DV - Chapter 5

46 5 0
                                    

DEJA VU CHAPTER 5

Zyrelle Ellis PoV

Nagising ako sa isang pamilyar na amoy. Nagmulagat ako at tinignan ang paligid. Tumama ang mata ko sa mukha ni France na naka titig sakin. Umupo ako at linibot ang paningin ko.

"Nasa kwarto kita. Ayos naba ang pakiramdam mo?" Tanong niya pero biglang bumalik sa ala ala ko yung nangyari. Nagsisimula nanamang mamuo ang luha sa mata ko.

"Umiiyak ka nanaman. Pasensya na kung iniwan kita kahapon--" hindi niya pa man natatapos ang sinasabi niya ay yinakap ko siya at kusang tumulo ang luha ko. Kung hindi dahil sakanya, baka wala na. Kung hindi niya ko tinulungan, baka patay na'ko ngayon. Kung hindi niya ko pinagtanggol, baka isang maduming babae nako.

"Thank you France. Salamat kasi binalikan mo'ko"

"Tahan na, hindi na kita iiwan mula ngayon. Pangako."

Yun yung unang beses na yakapin ko siya. Yun yung unang beses na maramdaman kong safe ako. 
-------------

Hinatid niya ko pauwi pagkatapos naming kumain sakanila. Nakatira siya sa bahay ng lola niya dito sa Pilipinas. Kasama niya lang ang lola niya at mga katulong dahil wala na ang lolo niya.

Pinalitan daw ako ng damit ng lola niya at mabait ang lola niya sa totoo lang. Napaka simple ng lola niya at maalaga.

Pagkapasok ko sa bahay ay nadatnan ko sa sala sina Daddy, Mommy at Kuya. Tinignan nila ako na puno ng pag aalala maliban kay kuya.

"San kaba nagpunta baby? Alalang alala kami sayo" sabi niya saka lumapit sakin at yinakap.

"Baka lumandi" sabi ni kuya kaya tinignan ko siya.

"Saan ka natulog? Bakit hindi ka nag paalam?"

"Mamaya nalang po tayo mag usap."

Hindi ko sinagot ang tanong ni Mommy at umakyat nalang sa kwarto ko. Gusto kong sabihin sakanila. Gusto kong sabihin na muntik na kong magahasa. Gusto kong sabihin na takot na takot ako. Pero walang lumalabas na boses sa bibig ko.

Umupo ako sa kama at yinakap ang mga tuhod ko. Tahimik akong umiyak ng maalala ko yung nangyari. Muntik na, muntik na! Naiinis ako sa sarili ko. Ang bobo ko! Nandidiri na'ko sa sarili ko. Kahit gusto kong mawala yung ala alang yun ay pilit paring bumabalik. Kahit yung kamay nilang dumampi sa katawan ko ay nararamdaman ko parin.

Nanatili ako sa kwarto ko at hindi lumalabas. Hindi man ako makaramdam ng gutom kaya hanggang gabi ay nandito lang ako sa loob ng kwarto ko. Kinakatok nina Mommy ang pinto pero hindi ko sila pinagbubuksan.

Tumayo ako sa kama at pumunta sa veranda ng kwarto ko para mahimasmasan. Umupo ako sa sahig non at yinakap ang sarili ko. Kahit saan ko tignan, kasalanan ko ang nangyari sakin.

Hinayaan kong umiyak ang sarili ko. Kung may nakaka intindi man sakin ngayon, si France yon. Sabagay si France lang naman ang palaging nandyan para sakin. Yung lalaking dapat pinoprotektahan ako ay galit sakin, si kuya.

"Bakit hindi mo sinabi yung nangyayari sayo?" Biglang nabaling ang tingin ko kay kuya. Naka bukas ang pinto at may susing naka sabit don. Nakita niya siguro ako sa veranda niya.

May hawak siyang envelope habang nakatingin sakin.

"Anong sinasabi mo, umalis kana kuya. Pagod ako." Mahinang sabi ko. Nakita ko sina Mommy at Daddy na nasa pinto at umiiyak si Mommy. Ano bang nangyayari sakanila.

"Kuya please umalis kana." Sabi niya pero nanatili lang siyang nakatayo. Tumayo ako saka siya tinulak katulad ng palagi kong ginagawa pero hindi siya nagpatinag.

Deja VuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon