DV - Chapter 21

40 4 2
                                    

Zyrelle Ellis PoV

I woke up before 9:00 AM. Natapos namin lahat ng dapat gawin sa kwarto ko at satisfied ako sa natapos namin. Amoy pintura pa ang kwarto kaya sa guest room pa rin ako natulog.

Well, today is my birthday. I'm not expecting anything of course. I already have what i want, it's my new decorated room. Pero parang may kulang pa rin, si France. Siya lang naman ang bubuo ng buhay ko pero sinira ko siya.

Lumipas ang ilang araw pero hindi man lang siya nawaglit sa isipan ko. May oras pa na gusto ko siyang tawagan pero pinigilan ko ang sarili ko. Dapat kona siyang layuan. Pero i still love him.

Pwede ko naman siyang balikan diba? Argh! Ano bang iniisip ko. Gusto ko siyang makita, mahawakan, mayakap kahit sandali lang. Gusto ko siyang puntahan at balikan siya. Sabihin na balik na siya. God, I'm such a pathetic! Hindi music player ang relasyon Zyrelle!! Kung baga hindi ko lang yun pinause! Dinilete ko yon! At walang recently deleted ang music player. Anong kabobohan ang pumapasok sa utak ko?

Pero pwede ko namang sabihan si Kuya na magpagawa siya ng app na music player tas lagyan niya ng recently deleted para mabalik ko, diba? Ano bang iniisip ko? God! Pero pwede naman yun diba??

Biglang tumunog ang cellphone ko kaya agad ko yung kinuha sa pag aakalang si France yun. Oo, oo, naghihintay ako na batiin niya 'ko. Kahit text man lang o tawag.

'Happy Birthday Zyrelle!!' Napa ngiti naman ako sa taas ng energy ni Hyerill.

'Thank you'

'Kumusta ka dyan? Maayos ka naman ba? Alam mo ba? Sabay na kami minsang kumakain sa cafeteria ni Ian! Kinikilig tuloy ako.' Bakas sa boses niya ang labis na kasiyahan. I hope I can be happy too, just like her.

'That's good.' Maikling sagot ko.

'Nalaman kona ang nangyari sainyo ni France. Sayang lang,' naglaho ang ngiti sa mukha ko sa sinabi niya. Ayoko talagang pag usapan yon.

'Ahm, alam mo bang ang tahimik niya kapag nakakasama namin siya? Palaging malalim ang iniisip niya at alam ko nag eexcel siya sa klase.' Dagdag niya pa.

'Kumakain naman ba siya? Masaya ba siya? M-May iba na ba siya?' There's a part of me na umaasang masaya siya. Na sana masaya lang siya at wala siyang bago.

'Mukha naman siyang maayos. Tsaka hindi siya mukhang masaya, pero hindi rin siya mukhang malungkot. Hindi naba kayo mag kaka ayos?' Nahimigan ko ang lungkot sa boses niya. Kung pwede lang, why not.

'Hindi na siguro,' it take me all the courage para sabihin yun. Nasakatan ako sa sarili kong sinabi.

'Sana maging ayos kayo. Sige na, baka dumating na ang teacher namin eh. Happy Birthday ulit, i love you.'

'I love you too, Hyerill. Thank you.'

Then i hung up.

Wala man lang kaming closure ni France, yung kahit maging magkaibigan nalang kami ulit. Ow, scratch that! Nabibitter ako sa sariling isip. Closure? Seriously? On the second thought, okay yun, PERO, ayoko.

Lumabas ako ng kwarto at hindi na nag abalang mag ayos. Gutom na rin ako atsaka tinatamad ako. Mamaya nalang.

Bumaba ako at pumunta sa dining area. Mag isa akong umupo don, marahil ay kumain na sina Dad at Mom at nauna silang nagising. Nasaan naman sila? Tinignan ko ang kadarating lang na si Kuya na halatang bagong gising rin pero nakapag ayos na siya.

"Goodmorning" tamad na bati niya saka umupo sa kaharap kong upuan.

"Goodmorning" naningkit ang mata ko at naghintay na batiin niya 'ko pero wala. What the hell?

Deja VuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon