Chapter 28: Sudden Competition

29 3 2
                                    


"Late daw makaka-punta si Sena dito, may klase pa daw sila" napatango ako habang hindi inaalis ang tingin sa tina-type dito sa laptop ko.



Nandito kami ngayon sa coffee shop sa tapat ng PIAU. Dito kami madalas tumambay pag vacant time or after class, gaya ngayon.



One year of my college life went smoothly. We are currently in second year, second semester. Time flies so fast, I almost want cry! I'm getting old! My schedule is getting hectic na din, kaliwa't kanan ba naman ang activities at halos sabay sabay pa ang deadlines!




"May update ako tungkol kay Lucas-"





"Shut it, hindi ako interesado"





"At wala akong pakialam kung hindi ka interesado" pagbasag sa'kin ni Janella.





"Nakita ko si Marco sa political science building kanina" panimula niya habang ang mata ay nakamasid sa'kin, nakatutok lang ang buong atensyon ko sa binabasa ko not minding her stares. Kita ko sa peripheral vision ko ang pag ngisi niya bago nagpatuloy sa pagsasalita.






"Lucas is going back here...soon" natigil ako sa pagta type, naka focus man ang mga mata ko sa laptop pero hati naman ang atensyon ko.





"So, he's totally recovered?"




"Oo, matagal na, ngayon lang talaga niya binalak umuwi" hindi ako maka-relate sa pinag uusapan nila, hindi naman kasi updated sa kanya.




"Is Charity's heart finally recovered? 'Yan dapat ang tinatanong" sabat ni Sena at hinila ang upuan sa tabi ko, i gave them a smug smile.







"Of course! I actually become happier without him" It's been more than a year since i last saw Lucas. I rarely think of him to be honest, busy kasi ako sa acads. And I just found myself enjoying, laughing, living my life without him. It's so stupid of me to chase him like my life only depends on him! Napaka tanga! Akala ko kasi noong una, hindi ko kaya. Kaya ko pala, I'm glad I tried.






"Oh, look!" napatingin kaming lahat kay Fia nang sumigaw siya bigla, sinundan ko 'yung tinuturo niya sa labas.



Nanliit ang mata ko at the same time nag zoom-in ang paningin ko nang makita ko si Lei na may kasamang babae, nakahawak 'yung babae sa braso ni Lei at nagtatawanan sila. Sayang saya?




"Who's that?" wala sa loob kong tanong, si Sena ang sumagot.






"She's Hillary Villanon, Lei's ex girlfriend"






"Lei's ex?!" Hindi makapaniwalang tanong ko, nanlalaki ang mata habang naka-awang ang labi. Napatingin tuloy sa'kin ang mga tao dito sa coffee shop.





"Yup, 2 years din ang tinagal nila" Janella said nonchalantly. 2 years?!





"My gosh! No taste!" Nagbuga ako ng hangin at napa-iling. I'm way hotter than her!





"Hillary is pretty kaya in malapitan"





"Whatever" umirap ako at tinuon nalang ang buong atensyon sa binabasa ko.





"Eh, ano na nga palang label niyo ni Lei?"
napatigil ako sa tanong ni Sena. Wala? Always niya akong hinahatid sundo, lagi din kaming nag-uusap sa phone. Dapat ba meron?!


Loving You From Afar [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon