DV - Chapter 19

40 4 3
                                    

Zyrelle Ellis PoV

Buo na yung desisyon ko, kasalanan ko'to kaya kailangan kong paghirapan to. Pumatay ako ng tao, well, not literally. I killed them, not by my hands but by my selfishness.

Kailangan kong makausap si France, mahirap para sakin to pero kailangan kong gawin. Para narin kay France.

Tinext ko si France at sinabing mag kita kami sa park malapit dito mamayang gabi. Sana lang pumunta sya, ilang araw na din talaga syang walang paramdam sakin. Diko alam kung anong problema niya, o baka ako ang problema niya.

Ng matapos akong mag ayos ng sarili, bumaba nako para kumain ng breakfast. Wala akong planong pumasok ng school. Okay lang naman kahit hindi nako pumasok dahil aalis na rin ako. May pupuntahan lang ako kasama si Ian.

"Oh Elli, anak. Kain kana" sabi ni Mom sakin at pinag handa pa ako ng pag kain. Nandoon rin sina Kuya at Dad.

"Ell----"

"Mom, please. Ayoko muna pag usapan" sabi ko at binilisan ang pag kain. Narinig ko yung pag buntong hininga ni Mom dahil sa pag pigil ko sakanya. Ayoko munang pag usapan namin yung pagbalik ng alaala ko.

Dahil kapag naiisip ko yon, lalo lang akong nasasaktan at nakakaramdam ng guilt.

"Mom," wala sa sariling pagtawag ko. Naramdaman kong lumingon rin sina Kuya at Dad. "gusto ko na pong pumunta ng ibang bansa. I'll do what you wanted me to do." sabi ko at niligpit yung pinag kainan ko.

"Bakit anak?" Halatang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. But at least she should be happy now.

Because I'm tired and I want to move on. "Mom, please wag ka ng mag tanong. Gusto kong sa ibang bansa ako makapag tapos ng pag aaral. Gusto kong ipakita sainyo na hindi na ako yung Zyrelle na katulad ng dati, nagbago nako Mom. Kaya sana wag nyo nako tratuhin kagaya ng pag trato nyo sakin noon. And besides, this is what you want, right?" Walang emosyong ani ko. Siguro napagod na rin ang sistema ko sa iba't ibang emosyon na naramdaman ko.

"When do you want to leave? I will buy us tickets."

"Tomorrow, Mom. I want to leave tomorrow."

-----------

Tahimik akong naka upo sa tabi ni Ian habang nagda drive siya. Kagagaling lang namin sa sementeryo para bisitahin si Frances. Binigyan niya ko ng privacy at hindi siya lumapit sakin ng lumapit ako sa puntod ni Frances. Nag excuse siya sa klase para masamahan ako.

As usual, I became emotional again. My eyes are like waterfalls and all i could do is cry and tell him what I feel right now. How miserable am I because of this.

Puno ang isip ko ng mga bagay bagay na paulit ulit nalang. Parang kahapon lang nangyari lahat. Hindi pa rin ako makapaniwala. Parang bago pa rin yung sakit na nararamdaman ko, walang nagbabago, hindi nababawasan.

Walang emosyon ang mukha ko ng bumaba ako ng sasakyan. Bakas ang kakulangan ko sa tulog dahil sa malalim na eyebags.

Sinalubong kami ng malamig na hangin. Nandito kami sa mismong lugar kung saan kami naaksidente. Sa may bangin papuntang bar.

Nabaling ang tingin ko sa punong malapit sa bangin. Tuyo na ito at walang buhay gaya ko.

Nagsimulang bumalik ang ala ala na yun kung saan takot na takot ako at umiiyak. The hopeless me na pilit hinihila si Frances paakyat. Si Ian na walang magawa at hinang hina. At si Ate Ky na mabilis na nawalan ng buhay. Walang salitang namutawi sakanya at basta nalang kinuha ng nasa taas.

Pinakunot ko ang noo ko at suminghap. Tinignan ko ang kamay kong parang nararamdaman pa rin ang nakahawak na kamay ni Frances.

Narinig ko ang yapak ni Ian na nasa likod ko papalapit sa dulo na bangin saka tumungin sa ibaba non kung saan may maliit na pahaba na daluyan ng tubig at naglalakihang mga bato. May mga puno rin doon.

Deja VuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon