SCENE 6 / Paggising sa 2030
(future )
2030. Tutugtog ang kantang “Little Sadie”.
Magigising si RR sa tabi ng kalsada, sa karton. Medyo marumi-rumi na siya at magtataka siya kung nasaan siya.
Pagdilat niya, may mga doctor o volunteer na nasa paligid niya.
Kumalma lang daw muna siya at dadalhin naman siya sa kaligtasan, pero kailangan muna tignan ang kanyang kalusugan.
No choice na si RR kasi outnumbered na naman siya. Hinayaan niya nalang ang mga ito.
Makikita niya sa isang clipboard ng isang doctor na nakalagay “Pres. Panfilo ‘Ping’ Lacson”.
Nagtataka siya kung sino ‘yon at patawa itong sinagot ng mga doctor. “Teka…!”
Isa-isa niyang nakilala ang mga doctor (pero hindi niya sasabihin ang mga pangalan ng mga ito, ipapakita lang sa camera ang mga mukha ng bawat doctor)at patawa na tinanong kung bakit ganoon ang kanilang kasuotan. Ang mga doktor dito ay sina: Nicole, Kate Alit, at Audrey Olonan)
“Ba’t kayo nagtatawanan?!” Tanong ni RR. Nagtinginan ang mga doctor na may kasamang awa at saka nagtawanan ulit. Tinrato nila si RR bilang pulubi na may problema sa pag-iisip.
Wala ang mga close ni RR sa grupo ng mga volunteers na ito kun’di makikilala siya ng mga ito. Nakacap din dapat si RR.
Tinanong nalang siya kung ano ang pangalan niya at sinabi niya naman ito. Nagtingin muli ang mga doctor at nagsabihan na, “Huy! Si RR pala ‘to!”
Mabilis siyang pinigilan ng nga doktor sa paggalaw at baka makatakas.
"Ano'ng ginagawa niyo?! Pakawalan niyo ako!"
Nakatakas si RR subalit walang pwersa ng lalaki sa pagpigil sa kanya at sinubukang habulin ng mga doctor ito ngunit mabilis ang pagkatakbo niya.
#
YOU ARE READING
Papunta, Pabalik | Drafts
चिक-लिटPagkwento sa Storya ng Grade 10- St. Pedro Calungsod S.Y. '19-'20