22 : John Ken

8 0 0
                                    

SCENE 22 | John Ken

( future )

Maggagabi na noon at nagtago na sina RR at Iya sa isang alley o sulok kung saan hindi sila makikita ni Ken.

"Ang..." Sinabi ni RR habang nagwiwheeze. "Ang saya non!"

"At affordable." Sinabi naman ni Iya habang hinahabol naman ang kanyang hininga.

Tatawa si RR at kinuha na ang lahat ng katapangan na mayroon siya.

"Iya, may sasabihin ako sa'yo..."

"Mm?"

Kukunin ni RR ang mga kamay ni Iya.

"Iya, gusto-"

"Hindi niyo naman ako kailangan takbuhan. May sasabihin lang ako." Sabi ng boses mula sa ilabas ng alley.

Mapapatingin sila sa pinanggalingan ng boses, kay Ken.

"Argh." Mapapafacepalm si RR sa pagputol ng sasabihin niya.

"At ano naman kaya 'yon?" Tanong ni Iya kay Ken.

Titignan ni Ken si RR.

"RR, p're, kakausapin ko lang si Iya."

"At paano ako masisiguradong hindi mo siya huhulihin?" 

"RR naman, pre, kahit dapat ikaw talaga ang dapat hulihin dito, sa tagal nating naging magkaklase. Hindi ko itatapon 'yon at maipahamak si Iya, kung magka-ano man kayong dalawa."

"Edi,... bakit hindi mo na kami hulihin, Ken, ngayon na?" Singit naman ni Iya sa usapan.

"Kailangan lang kita makausap, Iya. At saka, mga trainees pa lang naman kami. Wala lang 'to."

Magkakatinginan sina Iya at RR. Si RR ay nagsasabi ng silent question kay Iya kung dapat ba niya iwan siya. Tumango naman si Iya bilang sagot na ayos lang at kaya niya naman 'to.

"Sige na, R, para makapagpractice na ako ulit ng lock-breaking skills ko." Sabi ni Iya kay RR habang nangiti, mischievously.

"Mm, sige... Ken, ayos, p're ha."

"Jusko, R, oo naman. Ako pa." Pangiting sagot ni Ken kay RR.

Ang oras para sa pagngiti-ngiti ay tapos na. Naging seryoso na ang itsura ni Ken.

"Iya."

"Hi, Ken. So, good weather today, huh?"

"Nakakakinig ka sa mga balita ngayon?"

"Huh? 'Yan ang least na inaasahan kong magiging topic ng usapan natin."

"Iya, sagutin mo ang tanong ko."

"Bakit pa, puro naman mga bayad na reporters lang ang nandoon. Bakit ko pa kailangan makinig doon?"

"Iya, alam kong tungkol 'yan kay CJ, pero sinasabi ko sa'yo, kailangan mong magingat."

"Ingat? Saan?"

"Kay RR."

Magugulat si Iya sa sinabi ni Ken at biglaan nalang magbuburst sa katawanan.

"Ken, naririnig mo ba ang sarili mo? RR?"

"Iya, tropa ko dati si Jaja, pero pulis ako. Doon ako sa kung alin ang tama."

"Sinasabi mo bang may tama ako?"

"Iya, please."

Magseseryoso na muli si Iya sa paghingi nito ni Ken.

"Jaja. Ayaw ko ng madinig ang pangalan na 'yon, Ken! Bumabalik lang ako sa panahong kumatok ang mga pulis sa pintuan namin. Ano na naman ba ang mayroon sa babaeng 'yon?"

May kinuha si Ken mula sa bulsa niya, isang diyaryo na pinublish ng Magnificat.

"Ito." Sabi ni Ken habang inaabot ang diyaryo kay Iya.

"Ano 'to?"

Tinanggap ito ni Iya at tinignan ang malaking "Magnificat" sa papel.

"Basahin mo 'yan at... 'wag ka nalang sana mabibigla."

Makikitang umupo na pala sa sahig sina Iya at Ken habang binabasa ang headline ng artikulong nasa unahang bahagi ng diyaryo.

NOTE: Hindi ito ang pinaka-article at headline, pero ito yung main thought (kahit hindi na sundin ang rules ng headline-writing).

Mapapansin niya ang napakalaking headline na nagsasabing magkasama sila, Ang Natalo at ang Abogado.

Makikita niya ang dalawang picture na nakalayout doon, mga kuha ni Audrey Denise Castillo, silang dalawa ni RR na natakbo sa Amaya at habang nainom sila ng beer.

"Nakita na magkasama ang patuloy na pinaghahanap na ang abogadong si Atty. Rainart Rab Magsombol kasama ang isa pang pinaghahanap na si Alyssa Crisostomo sa isang barangay sa Tanza, Cavite."

Iaangat ni Iya ang ulo niya mula sa diyaryo at titingin siya sa tabi niya.

"On-the-run na abogado si RR? Doesn't make sense, Ken." Sinabi niya kay Ken.

Makikita na nakaupo rin si Ken sa tabi niya.

"Basahin mo pa."

Patuloy na babasahin ni Iya ang nilalaman ng diyaryo, ang pangalawang artikulo naman.

Sa susunod na picture ay makikita ang mugshot ni Janine na nagpapakitang nahuli na siya.

De Ocampo, Nahuli Na! ang sabi ng headline. Mapapagasp si Iya sa nabasa niya.

Habang binabasa ang mga nangyari kay Janine ay pinapakita ito.

"Hinuli na ng authority ang nagkasalang si Janine De Ocampo pagkatapos malaman na siya pala mismo ang nagnakaw sa napakasikat na kantang Papunta, Pabalik na sinasabi niyang ninakaw daw ng totoong nagsulat nito na si Alyssa Crisostomo na hanggang ngayon ay nawawala pa rin ayon sa kanyang nanay na si Adie Crisostomo."

Habang binabasa ni Iya ang nasa artikulo ay pinapakita itong (ang binabasa) nangyari.

"Pagkatapos ng ilang buwan na pagtatago ni De Ocampo ay sumuko na ito sa kapulisan noong Miyerkules nang gabi pagkatapos makita ito sa isang tindahan sa Tanza, Cavite. Pagkatapos ng ilang taon na naging sikat ang kantang Papunta, Pabalik, ngayon lang nalaman na nasa maling kamay pala ito at ang totoong may ari nito ay ang pinaghahanap ng pulisya, si Alyssa Crisostomo.

Ang kwentong sa matagal nang kinalimutan na kaso na ito ay ibinahagi ni De Ocampo."


#

Papunta, Pabalik | DraftsWhere stories live. Discover now