Zyrelle Ellis PoV
Hindi pa rin ako makapaniwalang wala na ang lola ni France. Matanda na ang lola ni France noon, at ilang taon ang lumipas bago ako bumalik. Hindi ko lang matanggap na hindi ko siya naabutan. Ang masakit pa ay hinanap niya 'ko ng oras na mawawala na siya. Gusto kong sisihin ang sarili ko dahil wala ako doon para maka usap man lang siya, o kahit magsabi ko man lang sakanya kung gaano ako ka thankful na nakilala ko siya at tinuring na lola.
Dumagdag pa ang sakit dahil sa huling hiling niya kay France. Hindi ko akalain na yun ang hihilingin niya. Pero mukhang hindi na 'yon matutupad dahil hindi kami magkasundo ni France.
"I'm sorry La, pero mukhang hindi na matutupad ang hiling niyo." Suminghot ako at pinunasan ang luha. Nandito ako ngayon sa sementeryo habang naka upo sa tabi ng puntod ng lola ni France. "I'm sorry po kung hindi ako nakapag paalam sainyo. I'm sorry La. Kung nasan man po kayo ngayon, sana ay gabayan niyo palagi si France."
Tumayo ako at ngumiti. Bibisita nalang ulit ako sa susunod. May trabaho pa'ko ngayon at dumaan lang ako para puntahan ang lola ni France.
Bumuntong hininga muna ako bago lumabas sa kotse ng makarating ako sa hospital. Para akong lutang habang naglalakad papunta sa loob. Ni hindi ko nabati pabalik ang mga bumabati sakin.
"Uy teh, tulala ka dyan. LQ?" Salubong ni Paolo.
"Anong LQ LQ? Wala nga akong jowa eh." Inis na wika ko. Dumiretso ako sa kwarto ng mga pasyente ko para tignan isa isa kung ayos na sila.
Sunod sunod pa ang nakahandang ooperahan ko ngayon. Satingin ko nga ay dito na'ko matutulog sa hospital. Pwede naman yun.
Ilang araw nalang rin ay Reunion na namin. Syempre nandon rin si France. Ano bang aasahan ko. Panigurado ring may mga asawa na ang mga kaklase ko noon.
Bumalik ako sa ward namin para muling tignan ang schedule ko ngayong araw.
"Hoy Kerby," tawag ko ng makitang nakapikit siya. Mukhang napuyat siya dahil sa trabaho. Tsk tsk tsk, toxic ang night shift. Mabuti nalang at alam ko kaya nga bumili ang ng cup ng milk eh. HAHAHA.
"What? I'm sleepy can't you see?" Pagod ang boses niya. Lumapit ako sakanya at linapag sa desk ang gatas.
"Drink it." Wika ko. Nagmulat naman siya pero nakabusangot naman siya. May explanation pa siyang gagawin aba.
Sumimsim siya doon at sinamaan ako ng tingin ng malamang gatas yon.
"Why milk? I need coffee." Reklamo niya.
"You said you're sleepy. But before you sleep, can I ask you a question?" Tanong ko saka hinila ang upuan palapit sakanya. Muli niyang ininom yon saka tumango.
Hindi ko alam kung pwede ko pa bang gawin sakanya ang pagiging clingy ko noon. Siya kasi ang unang naging kaibigan ko ng bumalik kami sa Pilipinas para mag highschool ako.
Kahit kasi seryoso siya ay ginagawa niya ang sinasabi ko. Sa sobrang clingy ko rin sakanya ay palagi akong humihilig sa balikat niya noon. Palagi ko rin siyang yinayakap at nagpapa hawak ng buhok dahil nakaka antok yon. Wala akong feelings sakanya, sadyang gusto ko lang siyang nakikitang naiirita kapag nagiging clingy na'ko sakanya.
"Paano mo nakilala si France? Paano mo nalaman na nawala ang ala ala ko? At bakit ang sama ng pakikitungo mo sakin ng una tayong magkita na parang ako pa ang may kasalanan sayo?" Ngumuso ako at hinarap siya. "Pero bago ka sumagot. Can I lean on your shoulder and caress my hair?"
"You're still clingy." Parang nandidiri niyang wika kaya bahagya akong natawa. "Go on, wala naman akong magagawa."
Hindi na'ko sumagot at agad humilig sakanya. Wala pa naman akong tulog kaya paniguradong makakatulog ako nito. Linagay niya rin ang kamay niya sa ulo ko kaya napangiti ako.
BINABASA MO ANG
Deja Vu
Teen FictionDEJA VU is something that very few people know the true meaning of. Even though deja vu is French for "already seen", it is actually used to describe the strange feeling you get when you're in a situation, and feel like you've been in the exact same...