DEJA VU CHAPTER 4
Saturday
Zyrelle Ellis PoV
Umaga ngayon at nanonood ako ng tv. Tapos nako mag breakfast at wala na akong magawa sa bahay. Tungkol sa pagbebake ang pinapanood ko, gusto ko kasing matutong magluto kahit cookies lang.
Kinuha ko ang cellphone ko at nag search ng recipe para sa cookies. Biglang lumitaw ang pangalan ni France dahil sa text niya.
Fr: France
Good morning Ells, kumain kana? May gagawin ka mamaya?Napangiti ako sa text niya.
To: France
Good morning rin, oo kumain nako. Ikaw ba? Mamimili ako mamaya, tatry kong mag bake ng cookies.✔Sent
"Sino yang ka text mo?"
"Ayy mukha kang Tae! Kuya naman wag kang nanggugulat. Bakit ka nandito? Kala ko bang sa Sunday pa uwi niyo?" Tanong ko, nasa likod ko lang naman si kuya na may hawak na tasa. Umikot siya at umupo sa tabi ko saka nilapag ang tasa sa table sa harap namin.
"Tsk, pina uwi ako nina Mom. Wala ka daw kasama sa bahay, nag aalala sila."
"Ahh, nasan pasalubong ko?" Tanong ko
"Nasa kwarto ko, kunin mo lahat" sabi niya kaya tumayo nako at umakyat sa kwarto niya. Sa third floor yung kwarto niya. Binuksan ko yung kwarto niya, ngayon lang ata ako nakapasok sa kwarto niya. Malinis sa loob at naka ayos lahat ng gamit. Napatingin ako sa mga picture na naka ayos sa ding ding ng kwarto niya. Meron don yung litrato naming dalawa na nakangiti, yung ngiti namin parang walang katumbas. Bata pa'ko don, mga 9 years old siguro. Pero wala akong matandaang nangyari yon.
Lumapit ako sa kama dahil may mga paper bag don. Habang kinukuha ko lahat ay napatingin ako sa itaas ng headboard ng kama niya, may painting din don ng mukha niya. Sino kaya ang nag paint non.
Pababa nako ng hagdan para bumalik sa sala dahil nandon pa ang cellphone ko. Pero pagkababa ko ay nakita kong sinira ni kuya ang sim sa cellphone ko kaya tumakbo ako papunta don.
"Bakit mo sinira kuya?" Maayos na tanong ko.
"May text ng text sayo, nakaka irita pakinggan kaya sinira ko para tumigil na." Tinignan ko siya at huminga nalang ng malalim. Kinuha ko ang cellphone ko at tahimik na umakyat sa kwarto ko.
Binuksan ko ang WiFi ng cellphone ko at chinat nalang si France sa messenger.
"Sorry 'di agad ako nakapag reply, sinira ni kuya yung sim ko" ilang minuto lang ay nag reply siya.
"Okay lang, pasensya na kasalanan ko ata"
"Hinde hinde, ganyan talaga siya."
"Nag away nanaman ba kayo?"
"Hinde, ayokong makipag away kaya hindi nalang ako nagsalita"
"Ahh, nga pala marunong kang mag bake?"
"Hinde, tatry ko lang."
"Okay, bye na. Sorry ulit."
"Bye"
-------------
Hindi na'ko nag bake dahil nawalan na'ko ng gana. Nung nag hapunan ay ako lang mag isa ang kumain dahil umalis daw si kuya. Hindi kona tinanong kung saan.
Tinignan ko narin yung mga naka paper bag kanina, mga damit sila at bag. Wala nakong magawa sa bahay kaya sinubukan ko nalang mag sketch. Naghanap ako sa google pero wala akong magustuhan. Nag fb ako at kumuha nalang ng picture ni France. Gabi na ng natapos ako pero nagulat ako sa kinalabasan.
BINABASA MO ANG
Deja Vu
Roman pour AdolescentsDEJA VU is something that very few people know the true meaning of. Even though deja vu is French for "already seen", it is actually used to describe the strange feeling you get when you're in a situation, and feel like you've been in the exact same...