SCENE 7 / Ma!
( future)Escape scene with music hanggang sa napagod siya at nakapagtago sa isang gilid.
Pumunta siya sa isang tindahan at makikitawag sana ngunit sabi ng tindera na hindi na uso 'yon.
Tinignan ni RR kung may laman pa ang bulsa niya para sa pera at sure enough, may mga barya pa naman siya. Nakiusap siya sa tindera na baka pwede makitawag sa phone niya kasi nawawala raw siya. Tinawagan niya ang number sana ng nanay niya at nagdasal na sana tama ang number na tinype niya.
Nung sumagot na ang tinawagan ni RR, inunahan niya ng hello at sinabing, "Ma! Ma! Ma, nawawala ako! Nagising nalang ako sa may tabi ng kalsada tapos sabi ng mga doctor dito na isang Ding... Ping Lacson daw ang presidente? Ewan ko! Ma, hindi ko..." Tuloy-tuloy ang pananalita ni RR at pinakita na kung sino ang nasa other side ng call.
Si Aerixon, may lapis sa tainga, pala ito na takang-taka na sa pinagsasabi ng tumatawag sa kanya. "Hoy, kung sino ka man, huling tanda ko wala pa akong anak at..." Tinignan niya sa shorts niya, "hindi ako babae. Wrong number ka, pre." Nagulat na may halong hiya si RR sa nangyari.
#
YOU ARE READING
Papunta, Pabalik | Drafts
ChickLitPagkwento sa Storya ng Grade 10- St. Pedro Calungsod S.Y. '19-'20