18 : Breakfast in Bed

7 0 0
                                    

SCENE 18 | Breakfast in Bed
( future )


Biglang magigising si Iya mula sa pagkabog ng pintuan dahil sa malakas na hangin (transition mula sa last scene).

Irurub niya ang mukha niya dahil sa pawis sa kanyang noo pati na rin ang mga mata niya, at aayusin ang kanyang buhok. Pagkatapos ay lilingon siya at makikitang niyang wala na si RR sa kanyang upuan. Tinignan niya rin naman ang backseat.

"RR?"

Tumingin siya sa labas mula sa bintana at nakita na siya nalang ang mag-isa. Ulit.

"Great. You scared the poor man sa dami ng mga problema mo. Tinambak mo ba naman kasi lahat, Iya." Sabi ni Iya sa sarili niya.

Sighing, inayos niya na ang buhok niya pati ang damit at saka naisipang bumaba na sa kotse.

Pagbaba niya ay narinig niya ang boses ni RR. "Iya!"

Tumingin siya sa kanan niya at nakita niya nga si RR na may may ngiti sa kanyang mukha, may mga bitbit na plastic bags.

"Breakfast is ready." Dineklara ni RR.

"Nandito ka?"

Mapapatingin sa kaliwa't kanan si RR sa tanong ni Iya.

"Oo?" Sabi ni RR, unsure sa kanyang sagot. "Ba't naman ako mawawala?"

"Eh kasi,... pagkatapos ng kagabi..."

Nagtitigan sila.

After a while, naisipan na ni Iya tumayo at maglakad papunta kay RR. Niyakap niya ito.

"Thank you." Bulong ni Iya sa tainga ni RR habang nakapatong ang kanyang ulo sa balikat nito.

"You're welcome, pero, Iya, lalamig na 'tong mga binili ko, oh. Don Jo pa naman 'to."

Matatawa rito si Iya at lalayo na mula kay RR.

Makikita na sila na tapos na kumain at nilipit na ang mga styrofoam.

"Anong oras ka nagising? Ang aga-aga pa, huh?"

"Mga 5:00 siguro ako bumangon para bumili sa Don Jo."

"5:00? Napaka-aga naman?"

"E, hindi rin naman ako nakatulog kagabi. Puyaters."

"Huh? Bakit? May bumabagabag ba sa'yo sa higaan mo? May makati ba? Masyado ba akong naging maiyakin kahapon? RR, I'm so sorry, nabigla lang talaga kasi-"

"Huy...! Hindi, hindi. Ayos lang yung higaan ko. Medyo may katigasan lang, pero ayos lang talaga. Promise. At saka... ayos lang naman sa'kin yung kagabi."

"E, bakit-"

"Wala lang ... basta! Grabe naman 'to. Ang laki ng tinaas ng presyo ng Don Jo."

"At bakit mo naman kasi naisipan na bumili ng Don Jo?"

"Pagkatapos mo ako patirahin dito? Nakakahiya kaya. Kailangan ko magbayad kahit papaano. Paborito mo naman ito, 'di ba?"

Mapapangiti si Iya sa pag-alala ni RR.

"At ang pera na pinambayad mo?"

"'Yun lang. Ubos na."

"Ano?!" Pasigaw na tanong ni Iya habang pinaghahampas si RR. "RR, bakit mo naman inubos?!"

"NAGUGUTOM NA RIN NAMAN AKO!"

"EH TALAGANG MAGUGUTOM TAYONG DALAWA, RR!"

"'TSAKA BIRTHDAY KO NAMAN NGAYON!"

"WALA AKONG PAKIELAM KUNG BIRTH- birthday mo ngayon?" Tinigil ni Iya ang paghahampas niya kay RR.

"Oo, at least sa sa totoong timeline."

"Whatever, RR. This calls for a celebration!" Sabi ni Iya habang tumayo at pumasok sa loob ng sasakyan para kunin ang kanyang shoulder bag. "Yes, a celebration." Sabi niya habang kinukuha ang gamit sa loob."

"Tara." Yakag ni Iya.

"Saan?"

"Magshashopping tayo, malamang!"

"Shopping? Ng?"

"Ingredients para sa handaan natin dito." Sabi ni Iya kay RR habang hindi natingin dito. Patuloy siya na naglalakad.

"Ingredients?" Tanong ni RR habang hinahabol si Iya. "Hindi ka naman marunong magluto, Iya."

"After ten years? You're not sure, RR." Tumingin si Iya sa likuran, sa balikat niya. "Chefs applaud me."

And with that, nagturn ulit siya ng ulo paharap sa destinasyon nila.

#

Papunta, Pabalik | DraftsWhere stories live. Discover now