21 : Palengke

3 0 0
                                    

SCENE 21 | Palengke

( future )

"So, ito?" Tanong ni RR, nahingi ng kompirmasyon kay Iya. "Sa palengke mo ako dinala." Sabi ni RR.

"E, bakit? Ano'ng masama?"

"Bakit?"

"Oh, ngayon ka pa mag-inaarte?"

"Beh hindi. Saan ka naman kukuha ng pera? Kaala ko ubos na rin iyo?"

"HA! At sino'ng nagsabi kailangan natin ng pera?"

"Ah... may kakilala ka rito sa palengke, 'no?"

Tatawa si Iya bilang sagot na para bang ito ang pinakanakakatawang bagay na narinig niya.

"Iya?" Patuloy na tanong ni RR.

"Hay nako, RR. Tara na nga. Dali! Masaya 'to!"

Kinuha ni Iya ang kamay ni RR at hinila ito patungo sa puso ng palengke.

Meanwhile, sa kalsada ay makikita si Basti, naglalakad papunta kay Mark na nakaupo lang habang nagcecellphone.

Si Basti ay nakaporma. Siya'y may shades at kwintas, hindi magmumukhang pulis.

Tutugtog ang Without Me ni Eminem habang naglalakad siya papunta sa bahay ni Mark.

Binuksan niya na ang pinto ng kwarto kung nasaan si Mark. "Ulo...?"

"Ulo...!" Palokong pagbati ni Basti kapag tumigil na ang kanta.

"Oi, Basti, bumalik na tayo sa palengke. Aba'y mananagot na naman tayo kay chief niyan, e!"

"Kaw!" Hahampasin ni Basti si Mark. "Tumigal ka nga, Mark! 'Di ka nga umaattend ng CAT noon, e."

"E, ngayon naman ay binabayaran na tayo."

"Pft. Kung ako sa'yo, iwanan muna natin si Ken sa pagduduty sa palengke. Babae lang naman daw ang pinaghahanap doon! At saka tignan mo ba naman pormahan natin! Sino'ng tingin mo ang makakahuli sa'tin. 'Di naman tayo mukhang pulis, Mark."

"'Pakalupit talaga nito." Pangiting sasabihin ni Mark habang sandali na itinuro ang index finger niya kay Basti. "'Ge, susunod ako."

"'Wag mo akong paghintayin. Bilisan mo."

"'Ge, 'ge."

Iiwan ni Mark ang cellphone niya sa lamesa. Sakto kung kailan umalis na si Mark ay nagring bigla ang cellphone niya. Sabi ng caller ID ay si "Kentot" ang natawag.

Sa palengke, makikitang hawak ni Ken ang cellphone niya sa tainga niya.

"'Pakatindi naman ni Mark, ayaw sumagot."

Noong nasa loob na ng palengke sina Iya at RR, yuyuko at uupo si Iya.

Pagkatapos ng sinabi ni Ken ay madadaanan niya sina Iya at lalayo.

"Ano'ng ginagawa mo?" Hiss ni RR kay Iya.

"Masyado na akong kilala rito." Balik ni Iya.

"Huh? Peymus ka sa palengke? Iya, 'di ko akalain-"

"Baliw ka ba? Hindi, marami na akong kaso rito. Okay, so, ganito kasi 'yon: kadalasan ay swerte ako. Madalas kasing mag-isa ang nakabantay na mga pulis ngayon sa palengke. Yung dalawa, wala ngayon. So,..."

"Huh?!"

Ngingiti si iya, wickedly. "RR, ngayong araw ay magnanakaw tayo." At biglang lilitaw si Iya at kukunin ang pinakamalapit na pagkain na nasa tindahan sabay tatakbo.

Tutugtog ang kantang Come on Eileen.

"HOY! MAGNANAKAW!" Sigaw ng tindera.

Sasabayan ni RR si Iya sa pagtakbo.

Tatawa lang si Iya sa reaksyon ng tindera.

"Iya anong kalokohan 'to?!"

"Huy! Kumuha ka niyan!"

Sinunod naman ito ni RR.

"MAGNANAKAW!" Sigaw pa ng isang tindera.

Sa isang sulok ay biglang lilitaw ang nag-iisang pulis na nakabantay, si Ken.

"HUY!"

Tumakbo sa direksyon nina Iya si Ken at tumakbo sila kung saan sila nanggaling.

"Bilisan mo! Pulis!" Sigaw ni Iya kay RR.

"SI KEN?!" Pangiting sagot ni RR sa direksyon ni Ken, 'di pa rin nakilos. "Ken, pare! Ako 'to, si RR!"

"RR?" Pagtataka ni Ken, 'di makapaniwalang kausap niya ngayon si RR.

"Oo, p're!" Lumaki ang ngiti ni RR. "Iya, si Ken lang pala 'to, e!"

"RAINART RAB, BILISAN MO! MAHUHULI TAYO!"

"Ay putek! On-the-run nga pala ako!" Binilisan ni RR ang takbo niya.

Nahabol niya na si Iya na hanggang ngayon ay nakaw pa rin nang nakaw ng pagkain at ilalagay ang mga ito sa bag niya.

"IYA, RR! SAGLIT!" Sigaw ni Ken habang hinahabol sila.

Tatakbo lang sila mula kay Ken habang natugtog ang kanta at aabot sa punto na magsoslow motion mula sa likod ni Iya, ang POV ni RR sa likod ni Iya. Titingin si Iya kay RR sa kanyang balikat.

"Ganito, ganito pala ang sinasabi nila- ang matuling pagpitik ng bawat segundo ay nagagawang patigilin ng nakabibinging melodiya na tanging kaming dalawa lamang ang nakakarinig. Gustohin ko man magtago, tumalikod man ako bago pa siya magsalita, ibahin ang aking mga kilos at gawa... Pero alam ko sa sarili kong 'di na ako makakaligtas... sa katotohanang nahuhulog na ako para sa kanya."

"Ano'ng tinititig-titigan mo riyan?! BILISAN MO!" Panira ni Iya sa pananagip ni RR.

"FIRE!"

Sabi ni RR sa kanyang isipan, Pero mas gusto ko 'to.

Doon hinawakan ni RR sa kamay si Iya. 

Mapapansin ito ni Iya, pero kaysa kunin nito ang kamay niya mula sa grasp ni Iya ay ngingitian niya lang si RR.

"IYA!"

"OH?!"

Habang natakbo ay iikutin ni RR si Iya nang parang nasayaw silang dalawa. Titili lang si Iya rito at lalong nasiyahan sa sitwasyon.

"Excuse me, good Sir! You forget yourself! You haven't asked me for a dance yet!"

"Iya?"

"Yes?"

"Shut up your mouth at kumpletuhin mo nalang yung shopping list mo."

Ngingiti si Iya rito at patuloy silang tatakbo.

"Yes, Sir!"


#



Papunta, Pabalik | DraftsWhere stories live. Discover now