Chapter 13: Kiss and Rain

87 16 31
                                    

Mag bi-bike ako ngayon, wala ang driver namin at male-late na ako kung mag-aabang pa ako ng buss. Alam kong hindi ito nakakababae pero no choice na kasi. Puyat pa ako kaiiyak kagabi kaya medyo bangag.

Dadaan pa ako kila Lucas, may pinapasuyo kasi si Tita. Nakakainis nga, eh, kung kailan nagmo-move on na 'saka pa nagkaroon ng ganitong opportunity.


"Tita!" Tawag ko, late na ako! Nakita kong lumabas si Tita sa gate at lumapit saakin. Iniaabot nito saakin ang isang maliit na lunch box.





"Paki-bigay nga kay Lucas, iha" I grunt in frustation. Iiwasan ko na nga kasi 'yong tao pero parang pinaglalapit naman kami ng pagkakataon or should I say ng mama niya.




"Sige na, baka kasi hindi niya tanggapin pag nalaman niyang galing saakin" napangiwi ako sa sinabi niya. Sa maling tao niya pinapasuyo 'yang food.



"Believe me, tita. Mas lalo niyang hindi tatanggapin 'yan pag galing saakin, promise!" Sa ilang taon na pagbibigay ko ng pagkain sa kanya, ni isa wala pa siyang tinanggap, kaya bad idea!



"Gusto ko lang bumawi sa anak ko, alam mo namang hindi kami magkasundo 'di ba? Sige na please?" wala na akong nagawa kundi tumango at maging tulay ng mag-ina. Lintek na move on 'yan, mukhang hindi ko pa mapapanindigan. Napatingin ako sa plastic container. Adobo ang laman nito based na rin sa nakadikit dito na sticky note.


Nag-bike ako papuntang school. Napansing kong medyo makulimlim ang langit. May bagyo kaya? Mukha kasing uulan. Binilisan ko ang pagpedal dahil baka kasi abutin ako ng ulan. Cary lang kahit nakapalda ako, may cycling short naman ako at maganda ang legs ko.



Pagdating ko sa school, agad hinanap ng mata ko si Lucas and there he is, nakaupo siya sa may field at may hawak na gitara. Ang daming tao sa field pero agad siyang nahanap ng mata ko.

Ang crush kasi ay parang kalabasa,mampalinaw ng mata kaya malayo pa lang, kitang kita ko na.

Huminga muna ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko. Hindi ka marupok, Charity! Graduate ka na sa pagiging tanga.

"Lucas" tawag pansin ko, sabay bigay ng plastic container. Tinitigan muna niya ako bago bumaba ang paningin siya sa plastic container na hawak ko. Alam kong hindi niya tatanggapin ito...

Three...

Two...

One-pero tinanggap niya! Kinuha niya 'yung plastic container at inilapag sa tabi at hindi na niya ulit akong pinansin. Okey, so this is my cue to exit? Titigan ko muna kaya siya? But nope, aalis na ako.

"Kung ayaw mo nito, akin nalang" Aalis na sana ako ng biglang sumulpot ni Lei sa likod ni Lucas sabay agaw ng plastic container na nakalapag sa tabi niya. Tumikwas ang kilay ko sa ginawa niya, mang aagaw!



"Akin 'yan" mapang-angkin pero kalmadong wika ni Lucas habang matalim na nakatingin kay Lei.


"Ayaw mo 'di ba?" maangas namang tanong pabalik ni Nicholay.


"Sinong may sabing ayaw ko?" Tumayo na mula sa pagkakaupo si Lucas 'saka lumapit kay Lei.



"Tinabi mo 'di ba? Edi, ayaw mo"




"Tinabi ko lang pero hindi ko tinapon, ibig sabihin gusto ko 'yan at akin lang 'yan" Akmang kukunin ni Lucas 'yung plastic container pero inilayo ito ni Lei. Nag-cross arms ako habang nanonood sa kanila na parang batang pinag-aagawan 'yung pagkain.



Loving You From Afar [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon