DV - Chapter 9

62 3 0
                                    

DEJA VU CHAPTER 9

Zyrelle Ellis PoV

Maaga akong nagising para hindi makasalubong sina Kuya. Tumayo ako pero bigla kong naramdaman ang sakit ng katawan ko. Dahil siguro sa kaka practice kahapon. Damn it!

Pagka tayo ko ay napatingin ako sa bedsheet ko. May dugo---wait, ano bang petsa ngayon. Nakakainis ba't ngayon pa!

Inalis ko ang bedsheet at linagay yon sa lalagyan mg maduming damit. Pagkatapos ay dumiretso ako sa banyo at naligo. Nagbihis agad ako at bumaba na agad ako para kumain ng breakfast.

Umupo ako sa dinning area at nagsimulang kumain. Alam na nina manang na maaga akong pumapasok kaya nagluluto ang cook namin ng maaga. Masakit parin ang katawan ko, hindi muna ata ako magpapractice mamaya. Bahala sila.

"Goodmorning Zyrelle" napatingin ako sa biglang bumati, si Hyerill. Pero naka suot siya ng uniform na katulad ng samin. Ibig sabihin schoolmate ko siya? Bakit hindi ko alam na nag aaral din siya???

"Morning" ngayon ko lang ata narinig ang salitang goodmorning kapag nasa bahay ako. Si France lang madalas ang bumati sakin ng ganon. Siguro ay kailangan kong ibahin ang pakikitungo ko sakanya, mabait naman siguro siya. Sana.

"Kumain kana?" Tanong ko at mukha pa siyang nagulat.

"Hindi pa, sa kusina nalang ako kakain."

"Sumabay kana sakin" may halong pagtataka niya kong tinignan.

"Okay lang ba sayo?" Paninigurado niya. Tumango nalang ako bilang sagot at nagsimulang kumain ulit. Umupo siya sa kaharap kong upuan at nagsimula na ring kumain.

Lumabas na 'ko ng bahay at narinig ko pa ang boses nina Daddy't Mommy na nag uusap. Sumakay ako sa kotse at agad yung pinaandar ng driver namin.

Bumaba ako ng kotse at nagpasalamat.

Naglalakad na 'ko sa hallway ng may umakbay sakin. Agad kong naamoy an pamilyar na pabango kaya alam kona kung sino yon, si France.

"Goodmorning Love" bati niya pero hindi ko pinansin yon at sinubukang ialis ang pagkaka akbay niya pero linalabanan niya yon.

"Hoy John France! Alisin mo nga ang kamay mo" medyo malakas na pagkakasabi ko. Madalang pa lang naman ang mga estudyante dahil maaga pa.

"A.Yo.Ko" pagmamatigas niya.

"Isa!" Inis na sabi ko pero tinaasan niya lang ako ng kilay. Abah!

"Hmm, ba't ang arte mo? Meron ka no?" Hindi ko alam kung biro ba ang tanong niya na yun o totoo, pero namula pa rin ang mukha ko dahil don.

Hindi ako sumagot at nagtuloy sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa classroom. Para akong lantang gulay dahil sa panlalambot ko at sa sakit ng katawan ko.

"Magpapractice ka?" Tanong ng katabi ko.

"Hinde"

"Ayy, bakit?? Wala akong makakasama don" reklamo niya kaya tamad ko siyang tinapunan ng tingin.

"Masakit ang katawan ko France, okay? Wag ka ng magsalita, naiirita ako sa boses mo" nag pout siya sa sinabi ko pero hindi ko siya pinansin. Wala talaga ako sa mood ngayon at wala akong paki alam kung sino ang masusungitan ko.

Hindi siya sumagot sa sinabi ko. Mabuti naman at hindi siya nagkulit. Pumikit ako at isinalpak ang earphone sa tenga ko.

Ilang sandali lang ay may kumalabit sakin kaya inis akong nagmulat at tinapunan siya ng tingin. Nabaling ang tingin ko sa isang rosas na kulay pula at may note yun. Hindi nagsalita si France pero nakatingin siya sakin at nakangiti.

Deja VuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon