Chapter 51-bitter VS bitter

733 26 12
                                    

“Isn’t sad that, people who would say, that they never hurt you are those people, who hurt you the most!”

MoreDenAnything salamat sa flood Votes hihih hello din kay Grace Moca Timanel

Chapter 51-bitter VS bitter

MAZE POV

“Boom Panis!”

Yun ang mga kantyaw ng mga nanunood, pag katapos kong sabihin yun kay Tina, buti nga sa kanya, halos lahat ng manunuood namin ay kampi sa akin, and until now speechless parin si Tina.

Naka cross arm parin ako.

“Oh ano Tina, naka nga nga ka nalang dyan, wala ka man lang sasabihin ha?” taray na tanong ni Pres “wag kasi masyado, mag magaling girl yan tuloy kawawa ka?”

Tina: “Wag ka ngang singit ng singit dito Nerd, di ikaw ang kausap ko masyado ka naman Epal!” lalong nag init ang ulo ko, dahil sa sinabi ni Tina kay Pres, talagang sinusubukan ako ng impaktang to.

Ako: “huh!, kapal talaga ng pag mumukha mo no, kasing kapal ng semento, sana naging semento ka nalang at least napa kinabangan pa!”

Tina: “At ikaw para kang linta, na kung makakapit sa boyfriend ko akala mo sayong sayo huh!” taas kilay nyang sabi.

Ako: “ah talaga lang ha, bakit nakapasok ang isang isda at isang ibon dito, di nyu ba alam na bawal mga hayop dito! Sinong mas makapal dun!??” pataray ko ring sabi sa kanila, “Oowzz sabagay bopols nga pala kayo, di nyu nakita naka paskil sa labas na “NO PETS Allowed”, don’t worry guyz next time mag papagawa ako ng malaking tarpaulin para mabasa nyu”

Tina: “No need, masyado ka naman atang bitter sa amin girl, no wonder ganun talaga pag inggit diba Allie!” pag hingi nya ng sang ayon kay Allie parrot.

Allie: “Tama!” pang aasar nila lalo sa amin.

Gwen: “Tina Tanga ka ba o sadyang tanga lang, grabe naman yung mga kwento mo masyadong gawa gawa, gusto mo puntahan natin si Harland para mag ka alaman na ano!??” ngayon di sya naka sagot.

Ako: “Alam nyo girls dapat sa mga cheap na isdang gaya nila di natin pinapatulan, remember we’re too class and well mannered for them!” sabay tawanan apir ko sa kanila “let’s go girls!’ yakag ko sa kanila.

She's bitter and sweet (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon