Zyrelle Ellis PoVPinaharurot ko ang kotse ko papunta sa Academy kung saan ako nag aaral. Grade 12 na'ko at malapit nakong mag college. Sa mga nagdaang buwan, nahirapan akong makalimot. Sino ba namang hindi diba? Pero dahil alam kong kasama ko si Kuya at Fade, nakaya ko.
Lahat ng nasayang na mga buwan na galit si Kuya sakin, lahat yun ay binawi namin. Naging close kami at masayang masaya ako dahil doon.
Nung nag tapos ako ng Grade 11 ay nagtravel kaming tatlo nina Kuya at Fade sa Korea. Nag enjoy ako doon dahil maganda ang lugar na 'yon.
Proud na proud rin sila sakin pati na sina Mommy at Daddy dahil nasasama ako sa mga Honor student. Stem ang kinuha kong track at nag eenjoy ako don.
Sina Leah, Faye at Dale naman ay lagi ko ring kasama sa Academy pero iba ang track nina Leah at Faye. Si Dale naman ay Doctor rin ang kukunin niya kaya Stem rin siya. Mas naging close rin kami at sila ang tumulong saking mag adjust sa school.
Sina Hyerill at Ian naman. Sila na. Masaya ako para sakanila. Bagay naman sila at suportado ko ang relasyon nila. Hindi rin nila ako nakakalimutang tawagan at kamustahin. Hindi nawala ang communication namin sa isa't isa.
Si Fade, lalo ko siyang nakilala. Napaka clingy niya kahit nanliligaw pa lang siya. Ang sweet niya rin at palabiro. Nagtatrabaho siya sa company nila pero hindi siya nawawalan ng oras sakin. Dahil sakanya, unti unti akong nakakapag move on. Yun naman rin ang plano ko kaya ako pumunta rito.
Nung 18th birthday ko. Naghintay ako hanggang mag alas dose para batiin ako ni France. Umabot pa'ko ng ala una sa paghihintay na batiin niya 'ko. But it never happened. Ang dami kong ine-expect noon na gagawin niya sa Birthday ko. Yung susundan niya 'ko dito para maayos kami. O babatiin niya 'ko at sasabihing maghihintay pa rin siya. Sobrang sakit non, doble doble yung sakit at disappointment na naramdaman ko. Hindi ko inakalang matitiis niya 'ko. Hindi ko inakalang papanindigan niya ang sinabi niya nung gabing yun na kakalimutan na niya 'ko. Hindi ko talaga inaasahan yun.
Wala akong alam sa nangyayari sakanya sa mga nakaraang buwan. Hindi ko tinatanong sina Ian at Hyerill dahil baka masaktan ako sa maaari nilang isagot. Natatakot ako na sabihin nilang masaya na siya sa iba at nakalimutan na niya 'ko.
"Zyrelle! You're almost late." Salubong ni Dale pagkapasok ko sa room namin. Magkaklase kami, and that's good dahil may nakaka usap ako. Pero kinaka usap ko rin naman ang ibang kaklase ko. Friendly na'ko ngayon.
"Almost lang naman." Wika ko at umupo sa pwesto ko na nasa tabi lang niya.
"Nag puyat ka kagabe?" Usisa niya. Bakit hindi nalang siya maging lawyer sa Korea okaya sa China? Singkit naman siya eh.
"Umatake insomnia ko." Tamad na sagot ko at yumuko sa desk. Inaantok talaga ako.
"Okay. May unit test tayo ngayon diba?"
"Oo" tamad na sagot ko.
"Good, nakapag review na'ko." Ganyan siya. Kahit alam na niya ang sagot ay nagtatanong pa rin siya.
Dumating ang guro namin at nagsimula ang klase. Hanggang sa umabot sa isang subject kung saan kami mag uunit test. Magaan lang naman yun kaya mabilis akong natapos. Ang kalaban ko lang naman sa pagiging valedictorian ay itong si Dale.
"You can go know, Miss Ocampo." Nakangiti sabi ng teacher namin. Tumango nalang ako at umalis dala ang bag. Humabol si Dale at dumiretso kami sa cafeteria para puntahan sina Faye at Leah.
"Nandito na ang mga genius." Wika ni Faye habang nakapanalumbaba sa table.
"Kumusta ang test?" Nakangiting tanong ni Leah.
BINABASA MO ANG
Deja Vu
Teen FictionDEJA VU is something that very few people know the true meaning of. Even though deja vu is French for "already seen", it is actually used to describe the strange feeling you get when you're in a situation, and feel like you've been in the exact same...