20 : Unlicensed Psychologist

7 1 0
                                    

SCENE 20 | Unlicensed Psychologist

( future )

Bubuksan ni Luceine ang pintuan sa bahay niya, hawak ang mga pinamili nila ni CJ at binuksan niya ang ilaw. Susunod si CJ sa mga tapak ni Luceine.

Paglapag ni Luceine sa mga pinamili nila, hihiga siya sa sofa sa pagod. Bubuksan niya ang radyo na nasa tabi niya.

"Patuloy na pinaghahanap ng mga pulisya ang abogadong si Rainart Rab Magsombol pagktapos diumano ay nakita ito sa Emilu's market at Don Joberts, isang tapsihan. Ang dalawang lugar na nabanggit na parehong nasa lungsod ng Tanza, Cavite." Ayon sa reporter sa radyo.

"Abogado pa naman si RR. Sayang. Uy, CJ, tanda mo pa si RR?" Tanong ni Luceine kay CJ.

Uupo naman si CJ sa tabi niya.

"RR? Ano 'yon?" Tanong ni CJ.

"Ay oo nga pala." Malungkot na banggit ni Luceine sa pagtanda na may amnesia nga pala si CJ.

"Pagkatapos mo akong gamitin bilang taga-buhat ng mga pinamili mo, tutulungan mo na ba ako?"

"Hoy!" Patawang sabi ni Luceine. "Hindi kita... 'di, siguro nga ginamit kita, pero babae ako! Can't blame me. Plus, ikaw nalang talaga ang meron ako ngayon."

"Doc."

"Oo na, sige na, ito na talaga. PTSD. Meron ka non, 'di ba? And at the same time, amnesia."

Magnanod si CJ.

"So, ayun. Ang post-traumatic stress disorder ay isang condition sa utak. Nangyayari na makuha ito by events na... You've guessed it, traumatic."

"Event... Traumatic..."

"Well, nakita ka namin sa dating pinagtatayuan daw ng building na gumuho, so...?"

"Edi dapat patay na ako?"

"Kaya nga, e. I mean!" Uubo si Luceine. "I mean, himala lang na nakaligtas ka pa."

"Wala lang akong maalala."

"Ano ulit yung nakikita mo? Yung sabi mong naaalala mo?"

"Mata. Mga mata na kulay hazelnut."

"Tingin mo babae yung may ari nung mga mata?"

Magfafrown si CJ sa pag-iisip. "Sure ako na babae 'to."

"Edi gan'to: bigyan nalang muna natin siya ng pangalan. Hmm... AH! Hazel!"

"Hazel."

"Yup, Hazel."

"Doc, gusto kong malaman kung sino 'tong Hazel na 'to at bakit siya yung nakikita ko."

"Hindi ako- CJ, hindi ako investigator. Psychologist ako na hindi pa nakukuha ang license niya!"

Pagkatapos nito ay nagulat nalang si Luceine sa susunod na nangyari. Mabilis na kinonekta ni CJ ang mga kamay niya around sa leeg ni Luceine. Sinasakal ni CJ si Luceine.

"Kaala ko ba tutulungan mo ako!"

"Oo, tutulungan kita! Bitawan mo ako! Oo, sige, tutulungan kita!"

Biglang lalayo si CJ mula kay Luceine in a safe distance nang parang napaso ito sa balat ni Luceine. Sa paglayo ni CJ ay uubo si Luceine.

"Sorry. I'm sorry. Sorry, sorry."

Hinahawakan ni Luceine ang kanyang leeg, kung saan ito sinakal ni CJ.

"Kilala mo ako." Sabi ni CJ.

"Christian John Francisco, kilala bilang CJ, naging kaklase ko noong grade ten. 'Yun lang ang alam ko! 'Di ko nga alam kung alam mo ang pangalan ko, e!"

"Kate."

"Paano mo...?"

"Kate." Kinuha niya ang mga kamay ni Luceine at nag-exhale. "I'm sorry."

"Does anyone really know who they are?"

"Edi ikaw ang tatanungin ko; sino ang gusto mo maging?"

"'Di ko alam at 'di ko rin alam kung sino ka. I don't know, but I want to..."

At binitawan ni CJ ang mga kamay ni Luceine nung binaba na ni Luceine ang titig niya.


#


Papunta, Pabalik | DraftsWhere stories live. Discover now