DV - Chapter 11

47 4 0
                                    

Zyrelle Ellis PoV

Maaga akong umalis ng bahay dahil tinext ko si Ian na magkikita kami. Kailangan ko siyang maka usap. Kailangan ko ng conformation tungkol sa napanaginipan ko. Kung sina Mommy ang tatanungin ko alam kong wala akong makukuhang sagot sakanila.

Tumigil ang sasakyan namin kaya bumaba na'ko. Sinabi kong sa library kami magkita kaya naglakad nako papunta doon.

Hindi maalis ang kaba ko habang naghihintay. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan at ang daming tanong na gusto kong masagot. Dapat ay masaya ako dahil bumabalik na ang ala ala ko, pero hindi eh. I can't feel the happiness knowing that i can hurt someone that i love. What if hindi si France yun, what if ibang France ang nasa panaginip ko, sa past ko. Ano nalang mangyayari samin ni France kapag bumalik yung dating karelasyon ko. I can't just abandon the France that i love right now just because my France from the past back.

Habang naghihintay ako at naka yuko ay biglang may umupo sa harap ko. Tinaas ko ang tingin ko at sumalibong sakin ang naka taas na kilay ni Ian.

"Goodmorning," bati niya at bumati rin ako pabalik.

"Bago ako magtanong, pwede bang mangako kang hindi ka mag si- sinungaling?" Kumunot ang noo niya sa sinabi ko.

"Hmm s-sure, may problema ba?"

"Matagal mo na ba kong kilala?" Seryosong sabi ko kaya bigla rin siyang nag seryoso.

"Hindi" sabi niya habang deretsong nakatingin sa mata ko. Nagbuga ako ng buntong hininga.

"Kilala moba si France?"

"Oo, he's your boyfriend diba?"

"France ngayon o noon?"

"Ngayon"

"Mag bestfriend na tayo ng matagal hindi ba?"

"Hindi, nito lang." mabilis na sagot niya sa lahat ng tanong ko. Seryoso rin ang mukha niya at nakatingin lang siya sa mata ko. Muli akong nag buntong hininga.

"Arghhh! Balit ba iniisip ko na ikaw yun!" Medyo may kalakasan na sabi ko kaya pinagalitan ako ng librarian.

"Sino?" Kunot noong tanong niya at hindi na siya seryoso ngayon.

"Bumabalik na ng paunti unti ang ala ala ko pero naputol yon. Meron akong tinawag na Ian don, I thought it's you. Meron pa kong tinawag na France don na kasintahan ko pero hindi ko makita ang mukha nila. Pati na rin yung tinawag kong Ate Kyla na girlfriend ni kuya."

"So sinasabi mong may bestfriend kang pangalan ay Ian? Pero hindi mo makita ang mukha niya?" Tumango ako.

"Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ayokong saktan si France dahil dito. Gusto ko ng bumalik ang ala ala ko. Wala akong mapagtanungan na makakatulong sakin. Kahit pamilya ko hindi gustong maka alala ako." Kinagat ko ang pang ibabang labi ko para pigilan ang luha ko.

"Kahit gusto kitang tulungan, hindi pwede. I want you to remember everything without my help. Trust me, nasasaktan rin ang kaibigan mong si Ian dahil hindi mo siya maalala." Malungkot siyang ngumiti saka ako yinakap. "Let your tears come out, I'm here, I won't leave you." Dahil sa sinabi niya, hindi kona pinigilan ang luha ko.

Ang dami kong gustong malaman. Ang hirap hirap ng mawalan ng ala ala. Hindi mo alam kung may naiwan kang isang tao na naghihintay sayo. Hindi mo alam kung nakakasakit ka ng ibang nakalimutan mo. I really wanted to say sorry to those people that I can't remember at all. I want to say sorry to them because i know that they are hurting too. Especially France and Ian, even though I can't remember them, I'm sure they have a big part in my life.

Deja VuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon