DV - Chapter 16

33 4 0
                                    

Zyrelle Ellis PoV

'B-Baby?' Nabaling ang tingin ko kay France. Nasa hospital pa rin siya pero maayos na ang lagay niya. 'P-Pinapatawad mo na bako? Okay naba ulit tayo? Mahal mo pa rin ako diba? Ako pa rin diba? Hindi kana galit sakin diba?' Parang batang sabi niya at parang maiiyak na. Huminga ako ng malalim para pigilan ang bigat na nararamdaman ko.

'Kailan ba nawala ang pagmamahal ko sayo, France?' Walang emosyong tanong ko. 'Ikaw lang 'tong hindi nakontento sa pagmamahal ko diba?'

'B-Baby, hindi totoo yan. Kung gusto mo ipapaliwanag ko sayo ang buong nangyari. Hindi ako magsisinungaling sayo. Sasabihin ko yung totoo. Wag mo lang akong iwan, please."

'Alam ko ang nangyari, France.'

'Alam mo lang pero hindi yung totoo yung alam mo. Kasi kung alam mo hindi ka makikipag hiwalay sakin.' Naiiyak na talagang sabi niya.

'Pero nasaktan ako France. Sobra akong nasaktan sa nakita ko. Masisisi mo ba ako? Sabihin na nating siya ang mali, pero alam mong nagseselos ako sakanya at pinapalayo kita sakanya.' Nagsisimula ng mamuo ang luha sa mga mata ko.

'Okay, I'm sorry. Baby, please, wag ka ng magalit sakin. Wag kang makipag hiwalay sakin." Tumulo ang luha niya kaya hindi ko rin napagilang hindi maiyak. 'Babawi ako. I'll do everything para mapatawad mo ako. Titiisin ko lahat kahit maging cold ka sakin basta wag lang tayong mag hiwalay. Baby, give me second chance.' 

Pumikit ako at pinakalma ang sarili ko. Pagsubok lang to, hindi pwedeng masira kami dahil sa isang hampas lupang babae lang.

'Sige, i will give you a chance. Pero last na yon. Kapag sinaktan mo ulit ako, pasensyahan tayo.'

——————

Nasa school ako ngayon at tahimik na naka upo sa pwesto ko sa classroom. Maaga pa kaya ako lang mag isa.

Bigla kong naisip ang ala alang yon. Nagka ayos kami ni France doon. Mabuti nalang at naging maayos siya at walang nangyaring masama sakanya.

Muli akong napabuntong hininga ng maalala ko ang ginawa ni Fade sakin. Hindi na yun nawala sa isip ko muka kahapon. Pasalamat siya at hindi ko siya nakikita kung hindi ay sasapakin ko siya.

Napatingin ako sa cellphone ko ng tumunog yon. Lumabas ang pangalan ni France don kaya sinagot ko ang tawag niya. Pagka uwi niya kahapon ay hindi na siya nag text sakin.

'Hello' saad ko.

'Good morning, Love' bati niya kaya napangiti ako. Parang hindi siya natamaan sa mga sinabi ni Mommy sakanya.

'Good morning rin. Kumain kana?'

'Katatapos lang, maliligo palang ako. Ikaw?'

'Oo, nasa school na nga ako eh.'

'Ganon ba, ikaw lang ba mag isa dyan? Bibilisan ko para may kasama ka.'

'Sige sige, ingat.'

'I love you'

'I love you too, bye'

Deja VuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon