Chapter 53-Sorry Na

756 22 7
                                    

“Letting go doesn't always mean giving up. Sometimes it's a way of saying how much you love someone”

Chapter 53-Sorry Na

MAZE POV

Nandito nanaman ang shokoy na to, para lang mag explain sa mga pinag gagawa nya. Nakaka asar lang, ang kapal ng pag mumukha, nahawa na dun sa girlfriend nyang hilaw huh!

 "Fine! one minute only no more, no less”, sabi ko sa kanya habang naka cross arm. Pinagbigyan ko na syang mag explain para matapos na lahat, alam ko kasi na kukulitin nya parin ako, pag di ko sya pinag bigyan huh!, sakit sa bangs!!! “ano??mag eexplain ka ba o hindi your one minute start now!”

Di parin sya nag salita…bahala sya sa dami ng dapat nyang ipaliwanag kulang ang isang minuto tapos…….

Harland: “I love You!”, nabigla ako sa sinabi nya habang seryosong nakatingin sa mga mata ko..akala ko ba explanation.

Ako: “Your time, stop now, so leave!” taboy ko sa kanya.

Harland: “always remember that!” malungkot na sabi at naglakad palabas ng pinto ng kwarto ko. Dahil sa mga sinabi nyang yun…nawindang nanaman ako, sinabi ko na sa sarili ko na hinding hindi na ako mag papa apekto sa lalaking yun bakit ngayon ,para nanaman akong nawala sa katinuan, dahil lang sa isang I love you!”

Pag alis nya saka tuluyang bumuhos ang mga luha ko, na kanina pa gustong lumabas nung nag pakita sya, gusto ko syang sumbatan, sampalin, at durugin ng pino pino hanggang sa maramdaman nya ang sakit na nararamdaman ko sa mga oras na to.

Pero I’m still weak pagdating sa kanya.

Habang patuloy ako sa pag iyak biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko, kaya dali dali kong pinunas mga luha ko. Baka bumalika ang shokoy…

Pero nagulat ako si Chuen lang pa…buti naman…

Chuen: “hoy! Bruha ba’t di mo sinabi ang nangyari sa inyo kanina ha, sa iba ko pa malalaman!” galit galitang sermon nya sa akin.. “sana sinabihan mo ako, para ako na mismo ang pi-prito sa Tinapang yun at nakapagdala sana ng kamatis, bagay kasi yun dun!” pag bibiro nya sa akin, kaya napangiti nalang ako.

Ako: “No need, beside kaya ko naman Chuen!”

Chuen: “OO na, alam ko namang kaya mo si Tina, eh si Harland kaya Rin ba ng puso at utak mo ha???”, natulala ako sa sinabi nya.

She's bitter and sweet (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon