SCENE 24 | Revelation
( future )
2025Patuloy na binasa ni Iya ang artikulo.
"Pagkatapos tanggapin ni De Ocampo ang offer ni Magsombol ay totoong nangyari ang inaasahan. Nairelease ni Crisostomo ang kanta at kinasuhan siya ng dalawang magnanakaw."
(Transition:) Nakipag-kamayan si Iya sa abogado niya.
"Pleased to see you again, Ms. Crisostomo."
"Likewise. At jusko, Attorney, Iya nalang."
Naglakad si Iya sa kusina para bigyan ng maiinom si Angel at susundan siya ni Angel na dahan-dahang titingin sa paligid na puro kalat. May makikita siyang picture ni Iya na nakanta habang tinutugtog ang gitara niya.
"Layo na ng narating mo, 'no?"
"I guess you could say that. Siguro?"
"Uh... Alam kong hindi ko business maging nosey rito, pero, Iya, ayos ka lang?"
Humarap si Iya mula sa pagsalin ng inumin sa isang baso para harapan si Angel.
"Angel, katatanggap ko lang ng balita na wala na si CJ dahil kasama pala siya sa gumuhong building tapos bigla akong makakatanggap ng imbitasyon mula sa prisinto na kailangan ko raw magbigay ng testimony para sa krimen na hindi ko ginawa? And out of all people, si Jaja?! Angel, hindi, e."
Lumapit si Angel kay Iya at niyakap niya ito.
"Ayos lang 'yan. Malalabanan natin 'to."
Ipagpapatuloy ni Iya ang pagbabasa.
"Alam na natalo si Crisostomo laban kay De Ocampo sa kaso at siya'y tumakas noong naplead siyang guilty. Dahil dito, huli na si De Ocampo sa paglabag sa Republic Act No. 8293 o Intellectual Property Code of the Philippines. Nalaman na nararapat ito dahil sa isang kaibang IT technician na nagngangalang Ronald Nimrod Feraer."
Makikita si Nimrod na papunta sa desk niya sa bahay.
"Ano?! Pinapagawa mo ako ng AVP para sa isang memoriam para kay CJ?! Alam niyo ba kung anong klase ng mga pictures ang meron ako ni CJ? Hindi naman sa ganong klase! IT Technician ako, hindi- Alam niyo, bahala kayo riyan!" Sigaw ni Nimrod sa kausap niya sa cellphone niya.
Umupo siya sa upuan niya at binuksan ang laptop niya at may makikita siyang folder na "PEDRO".
Nandoon lahat ng videos ng grade ten noon at may isa siyang tinawanan bago magplay ang pagvideo niya kay Iya sa corridor, habang tinutugtog niya ang gitara niya. Mapapanarrow ng mata si Nimrod at lalapit siya sa screen ng laptop niya upang makita ang nilalaman ng video.
Makikita siya noon na kinukuhanan si Iya mula sa pintuan.
"'Yan, para may kumakanta sa'kin kapag patulog na ako." Sabi ni CJ sa balikat ni Nimrod.
"Ewan ko sa'yo, CJ, napakacreepy." Sabi ni Nimrod
Ipapakita sina Laurence at Mari na nagdodrawing.
"Nasaan ba si CJ?" Reklamo ni Laurence.
Lilingon si Mari at makikita si CJ sa may pintuan.
"CJ, UBOD NG LANDI NAMAN, E!" Sigaw ni Mari.
"SANDALI!" Sigaw ni CJ patungo sa mga nagguguhit. "Send mo nalang sa'kin 'yan mamaya. Tatapusin lang namin 'to." Sabi niya naman kay Nimrod.
"'Ge."
Tinitigan nalang ulit ni Nimrod ang video.
Kumuha siya ng diyaryo sa tabi-tabi at tinignan ang nilalaman nito.
Kinuha niya ang cellphone niya at nagpindot ng mga numero at hinintay muna ang pagdial bago bumati.
"Hello?" Bati ni Nimrod.
"Magnificat publication. Photojournalist Audrey Castillo speaking." Tanong ni Denise. "Nimrod? Uy! Kumusta?"
"Wala ng oras para magkamustahan, Audrey. 'Di ba kaibigan ka ni Iya? Contact-in mo abogado ni Iya, may isesend ako sa kanya. Inosente si Iya."
Pagkatapos...
"Attorney Custodio speaking... ANO?!"
"Dahil kay Feraer ay nakatulong siyang makapagbigay ng ebidensya na inosente si Crisostomo. Sa ngayon, patuloy na pinaghahanap ang on the run na si Atty. Rainart Rab Magsombol at ang pagbabalik sa industriya ng musika ni indie singer-songwriter Alyssa Crisostomo."
Nagcrack ang boses ni Iya sa huling pagbanggit ng pangalan.
#
YOU ARE READING
Papunta, Pabalik | Drafts
Chick-LitPagkwento sa Storya ng Grade 10- St. Pedro Calungsod S.Y. '19-'20