SCENE 29 | Accountants
( future )
Naglalakad ang mga accountant. Si Andrea sa pinakaharap, sumunod si Kate tapos si JP at Darwin na magkatabi."Si Andrea naman e, malelate tayo nito sa calltime, e!" Reklamo ni Kate.
"Bakit ako? Si Alliyah naman nagsabi na daanan lang natin bahay niya." Balik ni Andrea.
"Bakit ba raw?" Tanong ni Darwin."
"Oo nga!" Sigaw ni Kate.
"Ewan. Check lang daw natin kasi on-flight duty raw siya ngayon, e." Sabi ni Andrea.
"Bakit ba'y kasama pa kami riyan." Sabi ni JP.
"Porket hindi ka pa tapos sa trial balance mo, JP!" Patawang sabi ni Kate habang tinitignan si JP sa likuran niya.
"Oo nga, JP, kung galing-galingan mo pa kasi pagdadrive mo, 'di mo masisira kagad yung kotse mo. Pupunta nalang sa banko, e." Sabi ni Andrea.
"Nabangga ba naman." Patawang sabi ni Darwin.
"Wow, wow, wow, wow!" Sabi ni JP kay Andrea at humarap naman kay Darwin. "Ayaw ba naman ako tulungan ni Darwin. Darwin, sige na naman, oh! Isang trial balance lang."
Tumawa lang si Darwin bilang sagot ng ayaw niya. "Bahala ka riyan."
"Sabay-sabay na kasi tayo para may mga kasama ako malate!" Sabi ni Andrea habang nakangiti.
"Kaw! Ito naman si Andrea, e!" Sabi ni JP.
Tumunog ang cellphone ni JP habang naglalakad sila malapit sa bahay ni Alliyah. Kinuha niya ito mula sa kanyang bulsa at sinagot ito.
"Oy. Balita?"
"Wala, e, 'di namin mahanap-hanap. Pero nabalitaan mo? Galing daw si Kuya RR sa palengke tapos ang kasama, e... Ewan ko, 'di ko na maintindihan!" Sabi ni Eco sa cellphone.
"Oo nga, ano ba 'yon, 'di ba nila alam?" Sinabi ni JP habang binuksan na ni Andrea ang gate.
"Baka, baka. E, ito namang si John Ken, e, hinayaan silang makatakas."
"Ay, jusko, ubod ng bobo!" Sabi ni JP habang nagfacepalm.
"KAYA NGA!" Pagsingit ni Miguel sa call.
Binuksan na ni Andrea ang pinto ng bahay ni Alliyah at nakita sina Iya at RR na magkayapos sa sofa.
"Ay jusko po." Pagulat na sinabi ni Andrea habang tinatakpan ang kanyang mga mata gamit ang kanyang kamay.
"Sino ba 'to?!" Sigaw ni Kate.
"Iya?" Sabi naman ni Darwin.
Napatingin si Kate kay Darwin sa pagsingit niya.
Magigising si Iya sa sofa at mabubulag sa liwanag na sumalubong sa kanyang paggising. Manlalaki ang kanyang mga mata, speechless. Papaluin niya sa RR sa hita upang magising ito. Nagbigay lang si RR ng tamad na grunting sounds.
"RR?!" Pagtataka ni Kate.
Dito, magigising na si RR at magugulat sa mga tao sa pinto. Mahuhulog siya sa sofa sa gulat dahil nagpupumilit na tumayo habang tulog pa.
"JP, ITO SI RR, OH!" Sigaw ni Kate kay JP na nasa gate pa rin.
"JP?" Sabi ni RR sa sarili niya.
Tatakbo si RR palabas ng bahay, tatakas.
"RR? HUY SAAN KA PUPUNTA?!"
Nakita na ni JP si RR, natakbo palabas ng property ni Alliyah.
"ECO! SI RR!"
Nakuha ni JP ang wrist ni RR kaso nakawala ito sa maliit na hilahan nila.
"Pre, 'wag ka nang tumakbo!"
Nakita sa likod ni JP na sumusunod si Iya kay RR.
"Ano si Eco? Pulis? JP, BITAW!"
"Pre, hindi!"
Nakatakas na si RR at tumakbo, sinundan ni Iya.
"IYA!" Sigaw ni JP.
"ANO MAYROON?!" Tanong ni Iya habang natakbo sila ni RR.
"SI JP! ISUSUMBONG AKO SA PULIS!"
"HUH?" Tanong ni Iya.
Lumiko si RR sa isang kanto.
"HUY! SAAN KA BA PUPUNTA!" Sigaw ni Iya at tumigil muna habang natakbo pa rin si RR.
"EWAN KO!" Sigaw ni RR habang natakbo pa rin palayo nang palayo.
Mapapaupo si Iya sa pagod.
"Ganiyan naman tayo, e." Sabi ni Iya.
Maipapakita si RR na takbo pa rin nang takbo.
"Sunod lang tayo nang sunod sa isa't isa."
Maipapakita si CJ na nagbabrowse ng nga libro.
"But none of us had known where we were going."
Maipapakita si Luceine na may kausap sa phone at hirap na hirap na sa sitwasyon habang ang kamay niya ang nasa pader.
"But not anymore."
Maipapakita naman si Iya na nakaupo sa kalsada, mag-isa. Zoom-out.
YOU ARE READING
Papunta, Pabalik | Drafts
ChickLitPagkwento sa Storya ng Grade 10- St. Pedro Calungsod S.Y. '19-'20