa kanila.
Napa ismid ang dalawa at umikot ang mga mata nito ng banggitin ang pangalan na Lynlyn. Kapatid siguro nila yung inaartehan nila at tinatarayan. Baka naglalamangan silang tatlo at mas lamang yung isa sa puso ni Mayora.
“Nasa kotse Mom. Baba na rin siya kasama yung yaya niya” sambit nung Belleza
Yaya? Edi bata pa ang katapid nila kaya ganyan sila makareact dahil naiinggit sila dahil nandun ang atensyon ni mayora? HAHAHA grabe naman. Pati mayaman naiinggit din pala. Kala ko hindi na kasi nasa kanila na ang lahat lahat ng gusto nila o gustuhin man nila.
“Mom?”
O_O
BINABASA MO ANG
Flow of the Water (EMPIRE HOME)
RandomMaraming bata ang nag- aasam na may matirhan silang magandang bahay at masaganang pamumuhay. Pero iilan lang sa atin ang nabibiyayaan noon simula sa pagkabata pa lang. Ako at ang mga kakambal ko ay nangangarap na sana ay mayaman na lang kaming tatlo...