SCENE 19 | Happy Rebirthday!
( future )
Nag-uusap ang dalawa habang pareho silang naglalakad, si RR ay nasa likuran, hinahabol si Iya.
"Iya, 'di na kailangan 'to. Ano ka ba? Ayos lang."
"Nonsense, RR. Shut up."
"Sayang naman yung pa-Don Jo ko kanina. Huy."
Mapapatigil si Iya sa sinabi ni RR at dahan-dahan siyang titingin sa kanya. Napaisip siya habang tinititigan si RR.
"'Di ba?" Tanong ni RR kay Iya.
"Nope." Dumaretso ulit si Iya at naglakad.
Sighing, naglakad nalang din si RR.
"Iya, seryoso. 'Wag na. Okay na 'yung Don Jo. Hindi ka ba nabusog, nasarapan?" Tanong ni RR kaso pagtingin niya kay Iya, ay tumigil na pala ito sa kanyang paglalakad.
"Iya?" Tawag ni RR.
Tinignan ni RR ang direksyon ng titig ni Iya at namangha rin siya sa nakita nito.
Nakita nilang dalawa sina Luceine at CJ na buhay na buhay pala, sa kabilang kalsada, nagtatalo.
"Next time na tatakas ka ulit, siguraduhin mo naman muna na maayos ang pananamit mo. Mahiya ka nga. Nasakit pa rin ba ulo mo?" Sabi ni Luceine kay CJ.
"Para akong may hangover na 'di malaman, e."
"Pasensya ka na ha. Nag-aalarm talaga kasi ako ng ganong oras, e."
Habang sinasabi 'yon ni Luceine ay ilalagay niya ang kamay niya sa balikat ni CJ at ipapatong lang muna ito doon.
Nagzoom-in ang mata ni Iya doon at ito ang nagbigay sa kanya ng clue na magkasama silang dalawa.
"Napakatindi," sabi ni RR. "buhay pa pala si CJ, oh! Tapos si ano 'yun ah! Huy si-" Sabi ni RR.
'Nung tumingin na si RR sa kaliwa niya ay wala na pala si Iya. "Iya?"
Tumalikod na pala si Iya at naglakad nalang muli papunta nga lang sa pinanggalingan nila.
"Saan ka naman pupunta ngayon?" Sinabi muna ni RR bago hinabol si Iya.
Hindi mabasa ang ekspresyon ng mukha ni Iya ngunit nababasa naman ito sa kanyang mga mata. Gulat na gulat ang mga ito, walang kaluha-luha. Puno lang ng kagulatan.
Naglalakad pa rin si Iya, pero nakahabol naman kagad si RR at inikot siya sa paghawak sa balikat ni Iya. Pagharap niya kay RR ay ganon pa rin ang itsura niya, gulat na gulat.
Napaupo nalang si Iya kung saan sila tumigil ni RR habang ang mga kamay ay nasa mukha niya. Pinantayan siya ni RR. After a while, tinanggal na ni Iya ang mga kamay niya sa mukha niya.
"For a socially active girl whose friends from junior high school had gradually evolved into completely different people, it was a surprise that I managed to survive my first year. Sure, I had CJ, pero nasa ibang uni siya noon with different friends and classes na hindi ko tinake, so lumayo-layo muna ako."
"Sinubukan niya pa rin naman, 'di ba?"
"Tinry niya pa rin, siyempre, pero wala talaga, e. Mag-isa ako noon 24/7... hanggang sa nagkita ulit kami ni Kate Alit sa USTe. What a God-sent, that girl!"
"Pero ngayon?"
Tumingin si Iya kay RR.
"The universe could have bended backwards, but the three of us would never realign." Sabi ni Iya with a sad smile. "In other words, 'di kami meant-to-be."
Tumingin ulit sila sa north side nila.
"I'm sorry." Biglang sabi ni Iya.
"Huh?"
"Kung 'di sana kita pinilit na pumunta rito, 'di sana nangyari 'to."
"Kung 'di mo ako pinilit, 'di ko sana makikita si CJ at si Alit sa taon na 'to. Seryoso, dapat nagpapasalamat ako sa'yo."
"Still... At 'wag ka masyadong trying-hard sa pagcocomfort ng babae. I'm fine."
"... Nagbreak up ba kayo? Dahil kay Alit?"
"Break up? Goodness, no! Hindi ko nga nakekwento at nakwento si CJ kay Alit, e! In good terms kami ni CJ, well, at least noon.
"Edi bakit? Question game, Iya. Salitan tayo sa pagtatanong ng kahit ano."
"Anong pauso na naman 'to?"
"Bakit kapag kinekwento mo si CJ, parang siya yung pinakamagandang nangyari sa'yo?"
"I don't-"
"You do, at actually, alam mo 'to. Alam ko ang itsura ng heartbreak kapag nakakita ako nito. Iya, pinagdaanan ko na 'to."
"Yuck!" Patawang sinabi ni Iya. "Please, I refuse to know."
"Thank you, oh gracious master of the double standard." Patawa ring sinabi ni RR.
"So, turn ko na para magtanong ng kahit ano?"
"Yup!"
"So, kung totoo nga yung sinabi mo na galing ka sa taong 2020 at chance mo na ngayon para makabalik doon at" quotation mark fingers "magising na,... RR, gusto mo pa ba magising?"
"Sa totoo lang, Iya?" Sabi ni RR. "Natatakot ako. Natatakot ako na sa oras na hawakan ko ang kamay mo, alam ko sa sarili ko na baka... baka hindi na ako makakabitaw pa sa'yo."
"HUY!" Isasnap ni Iya ang kanyang mga daliri sa mukha ni RR. "Earth to RR! Kaduguan mo. Sagutin mo naman yung tanong ko!"
"Huh?" Bigla siyang magigising.
"Sabi ko kung gusto mo pa ba magising?"
"Ah, e, oo naman, sobrang gusto ko na magising."
"Then... Then I have to convince you not to, then?" Pangiting sagot ni Iya.
Nagshrug si RR at tumayo na. "Ikaw bahala. So, ano? Tara na ulit kung saan man tayo pupunta?"
Inoffer ni RR ang kanyang kamay kay Iya upang tumayo at tinanggap naman ito ni Iya.
"Fire."
#
YOU ARE READING
Papunta, Pabalik | Drafts
ChickLitPagkwento sa Storya ng Grade 10- St. Pedro Calungsod S.Y. '19-'20