Chapter 9: Home

80 24 59
                                    

Habang naglalakad palabas ng ospital, kinukuha ko 'yong phone kong kanina pa nagiingay. Sinagot ko ito ng hindi tinitignan 'yong caller ID.

"What the fvck?!" Bungad ko, isang pagbuntong hininga ang narinig ko sa kabilang linya bago may nagsalita.


[Watch your mouth young lady] ako naman ngayon ang natigilan, sabay tingin sa phone para siguraduhin kung siya ba talaga 'yong caller.


"What do you want?" kapagkuwan ay sagot ko.


[Go home]

"Where?"

[In our home]

"You mean, your house?" umirap ako.Hindi niya pinansin ang sinabi ko sa halip nagpatuloy lang siya sa pagsasalita.


[Susunduin ka ni Ramon diyan sa ospital]
Wala na akong nagawa at um-oo nalang. I don't have a choice anyway. Hindi na ako magtatakang alam niya kung nasaan ako.

"Whatever, Dad" Pinatay ko na ang tawag at nag-abang na sa sundo ko. Ano na naman kayang kailangan ng daddy ko para tawagan ako at paputahin sa home daw namin, tst.

Ilang minuto pa ang lumipas at dumating na si Mang Ramon, driver ni Dad.

"Good evening, Ma'am" bati niya pagkalabas ng kotse at pinagbuksan ako ng pinto sa backseat, agad akong pumasok.


"Uuwi ka na ba sa mansyon, Ma'am?" masayang tanong nito, tipid lang akong ngumiti at umiling. Hinding hindi ako uuwi doon.

"Hindi po, pinapatawag lang ni principal" Sarcastiko kong saad, natawa si Mang Ramon pero kalaunan nakita kong nalungkot ang matanda. Mabait si Mang Ramon, parang pangalawa ko na siyang ama. Ilang oras pa ay nakarating na kami sa mansyon ng Cordoval.

Agad akong pumasok at bumungad saakin si Mr. Channing Cordoval a ruthless business tycoon and he's my father, unfortunately. Agad akong lumapit sa kanya at yumuko bilang paggalang.

"Dad-" Hindi ko natapos ang sinasabi ko nang sumalubong ang mabigat niyang kamay sa kaliwang pisngi ko. Pumaling ang mukha ko sa kabilang side pero hindi ako nag-react hinawakan ko lang 'yong pisngi kong namamanhid at tumingin sa kanya ng derestso. Without any hint of emotion in my face.

"What kind of stupidity you have done, you imbecile child!" dumagundong ang sigaw ni Dad sa buong mansyon.


"You hurt a student because of what? You are carrying my surname, please act accordingly Charity, you are a disgrace! Hindi kita pinalaking ganyan" Nauubusan ng pasensya niyang saad. Saan naman kaya niya nakuha ang balitang yan? Fake news, psh.


Hindi na rin akong nag-abalang magpaliwanag, para saan pa? Namintang na siya.

"Hindi niyo naman talaga ako pinalaki in the first place, Dad " pabalang na sagot ko emphasizing the word, Dad. And for the second time dumapo ang kamay niya sa kanang pisngi ko naman ngayon pero hindi ako natinag, nanatili parin ang tingin ko sa kanya. Narinig ko ang paghuhugot nito ng hininga, mukhang pinapakalma nito ang sarili. Naputol lang ang titigan naming mag-ama ng biglang sumulpot si Tita Shannon, bumaba siya ng hagdan at walang pakialam na linagpasan kami.


"Charity, your getting out of hand. Why did you do that?" Seryoso at mas kalmado na niyang tanong but his cold aura is still unfazed, his angry and strict stare is still glued on me.


Loving You From Afar [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon