12 : Writing

4 0 0
                                    

SCENE 12 |  Writing
( future )

Transition doon sa younger na kamay to present, tinitignan ni RR yung kamay niya na dinrawingan ni Iya dati. 

"RR! Huy! RR!"

Mapapatalon sa kinauupuan si RR sa paghiyaw ni Iya sa kanya.

"Po?"

"Narinig mo ba yung sinabi ko?"

"Huh? Hindi."

"Sabi ko—may ganap sa channel 2, para bang contest... Malaki-laki yung premnyo. baka magustuhan mo lang naman sumali at mabayaran yung rent sa pagtira mo rito."

"Huh? May rent... dito?" Sinenyas ni RR ang abandonadong kotse na nagsilbing bahay ni Iya.

"Hoy! You wound my womanly pride. Joke lang, wala naman, kaso... Kailangan ko—natin—ng pera, RR, na pwede naman nating paghatian... kung tutulungan mo ako, that is."

Pagkatapos titigan ni RR si Iya nang matagal-tagal, pumayag na siya. Surrendering, tinaas niya ang kanyang mga kamay.

"...Sige na nga. Ano ba ang kailangan kong gawin?"

Ihahand ni Iya yung flyer kay RR.

"Tulungan mo ako na makagawa ng kanta." Sinabi ni Iya habang tinitignan ni RR ang flyer.

"Hindi... hindi ako... tingin ko hindi ako ganoon makakatulong, Iya...?"

Tinaasan siya ni Iya ng isang kilay. "And why is that?"

"Uh, e, kasi ano... uhm... hindi ako... writer, Iya. Sure sa pagdada ng mga problema, pwede pa (tawa),... pero sulat?" Mahinang sinabi ni RR habang tinuturo ang flyer.

"Hmph. Lahat tayo marunong magsulat," sabi ni Iya habang naghahanap ng papel at ballpen. "Yung buong buhay mo? Storya na kagad 'yon. Kaso nga lang, the choices you make each day define what kind of story it is. Some people, like you perhaps, are just better at using words than others."

"Pero... Iya, hindi ko nga alam kung ano mismo ang nangyari sa akin, e? Hindi ko alam ang storya ko rito!" Reklamo niya.

"Alam mo, ang bitter-bitter mo! Tanggapin mo muna 'tong papel at ballpen na nahanap ko. At... Teka, may ikekwento ako: Nagkaroon ako ng professor sa USTe---forgot his name already---nagtanong siya sa amin, why do people write?" Ngumiti si Iya. "Edi siyempre, sinagot namin with the usual. To express, to create something out of nothing, to put thoughts into paper, and mga fifty other variations pa ng sagot na 'to express'.  At alam mo ang sinabi niya? Aba! Pinalayas niya kami sa class niya."

Napanganga si RR.

"Walang gumalaw," cinontinue niya. "Tinitigan lang namin siya. I think most students ay ayaw sa kanya, but I was fascinated!" Inubos ni Iya ang tubig na natira sa kanyang bote.

"Sinabi niya ba?" Tanong ni RR.

Tinaasan ulit siya ng kilay ni Iya.

"I mean, sinabi niya ba kung para saan yung pagsusulat?"

Nagnod si Iya. "'Di ko tanda yung exact words, pero ang tanda ko pa na sabi niya,..."

Tinitigan ni Iya si RR with a serious expression.

"'Some... some write to exist in non-existence.'"

Silence.

And with that, "Iya,.. ano pa ang nangyari?"

Silence.

"Iya?"

"Alam mo kung ano pa ang nangyari? Kapulubuhin. Kung hindi lang talaga doon sa kantang 'yon. Kung hindi lang ninakaw ni Janine 'yon. Kung hindi nalang ako- Minsan, feeling ko walking dead nalang ako na PLEASE STANDBY! Habang hinihintay ko ang oras ng kamatayan ko."

"Buti nalang nandito ako, no? Haha. 'Di ko yata maimagine na mabuhay rito nang mag-isa." Sinabi niya ito habang tinitignan ni Iya ang litrato ng kanyang nanay."

"Namimiss ko na sila."

"Bakit ayaw mo siya puntahan? Nakita ko siya kanina lang, e... Noong nagnakaw ako ng damit sa sampayan n-"

"NAGNAKAW KA NG DAMIT SA SAMPAYAN NIYA?!"

"Isa lang naman 'to. Mukhang pang-CAT mo nga lang 't-"

"HOY! HINDI! IBALIK MO 'YAN, NGAYON NA!"

At hinila ni Iya si RR papunta sa Amaya.

Papunta, Pabalik | DraftsWhere stories live. Discover now