John France PoV
Fvck! Hindi ko alam kung paano kakalma. Nasasaktan ako ngayon, doble ang sakit lalo na ng makita kong umiiyak si Ells. Nakaka inis dahil ngayon ko lang naintindihan na kahit anong sabihin ko kay Ells na layuan niya si Fade, siya pa rin ang magdedesisyon non. Hindi ko makakontrol lahat ng galawa niya kahit boyfriend niya pako.
Parang napaka walang kwentang boyfriend ko nung nasa hospital si Ells. Ni hindi ko man lang alam na nangyari yun sakanya. Ayaw niya sa hospital kaya mas kailangan niya ko. Pero fvck! Bakit si Fade ang nandoon? Paano niya nakakahalubilo ang mga mahahalagang tao sa buhay ni Ells? Hindi ko maintindihan.
Naiinis ako kay Fade. Gusto ko siyang sapakin kaninang nakita ko siyang pumunta sa cafeteria. Hindi ko alam bakit kailangan mag sinungaling si Ells sakin. Ayoko mang isipin pero parang hindi iniisip ni Ells ang nararamdaman ko. Nasasaktan ako kase hindi ko alam kung paano maging perfect boyfriend sakanya.
Nasuntok ko ang pader ng kwarto ko dahil sa emosyong lumulukob sakin. Ngayon ay alam kona ang nararamdaman ni Fade nung kami pa. Nung mga panahong binabawalan niya kong makihalubilo sa ibang lalaki.
Kahit nasaktan ako ni Ells ay hindi nabawasan ang pag mamahal ko sakanya. Hindi ko kayang mawala siya sakin. Hindi ko hahayaan maagaw siya ni Fade sakin.
Huminga ako ng malalim saka pumasok sa cr para maligo at mag palit. Ayokong tumagal ng isang araw ang hindi namin pagkaka intindihan. Hindi ko siya matitiis.
Pagkatapos kong maligo ay agad akong nagbigis. Nag suot ako ng simpleng black urban shorts at white tshirt. Ramdam ko ang kirot sa kamao ko pero hindi ko pinansin yon. Inayos ko ang mukha ko para maging presentable sa harap niya. Watch Ells, i will make you fall inlove with me deeply, hanggang sa hindi kana maka ahon.
Nadaanan ko sa sala si Lola kaya nagpaalam muna ako bago lumabas at sumakay sa kotse ko. Bibisita sina Mom at Dad dito next month.
7:00 PM na. Tinext ko muna si Ells bago pinaandar ang kotse ko.
To: Love
Hihintayin kita sa Park malapit sa village niyo. Sana ay pumunta ka.
✔️SentBumuntong hininga muna ako bago umalis.
Tinigil ko ang kotse saka bumaba. Linibot ko ang tingin ko at wala siya. Maghihintay muna siguro ako. Naglalad ako palapit sa swing saka tumingin sa mga bituin. Parang nakikita ko ang mga mata ko sa mga bituin ngayon. Ganon kaliwanag at kakinang ang mata ko kapag nakikita ko si Ells.
Napatingin ako sa gilid ko ng makarinig ako ng yabag. Si Ian. Anong ginagawa niya dito. Seryoso ang mukha niyang lumapit sakin saka ako biglang sinunggaban ng suntok. Nahulog ako sa swing at dumiretso sa lupa.
"Para saan yon???" Kunot noong tanong ko saka pinunasan ang gilid ng labi ko na may dugo.
"Sa pagpapa iyak sa bestfriend ko." Natahimik ako sa sinagot niya. "Alam kong siya ang dahilan ng pag aaway niyo pero fvck! Walang magpapa iyak sa bestfriend ko kahit sino. Kahit boyfriend niya pa." May galit na sabi niya.
"Paano mo nalaman?" Tanong ko.
"Hindi mona kailangan malaman pa yon." Lumapit siya sakin saka ako pinatayo. "Yung ngang lalaking mahal siya ay hindi siya pinapa iyak. Tapos ikaw! Kung nandito lang siya ay mapapatay ka niya." Sabi niya saka tumalikod sakin. "Kung sasaktan mo lang siya. Mabuti pang hiwalayan mo nalang siya. Hindi mo naman masasabing kayo hanggang dulo. Pwedeng gumawa ang tadhana ng paraan para maghiwalay kayo. Kaya hangga't maaga. Layuan mo na siya." Sa sinabi niya ay umangat ang dugo ko sa ulo.
"Kakalabanin ko ang tadhana kung ganon. Kakalabanin ko ang tadhana para hindi kami maghiwalay. Ang hindi namin pagkaka unawaan na ito ang mag papatibay samin. Kaya wala kang karapatan para sabihin saking iwan ko siya." May paninindigang sabi ko pero naglakad na siya palayo sakin. Sumakay siya sa bisikleta at nawala na sa paningin ko.
BINABASA MO ANG
Deja Vu
Teen FictionDEJA VU is something that very few people know the true meaning of. Even though deja vu is French for "already seen", it is actually used to describe the strange feeling you get when you're in a situation, and feel like you've been in the exact same...