Kabanata 8

7 1 0
                                    

Amber Lyn Cohen POV***

Grabe ang lalaking yun! Ang lakas ng tama na magpadala ng bulaklak sa bahay! Eh ano ako patay! Tang ina niya huh!? Ipapakain ko sa kanya ito!

Mabilis kong pinaandar ang motor kong kakalinis lang kanina dahil wala akong magawa ng umuwi ako sa condo kaya nilinis ko na lang. Gagong yun! Pagkatapos di pumasok! Ngayon ay magpapakita! Hmp! Miss na siguro ako nito yieee! Keleg ne me mah'babe hihiji! Amber ano ba!? Umayos ka!? Galit ka deba? Galit ka dapat! Panong galit! Ganito!?

Hininto ko na ang motor ko sa tabi dahil nakita ko na si Jowa ko yieee! Enebe! Amber?!!! Kumilos ka ng tama para kang zombie maglakad eh! Tsk!

Naglakad ako ng seryoso ang mukha dala dala ang bulaklak na pinadala niya kay Martha kanina. Nakita kong napakaseryoso niya din kaya patas lang kami. Natama ang aming mga mata at kita ko kung pano ito mag alab. Kung galit din siya... Pwes galit din naman ako.

Ilang hakbang na lang ang layo naman kaya tumigil na ko sa paglalakad. Hinagis ko sa pagmumukha niya yung bulaklak na agad niya ding nasalo. Dahil sa ginawa ko ay umigting ang kanyang panga sa galit. Ano bang ginawa ko sa kanya? Wala yata akong matandaan.

“Bakit mo ginawa yun?” malamig niyang tanong.

Di ako nagpakita ng gulat o kung ano mang pwedeng mabasa niyang reaksyon ko.

“Ano namang ginawa ko?” pabalik kong Tanong na may halong pabalang ang dating sa kanya.

Sinamaan niya ako ng tingin at humakbang siya ng tatlong hakbang ngayon ay malapit na kami sa isa't isa.

“Bakit mo sinabi yun sa kanya?!” di katulad kanina ay malamig ang boses niya. Ngayon ay nagulat ako ng pagtaasan niya ko ng boses na ngayon niya lang ginawa sa akin. Nangingilid na ngayon ang mga luha ko sa gilid ng aking mga mata. Umiwas siya ng tingin sa akin upang di niya makita kung ano ang nangyayari.

“Sinabi ko lang naman yun sa kanya Kasi---”

“Kasi tanga ka!” pagputol niya sa sasabihin ko na kinasakit ko.

Ngayon tuluyan ng bumagsak ang aking mga luhang nagbabadya. Nakipagtitigan pa rin ako sa kanya kahit na ako naman ang talo.

“Edi ako na ang tanga!” sigaw ko sa kanya

“Bakit mo ba sinabi sa kanya yun huh!? Pokpok!? Bayarang babae!? Ahas na Babae!? Kabit!? Ano pa?? INUNA MO KASI YUNG GALIT MO!!” sigaw niya habang dinuduro ako sa aking mukha.

Tiningnan ko siya na parang tanga. Natatawa ako kasi bakit nga ba ako magagalit eh wala nga naman palang kami. ilusyunada Kasi ako.

“Edi ako na! Ako na ang may kasalanan dito! Gusto lang naman kitang tanungin kung ayos ka lang!? Kung bakit ka liban sa klase!? Kung...k-kung bakit may.........” napalunok ako sa sarili kong laway dahil tuloy tuloy na pala ang luhang umaagos sa pisngi ko “K-kasama kang iba!” sabay palis ko sa luha ko at handa ng tumalikod ng hilahin niya ko paharap sa kanya

“The flow of water on your cheek makes me feel worse....baby” mahinang sambit niya pero sapat na para marinig ko.

Pinunasan niya ang mga luhang dumadaloy sa aking pisngi. Pinalis ko ng marahas ang kanyang kamay dahilan para magtaka sya. Tiningnan ko siya ng masama

“Bakit ba ganyan ka! Paasa ka!” bulyaw ko sa kanya

Yung mga mata niya puno ng lungkot na nakatingin sa akin. Ayokong kina aawaan ako!

“Aalis na ko.... Wala namang tayo para maging ganito ako sayo. Paalam Anderson” sabay ngiti ko ng mapait at dahan dahang tumalikod na

Nagsimula na namang tumulo ang mga luha ko. Ramdam ko ang init nito na bigla na lang lalamig. Naramdaman kong yumakap siya sa akin patalikod kaya mas bumuhos ang luha ko

“Please.... Don't leave me Amber.. I will die..... When you leave! Please!” pakikiusap niya.

Bumuntong hininga ako at saka ko dahan dahang inalis ang kanyang kamay na nakayakap sa akin. Ngumiti ako at humarap sa kanya. Kita kong nasasaktan siya.... Bakit siya nasasaktan?

“Dropping grains of water on your face made me feel like you were struggling.”  sambit niya kaya ngumiti ako ng pilit

Bakit sya ganyan? Ano bang dapat?

“Wag mo kong tatalikuran habang di pa tayo tapos mag-usap. Di pa ko tapos sayo. Boyfriend niya ang kaibigan ko. Yung sumagot sa telepono ay ang girlfriend niya. Todo iyak yung babaeng sinabihan mo ng ganun. Yan ang paliwanag ko” pagsasabi niya ng totoo habang nakatingin sa mga mata ko

Di ako nakapagsalita dahil sa una pala ako ba talaga ang Mali. Di ko inalam kung sino ang babaeng yun pero nagsalita na ko agad ng kung ano ano pa! Ang sama ko!

“Akala ko paliwanag lang yung mangyayari ngayong gabi pero bakit mo ko iiwan! Bakit naman humantong doon?! Amber naman! Amber... Kung iiwan mo lang din ako sana maging masaya ka” sambit niya kasabay nito ay ngumiti siya ng pilit

Di ako makagalaw sa pwesto ko dahil sa mga sinasabi niya. Bakit? Ano bang...?

“Mahal kita Amber” sabi niya na puno ng pagmamahal na may kirot sa aking puso.

Tumitig lang ako sa kanyang mga matang puno ng lungkot at galit na makikita.

Ilang minuto rin kaming natahimik dahil sa sinabi niya. Walang ni isa ang nagtangkang wakasan ang katahimikan na namamayani na sa paligiran. Bakit ganyan siya? Pagkatapos niyang magalit ito ang gagawin niya?

“It just means... You never really left? You know why?”. Pagbasag niyang tanong sa katahimikan.

“Uh?” tanging nasabi ko dahil yun lang ang lumabas sa bibig ko

“Because I'm important.....especially to you” pagkasabi niya nun ay hinila niya ko palapit sa kanya at saka niya ko siniil ng halik.

Napahawak ako sa laylayan ng kanyang damit dahil sa kanyang paghalik. Napapikit ako para damdamin ang bawat sandali. Ang bawat paggalaw ng kanyang labi sa aking labi ay nagsasabi ng gusto niyang angkinin na. Pinutol niya ang pagitan sa aming halik at tumingin ng diretso sa akin.

“From now on.... You never really go away because I'll tie you up. I'll marry you.” sabay halik niya sakin.

“Can I ask?” tanong ko

“Uhm?” tanging nasabi niya dahil patuloy parin siya sa paghalik

“Ma...hal...mo hmm! Ba...ako?” tanong ko habang nasa pagitan ng paghahalikan

Tumigil siya dahil sa katanungang yun. Di siya nagsalita ng ilang minuto kaya naghanda na ko para umalis pero pinigilan niya ko.

“Oo... Mahal na mahal. Kaya wag mo kung iiwan. Ayokong makita kang umalis na umiiyak. Gusto ko masaya ka lagi” pagtatapat niya.

Hinigit niya ko papunta sa kung saan nakaparada ang motor ko.

“Anong gagawin mo?” tanong ko

Ngumiti lang siya at sinuot sa akin ang helmet ko. Kinuha niya ng mabilis ang susi sa aking kamay na hawak ko pa pala. Sumakay siya at hinantay niya kung sasakay ba ako o hindi? Napa iling na lang ako at nagpasiya na sumakay na.

Pinaandar niya ng mabilis ang motor ko kaya napakapit ako ng mahigpit sa kanya. Ramdam ko ang pagpigil niya ng tawa. Kung wala kami sa kalagitnaan ng byahe siguro nabatukan ko na to!

“Saan tayo?” tanong ko

“Sa bahay”

Flow of the Water (EMPIRE HOME)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon