Zyrelle Ellis PoV
Dahil sa sinabi ni France kahapon ay agad akong lumabas sa ward na 'yon. Sobrang naapektuhan ako sa sinabi niya. Hindi ko maintindihan yung mararamdaman ko. Ang harsh naman niya. Dahil rin doon ay hindi ako nakatulog. Kahit pilitin ko ang sarili ko ay wala talaga, kaya pag gising ko ay parang buwang ako.
Ganon pa man ay hindi ko hinayaang masira ang araw ko. First day ko ngayon kaya bakit ako papa apekto kay France. Not that I still love him. I can't just let him ruin my day! Sino ba siya!
Pagkadating ko sa hospital ay panay rin ang bati ng mga Doctor na pinakilala ni Dale. Pati na ang mga nurse especially male nurses. But since I'm friendly, binabati ko silang lahat.
Wala pa'kong operation na naka assign pero paniguradong mga minor muna ang ibibigay nila sakin since bago palang ako.
Pero ganon nalang ang gulat ko ng kausapin ako ni Angelica at sabihing may nakahanda akong operation mamayang 10:00 AM. Pero hindi ako doon nagulat, kundi sa ooperahan ko. Hindi siya minor operation! Major siya! Major!
Matutuwa na sana ako dahil naiisip ko na may tiwala sila sa kakayahan ko eh pero hindi! Dahil ang operasyon na 'yon ay kay France! Pero binigay niya sakin dahil sa dahilan niyang hindi ko makumpirma.
Gusto kong gawing positive ang ginawa ni France! Pero dahil mukhang may galit siya sakin ay naiisip ko na gusto niya lang tignan ang kakayahan ko, para saan? Para ipahiya ako kapag hindi naging maganda ang operasyon! Hindi ko lubos maisip na ganon na ang ugali niya! Be professional daw sabi pa ng kaibigan niya eh si France yung hindi!
Lalo akong nagngalit sa galit. Ipapakita ko sakanya na pinili ko ang propesyon na'to dahil kaya ko. Kung gusto niyang maglaro, maglaro siya mag isa niya!
Pero, kung hindi koba siya iniwan noon magiging ganito pa rin ba siya? Siguro nga ay nasaktan lang talaga siya.
Binasa ko ang medical info ng pasyente. Kailangan yun para maiwasan ang komplikasyon kapag kasagsagan ng operasyon.
Pumasok si Dale sa loob kaya naagaw niya ang atensyon namin nina Angelica at Kerby. Magra rounds na rin niyan si Angelica kaya maaiwan ako dito.
"Hindi ka naman kinakabahan?" Tanong ni Dale at iniscan rin ang hawak ko. May kasama akong senior na aagapay sakin.
"Why would I?" Medyo linakasan ko ang boses ko para marinig ni Kerby.
Kahit kahapon ko palang nakikala si Kerby ay may ideya na'ko sa ugali niya. Kunwari tahimik siya pero nasa loob ang kulo niya. Mas maganda pa sakanya ang pagiging tahimik dahil kapag nagsalita na siya ay tatamaan ka.
"As expected from you. Iche check kona ang pasyente ko, dinaanan lang kita para i goodluck." Umayos siya ng tayo saka kumaway bago umalis.
Tinignan ko si Kerby na naka upo sa swivel chair at naka krus ang dalawang kamay sa harap habang nakapikit. Sa totoo lang ay gwapo siya. Sakto lang rin ang kulay ng balat niya.
Nagulat ako ng magmulat siya at magtagpo ang tingin namin. Agad akong nag iwas ng makitang ngumisi siya. His smirk is really annoying.
"You really don't remember me huh." Wika niya. Tumingin pa 'ko sa paligid para masigurong ako nga ang kausap niya. Tinignan ko siya at deretso lang ang tingin niya sakin.
"Honestly, I forget people who are not so important."
"Is France are one of those? You're good at abandoning people huh."
"Don't act like you know me."
"Of course I do. Akala ko bang bumalik na ang ala ala mo? Bakit hindi mo 'ko matandaan?" Kumunot ang noo ko. Ano bang sinasabi niya? Ni hindi ko nga siya maalala o kahit ang mukha niya ay hindi pamilyar sakin.
BINABASA MO ANG
Deja Vu
Teen FictionDEJA VU is something that very few people know the true meaning of. Even though deja vu is French for "already seen", it is actually used to describe the strange feeling you get when you're in a situation, and feel like you've been in the exact same...