"Si Charity"Nakakabinging katahimikan ang bumalot saaming lahat.
"What?!" pagbasag na tanong naming apat.Natawa ng sarkastico si Janella.
"You're crazy! Sa tingin mo ba ibubuko ka namin kung inutusan ka nga ni Charity?! Hindi kami tanga para gawin iyon" Janella said, halatang kino-control ang sarili.
"Ang ibig mong sabihin, inutusan kita para saktan si Angel at i-frame up ang sarili ko? That's ridiculous" I said, napailing iling ako sa sinabi niya.
"Rigth, muntik na ngang na-expel si Charii dahil sa mga pambibintang. Tudo effort nga kami para lang patunayang walang siyang kasalanan. Sa tingin mo ba, idadawit pa namin ang pangalan mo dito kung inutusan ka nga ni Charity?" pahayag ni Fia.
"May point sila, bakit ka naman nila ilalaglag kung kasabwat ka nila?" pagsangayon ng principal sa'min. Mas lalong napaiyak si Nicka sa sinabi ng principal.
"Akala ko kakampi ko sila, akala ko kaibigan ko sila pero hindi pala. Sila pa mismo ang nanlaglag sa'kin, kaya nga kanina pa ako hindi nagsasalita dahil kahit nakaupo ako side nila Angel, lihim nila akong kakampi. They betrayed me"
"Tutal, laglagan nalang rin naman ang nangyayari. Hindi naman pwedeng sa'kin lang ang sisi, wala akong choice kun'di sabihing sila Charity, Sena, Fia, Janella at ako ang may pakana ng lahat ng ito. I'm sorry" umani ng sari-saring reaction ang sinabi niya. Napahagulhol sa iyak si Angel, masamang nakatingin sa'kin si Shantall. Napahawak ako sa dibdib ko, naninikip ito dahil sa matinding sama ng loob.
"Kung inutusan ka nga nila Charity, bakit niya binuntong ang sisi sa sarili niya? She frame up herself is that it?" hindi parin kumbinsidong tanong ni Madam Viola.
"I think Charity did that on purpose. Mukhang plano na niyang ilaglag ako, once na mapatunayang wala siyang kasalanan. Dahil nga ang iniisip niyo ay na-frame up siya, hindi kayo maniniwalang siya ang mastermind nito." Nicka said it while sobing.
"Alam kong matalino sila and Charity have an amazing analytical thinking skills pero 'yung pag-e-explain niya kanina ng totoong nangyari ay napaka-accuarate ng pagkakalahad na para bang kasama siya sa pagpa-plano niyon"
"Napaka-sinungaling niyo, naaalibadbaran na ako sainyo" singit ni Fia.
"Inuutusan na ako ni Charity noon pa man para maging spy nila Angel at Lucas at noong party, inutusan niya akong saktan si Angel. I've been a bad friend, i'm so sorry"
"Kung hindi kayo naniniwala, ito, may evidence ako na magka-kampi kami ni Charity...Here, may connection kaming dalawa" saad ni Nicka at pinakita ang mga exchanging of calls naming dalawa. Napailing iling naman si Madam.
"But that's not enough proof. Wala kang maipakitang solid evidence na inutusan ka nga ni Charity na saktan si Angel"
"Hindi pa ba yan sapat?! Galit sa'kin si Charity, umamin na din si Nicka, may communication silang dalawa, ibig sabihin niyan traydor si Nicka, kakampi niya Charii" biglaang sigaw ni Angel, napatayo ito at tumingin ng deresto sa principal. Pilit naman siyang pinapakalma ni Lucas.
Natawa sa kawalan si Nicka.
"You want a solid proof rigth? Here" Matapang na nagpunta si Nicka sa harap at inilapag sa mesa 'yung phone niya. She look at me with so much confident, tinaasan ko lang siya ng kilay.
BINABASA MO ANG
Loving You From Afar [COMPLETED]
Teen FictionInto the darkness I stay, your moon, your guide. Million of stars above, the most alluring is you- the one that staring at, admiring from afar. Wishing that you'll fall like the meteorite. I will catch you foolishly- hoping that our heart beats in...