10: Kwento ni Iya

9 0 0
                                    

SCENE 10 /  Kwento ni Iya
(

future )

Kung kaya, magpapakita ng timelapse ng kalsada, then...

Nasa "bahay" na sila ni Iya, isang abandonadong volkwagen beetle na dilaw, na mayroong mga maliliit na girly na mga kurtina, unan na marumi, at ang gitara ni Iya.

Sinabi niya kay RR na ito ang bahay niya with a proud smile. "Tada! *Insert house tour* Ikaw sa passenger's seat matutulog, ako sa driver's."

Noong umupo na sila kung saan dapat matutulog, tinanong na ni RR: "Iya,... ano'ng nangyari?"

"Ha?"

"Hatdog." Patawang sinabi ni RR ngunit mabilis naman ito namatay dahil nakita niya ang masamang ekspresyon ni Iya. Tinuloy niya ang kanyang sasabihin.

"Sorry, pero... ano'ng nangyari... sa'yo?" 

Nag-iba ang ekspresyon ni Iya, grim. "I'm guessing 'di mo alam yung mga naging balita dahil (quotation mark fingers) nanaginip ka?"

Nagshake ng ulo si RR at nagsigh of defeat si Iya. Kinwento niya kung ano ang nangyari sa point of view niya.

"Nakamit ko naman yung pangarap ko: nakapagtapos ako ng conservatory of music sa UST at naging indie singer na may kasikatan (with a sad smile)... pero natatandaan mo pa yung ginawa kong kanta noong grade ten? Nawala kasi yung notebook ng draft ng lyrics non pati yung chords. Buti nalang at tanda ko pa kahit papano at nagawa ko na naman siyang i-release... which was good! Pero next thing I knew, may mga kumakatok na pulis sa pintuan ng bahay namin, sinasabing ninakaw ko raw ang sarili kong kanta. Naloko ako. Yung notebook? Napunta pala kay Janine."

"Janine... Janine De Ocampo? Jaja?!"

"Oo, big shining multi-talented celebrity star! Bago ko pa i-release ang sarili kong kanta para sa album ko, nai-release niya na ang lumang version nito. Kinasuhan niya ako ng libel dahil pinagsasabi ko na ninakawan niya ako which is true, mind you, at ng theft for copyrighted music. Wala akong laban doon, RR. Bigtime 'yon!  Nakatakas ako noong naplead akong guilty... ito ako ngayon, on-the-run."

"Apir muna tayo diyan." Tinaas ni RR ang kanyang kamay

Ito ang reaksyon na huling inaasahan ni Iya. "Bakit?"

"Pareho tayong on-the-run. Narinig ko sa radio sa isang tindahan, pero 'di ko talaga alam kung bakit, e! Apir!"

#

Papunta, Pabalik | DraftsWhere stories live. Discover now