Chapter 3: Chase

131 32 121
                                    


"Who wants  to answer the problem in the board?"  tanong ni Sir Valdez habang tinuturo ang math problem, ang tahimik namin tanging tagiktik lang ng ballpen sa mesa ang maririnig.

"Any volunteer?"  inisa isa pa kami nitong tinitigan, nagkanda iwas naman ng tingin 'yung iba. Sinalubong ko lang ang tingin nito, kadali lang naman ng problem.

"Sis, mag volunteer ka na, parang awa mo na"  bulong ni Fia sa'kin kaya tinaas ko yung kamay ko.

"Yes Miss Cordoval?"

"Si Leanne daw po gusto magsagot"  nginisian ko si Leanne na gulat gulat. Akala niya ba nakalimutan ko na 'yung panlalaglag niya sa'kin noong nakaraan?


"Opo, kanina pa niya gustong mag-recite"  gatong ni Fia.


"Pero—"

"Miss Del monte, please come infront"  ma-awtoridad na utos ni Sir Valdez. Walang magawa at alanganing tumayo si Leanne at nagpunta sa harap, nervousness and uneasiness are visible in her expression and body language.

This school gives important to grades more than attitude, ace your exams and quizes at siguradong ipapasa ka pa rin nila kahit gaano pa kagaspang ang ugali mo.

Pero pag mahina ka sa acads, doon na lumalabas ang sungay ng mga prof—it's payback time. Gaya nalang ngayon, kasalukuyang pinapagalitan ni teacher Valdez si Leanne dahil hindi nito nasagutan 'yung math problem sa board. Ang laki ng ngiti ko habang pinapanood itong mapahiya.

"Go back to your seat"  He dismiss her.

Nang nasa tapat ko si Leanne, hinila ko 'yung necktie pababa para ilapit iyong mukha niya sa'kin.

"Next time, don't mess with me"  bulong ko habang deresto ang tingin sa likod ng teacher namin na nagsusulat na naman sa board ng new math problem. Binitawan ko siya at nagtungo na sa seat niya,humalukipkip ako.


"HAYYYS! Sa wakas dismissal na, tapos na ang hell subject ni sir Valdez"  said by Savannah at umupo sa mesa ng teacher.

"Sleep over tayo mamaya sa condo ni Janella"  saad ni Fia habang nakapulupot sa'kin.


"Ayos, nangangamoy inom na naman 'yan"


"Movie marathon, yeuuhiii"


"Group study tayo mamaya, we need to prepare for the exam next week"  putol ko sa kasiyahan nila, kunot noong tiningala ako ni Fia. Bukod sa exam next week, sure akong pupunta si Lucas dahil group study nga daw.


"Sumakay ka nalang"  I whispered, tumango siya.

"Charity's rigth, exam week na next week. I-perfect natin 'yung exam pampalubag loob natin sa parents na taga ayos ng gusot. HAHAHAHA"

"Sama ka dude?" narinig kong tanong ni Marco kay Lucas.

"Yes"  ang laki ng ngiti ko ng marinig ang sagot niya, parang gusto kong mangisay sa kilig.

——

Ang sabi group study pero hindi nangyari iyon, ang gugulo nila habang nanonood ng movie, nagbabatuhan at nagaasaran pa.


"Ahhhhhhhh"  hiyaw pa nila ng mag kiss na yun male and female lead sa drama, parang nangingisay pa sa kilig 'yung iba. Napairap ako sa ka-artehan nila.

Busangot tuloy ang mukha ni Lucas na lumabas papunta sa veranda, sinundan ko siya.

"Hi" Tinabihan ko siya.

Loving You From Afar [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon