SCENE 30 | Calypso
( future )
Naglakad nalang si Iya papunta kay RR na hinahabol ang kanyang hininga.
"Bukiran? Hm?" Sabi ni Iya sa choice of place ni RR.
"Nandito ka pa rin?"
"Hm hm, saan pa ba ako pupunta?"
"Iya, alam mong pwede ka nang bumalik sa pamilya mo, ano pa ang ginagawa mo rito?"
"Pinapaalis mo na ba ako?" Nagfrown si Iya sa pagsabi ni RR.
"Hindi, parang... parang kasi hindi nararapat na nandito ka pa rin."
Kinuha ni Iya ang mga kamay ni RR at nilagay ang isa sa bewang niya. Nagslow dance sila.
"I can choose wherever I want to be, thank you very much." Pangiting sabi ni Iya.
"Teka lang."
"Ano na naman?" Nagfrown si Iya.
"Hindi ko pa natanong if I may have this dance." Palokong lungkot na sabi ni RR.
Si Laurence at Mari ang nakaupo sa "terminal" na nagpaplano sa isang proyekto. Napansin ni Mari sina Iya at RR at kinalabit si Laurence, signalling na umalis na sila para makapagbigay ng privacy.
Tumawa si Iya kay RR.
Pinadala ni Mari ang radyo sa magsasaka sa tabi na si Aldiel na nakatakip ang mukha.
Dinala ni Aldiel ang radyo sa paanan nina RR at Iya.
Tinignan nina RR at Iya ang dalawa na nasa "terminal" at sila'y nagbigay ng thumbs up at umalis.
Nginitian ni Iya ang dalawa at humarap naman sa magsasaka.
"Salamat." Sabi ni Iya sa magsasaka na pinlay ang radyo.
Umalis ang magsasaka.
Nothing's Gonna Hurt You, Baby ang tugtog.
IYA : "What does it take a heart to love?"
[ ♬ : Crimson and Clover ]
RR : "Isang... pagtingin?" (Ipapakita yung mga mata ni Iya) "Isang salita?" (Ipapakita yung pagsalita ni RR)
IYA : "O baka naman isang haplos?" (Giggling, ipapakita yung paghawak ni Iya)
RR : "Or just a single second that will last eternally?" (Iikot ni RR si Iya habang nasayaw)
IYA : "If a second is all you have left."
"At nagsayaw lang kami. Ito lang ang oras buong araw na ginusto ko talaga na tumigil ang oras at manatili nalang dito nang matagal." Sabi ni RR sa isip niya.
Dinikit ni RR ang noo niya sa noo ni Iya.
Nakapikit si Iya habang si RR ay nakadilat ang mga mata.
"'Di ko narealize na namiss kita until nakita kita sa bahay ni Alliyah. Yet, I was keeping my distance from you."
"Q-question game. Bakit pa? Bakit 'was'? Bakit ayaw mo pa lumayo? Iya, delikado ang buhay ko rito kung dapat- " Makikita ni RR ang ekspresyon ni Iya. Hurt. "Ayaw ko lang na madamay ka..."
Binuksan ni Iya ang mga mata niya at nilayo nang konti ang ulo niya.
"Sa totoo lang? When love dies, tahimik, 'di mo 'to maririnig. What does, however, make a sound, is your smile." Pipikit ulit si Iya habang nakangiti. "Your laugh. Your breath when you slept soundly in my arms and made my heart thud violently."
Mapapangiti si RR rito.
"Baka pwede ka pa uling ayain bukas ng umaga?" Sabi ni RR.
"Ay, pwede nga ba?" Sagot ni Iya habang nangiti.
"Iya,... Iya, gustong-gustong-gusto ko malaman mo na... na... g-gusto kita."
Magugulat si Iya rito at mapapalayo kay RR.
"K-kailangan ko nang umalis. Sorry."
Tumakbo na si Iya kaso nahabol kagad ito ni RR.
"Iya, ano ka ba? Saglit-" Hinila ni RR ang wrist ni Iya.
Napatigil naman niya si Iya. Pagharap niya ay puro luha na si Iya.
"Gusto kita, RR. Oo, gusto kita. Pero 'di ko mapagkatiwalaan ang sarili ko na hindi ka masasaktan dito." Igegesture ni Iya silang dalawa with her index finger, pointing to herself and RR.
"Seryoso, ayos la-"
"I still think of CJ, okay?" Shinake ni Iya ang ulo niya habang pinunasan ang isang mata na puno na ng luha. "I still miss him and that's... screwed up. At 'di mo 'to deserve, RR. Hindi mo deserve 'to." Naggesture si Iya sa sitwasyon. "You don't deserve someone who says 'gusto kita, pero,' just because she can't get her crap together. And, RR," tumingin si Iya kay RR nang seryoso. "Gusto rin kita, pero."
Nagtitigan lang sila, both with expressions of hurt plastered on their faces.
"Sorry. 'Di ko na kaya 'to." Tumakbo na ulit si Iya.
"Iya," Nahila na naman ni RR si Iya.
Bumagsak ang baril.
Makikita ito ni RR.
Mapapasigaw si Iya sa pagbagsak ng baril na binigay sa kanya ni Ken at sinubukan pa sana itong itago.
"May baril ka?"
"RR, 'di 'to sa'kin. Maniwala ka." Pagmamakaawa ni Iya.
"Barilin mo na ako."
"Ano?!"
"Barilin mo na ako, Iya." Makikita ni RR ang gulat sa mukha ni Iya. "Oo, alam kong shoot-to-kill na ako dahil sa kaso ko. Kung mawawala ka nalang din naman sa tabi ko, parang mapaparusahan lang din ako sa araw-araw na dadaan na wala ka. Barilin mo na ako."
"RR, hindi. Hindi ako papayag na mawala ka pa sa buhay ko." Iiyak si Iya lalo.
"Iya, hayaan mo na akong magising. Parang awa mo na." Magsisimulang umiyak si RR at itututok ang muzzle ng baril sa dibdib niya. "Kalimutan mo nalang ako."
"RR, hindi." Bibitawan ni Iya ang baril at lalapit siya kay RR, hawak ang mukha niya. "Bakit ko pa kailangan alisin ka sa isip ko kung pwede namang manatili ka rito."
"Pakawalan mo na ako." Bulong niya.
"RR,-"
"Iya,... please."
Mapapatigil si Iya at nag-isip. "Question game." Hihinga si Iya. "Kung maibabalik mo ang dati, mababago mo pa ba ang nakaraan?"
"Oo... Oo, pangako ko 'yan sa'yo." Magnonod si RR.
"And given the chance to go back in time and change things, I would still choose to fall in love with you over and over and over again, because having you is worth losing you."
Itututok na ni Iya ang muzzle sa ulo ni RR.
"Question game." Ngingiti nang konti si RR kay Iya. "Pwede ka ba mangako sa'kin?"
"I don't think na question yan, RR."
"Gawin mo nalang exception, Iya." Pupunasan ni RR ang luha niya.
Nagnod si Iya.
"Ipangako mo sa'kin na titignan mo ang compartment box ng kotse mo."
Nagnod ulit si Iya.
"At ipangako mo sa'kin," sabi niya,...
Black screen.
"that you won't wait for me."
Bam!
YOU ARE READING
Papunta, Pabalik | Drafts
ChickLitPagkwento sa Storya ng Grade 10- St. Pedro Calungsod S.Y. '19-'20