Flashback***
THIRD PERSON POV***
Nagpaalam si Ava kay Calista na pupunta lang sa kabilang isla dahil may titingnan lang ito roon.
Di alam ni Calista ay naggagawa na ng plano ang kaibigan niya.Sa di kalayuan ay nakita niya ang kanyang kapatid na nagsusumigaw sa takot at kaba. Di siya makalapit sa kakambal niyang si Amber dahil baka masira ang plano niyang makipagpalit rito. Ilang minuto pa ang lumipas at sigaw lang ng sigaw si Amber samantalang si Ava ay nagmamasid lang.
Napatayo si Ava at napaupo rin agad dahil umuga ang bangka niya. Nakita niya kung paano tumaob ang bangka at kung paano nauntog ang ulo ni Amber ng malakas na naging dahilan kung kaya't nawalan agad ito ng Malay.
Papunta na sya sa kakambal niya ng makitang may paparating na bangka para tumulong sa kakambal niya. Nakita rin niya kung paano sagipin ng lalaki ang dalaga. Sinundan ni Ava ang bangka kung saan naroon si Amber. Pasimple lamang siyang nagmamatyag dahil baka mapansin siya ng mga ito.
Ng nakapasok sa pagamutan ang nagdala kay Amber ay agad siyang sumunod roon. Nagmask soya para di mamukhaan ng lahat. Dahil baka magtaka sila sa pagkahawig ng dalawa at akalain pang kaluluwang paggala gala.
Umalis saglit ang mag-ama na nagdala kay Amber kaya't dali dali siyang pumasok sa loob habang ginagamot pa ang kakambal niya. Lahat ng mga nurse at doctor ay napatingin sa kanya. Papalabasin na siya ng bigla siyang nagsalita
“Mayaman ako. Kaya ko kayong bigyan ng kasing laki ng suweldo niyo o doblehin ko pa kung gusto niyo. Pero kung ayaw nyo... Gagawin kong triple ang pera. Basta gawin niyo ang gusto ko” seryoso niyang sabi
BINABASA MO ANG
Flow of the Water (EMPIRE HOME)
RandomMaraming bata ang nag- aasam na may matirhan silang magandang bahay at masaganang pamumuhay. Pero iilan lang sa atin ang nabibiyayaan noon simula sa pagkabata pa lang. Ako at ang mga kakambal ko ay nangangarap na sana ay mayaman na lang kaming tatlo...