Malakas ang ulan. Nakatitig lang si Pein sa labas ng bintana habang ninamnam ang mainit na kape sa kanyang lalamunan.
"Anak, papasok ka ba? Sabi kasi sa TV signal number 2 ang probinsya natin eh" wika ng kanyang ina.
"Opo inay, may kailangan po kasi akong ipasa na assignments e" sagot naman nya habang kinukuha ang tuwalya at maisipang liligo sya kahit malamig ang panahon.
Hindi mo masasabing mahirap sya ng sobra kundi masasabi mong may kaya kahit papano ang kanyang pamilya. Nakakain ng tatlong beses sa isang araw at kung minsan may palabis pang meryenda. Pumapasok sya sa pribadong paaralan pero aminadong hindi kayang makipagsabayan sa mga studyante don na kahit mag aaral palang ay may sarili ng mga sasakyan pag pumapasok sa paaralan.
"Ano ba yan, ang puti ng uniform ko hagya ko na itong malabhan tas matatalsikan lang ng pesteng mga sasakyan na to??" wika ni Pein sa kanyang sarili habang pinapahid ang mga putik sa kanyang uniform.
"Dapat kasi nag iingat ka at wag pumagitna sa kalsada pag alam mong may dadaan na sasakyan!" wika ni Nate. Kaklase nyang bakla na naging matalik nya ng kaibigan.
"Oy bakla, nandyan ka pala. Tulungan mo na nga lang akong mag linis netong uniform ko, Kung bat kasi dumaan pa yang lintek na Keifer Delos Santos sa dinadaanan ko e di sana hindi ako nagkakaganto" maktol nya sa kanyang kaibigan.
"Hay nako! Alam mo naman kasing dadaan si Mr. Hambog e bat kasi hindi ka pa nag adjust? Alam mo namang walang pake yun kung masagasaan ka pa dyan" banat naman ng kanyang kaibigan.
"Arrrrggghhh!"
Eversince pumasok sa kolehiyo si Pein sa paaralang ito, inis na inis sya sa hambog na Keifer yun. Sino ba naman kasing hindi maiinis sa spoiled brat na mukhang hilaw na kano itong si Keifer. At feeling nya pa adik to. Sobrang yabang, akala mo lagi sobrang gwapo (na tunay naman)
"AaaAaaah I hate him, sana hindi ko na sya makita ngayong semester na to" nabanggit na lang nya sa kanyang sarili.
Habang naglalakad sa corridor nagtataka sya sa mga kinikilos karamihan ng mga kababaihan. Parang mga kinikilig ang mga ito sa hindi nya maisip na dahilan. Pinagsawalang bahala nya na lang ang mga ito hanggang sa may narinig syang usapan mula sa kablock mate nya.
"Tunay ba Mitch? Nagshift ng course si Keifer? Keifer Delos Santos? Omg! How I wish dito sa course natin sya nagshift. Huhuhuhu" wika ni Shane.
"Yeah.. Kachecheck ko lang ng last update nya sa twitter. And it's 3 minutes ago since his last tweet and ang nakalagay "New course, new life" aaaAaahh Im so excited!" sagot naman ni Mitch na may halong pagtalon pa.
Hindi mawari ni Pein ang naramdamang kaba nung marinig nya. Iniisip nya na sana naman, wag sa course nyang Accountant mapapunta ang pinaka susurahan nyang tao sa balat ng lupa.
"Jusko! Wag naman sana!!!! " nawika nya na lang sa kanyang sarili.
BINABASA MO ANG
Surrendering my Innocence
RomanceNang dahil sa maling akala nila, magbabago ang takbo ng buhay mo. Pinakasal ka sa taong kinamumuhian mo? Sa taong pinapangarap mong imassacre? Sa taong binabalatan mo ang balat gamit ang nailcutter sa iyong isipan? Kakayanin mo ba? This is not an...