Napagdesisyon nilang dalawa na bumaba na at kumain.
Hindi lingid kay Pein ang mga mapanuring tingin sa kanya ng mga tiyahin ni Keifer,
"Oh iha, nandyan na pala kayo. Halika na't kumain na kayo." ani ng lola ni Keifer
Magkatabi silang umupo sa hapag kainan, napalawak ang ngiti ni Pein ng makita ang mga pagkaing nakahayin sa kanyang harap.
Ang lalaking sugpo at mga tilapia naman nito!
Dali daling umupo siya, at hindi na pinansin ang nasa paligid. Sarap na sarap siya sa kanyang pagkain, hindi nya maiwasang magkaron ng tunog ang kanyang pagnguya hanggang sa maramdaman nyang may sumisipa sa kang paa sa ilalim ng mesa.
Inis na tiningnan nya kung san nagmumula ito at nakita nya ang masamang tingin ni Keifer.
"Magdahan dahan ka naman, hindi ka naman uubusan!!" pagalit na wika ni Keifer
"Sharaaap kashe neto, wag Kha na makealam-" punong puno ang bibig na wika ni Pein
"Mahiya ka naman. Hindi mo ba alam na kanina ka pa tinitingnan ng crush mo!!"
"Talaga? Busog na pala ako." sabay inom ng tubig at pinahid pa gamit ang kanyang kamay na parang bata ang kanyang bibig.
"Iha, ayaw mo na? Nabusog ka ba?" wika ng lola
"Opo lola, sobrang sarap po ng mga pagkain. Busog na busog na po ako" masayang wika ni Pein
"So, You're the fiancee of Keifer, gaano na kayo katagal at pumayag kayong magpakasal?" wika ng Tito Benedict ni Keifer na parang sa tingin ni Pein ay strikto at nakakatakot tingnan.
Sasagot na sana si Keifer ng maunahan sya ni Pein sa pagsagot.
"Nako, hindi po kasi kami nagbibilang ni Keifer ng mga monthsaries at anniversaries hehe," wika ni Pein na parang proud sa sagot nya
"Ahh, bago yan ah. Meron palang ganon Ang cute naman ng relasyon nyo" wika ng Tita Marie na sa tingin ni Pein ay asawa ni Tito Benedict.
"Actually, We need time pa po para siguro sa kasal. Gusto ko po kasi na enggrande at pinaghandaan talaga ang kasal naming dalawa. Kung papayag si lola hehe" sabat ni Keifer
"No. Kailangan kayong maikasal agad agad para magkaapo na agad ako sa tuhod. Gusto ko pang makita at makasama ang apo ko. Hindi ko naman masasabi na si Drake ang unang magpapakasal sa inyong dalawa kasi wala namang hilig sa babae ang isang to" sabay turo kay Drake na tahimik na kumakain.
"So we need to fix things. Next week na ang kasal nyo" dagdag pa ng lola nya.
"What/Ano po?" halos sabay na wika ni Pein at Keifer
"Yes, you heard it right. Ikakasal na kayo next week. Ako na ang bahala sa lahat" masayang wika ng kanyang lola.
Hindi alam ni Pein kung san sya kakabahan, sa usaping ikakasal na sila next week o sa kagustuhan ng lola nito na magkameron na siya ng apo agad.
Natapos ang usapan sa hapag kainan, na lutang parin ang utak nilang dalawa.
Si Keifer na ang iniisip kung paano nya sasabihin sa pamilya na hindi talaga si Alexandra ang girlfriend nya. Na si Anne ang gusto nya na makasama habang buhay.
Si Pein na hindi makapaniwalang magiging parte sya ng pamilyang Delos Santos. Na magiging asawa nya ang taong ayaw nyang makasama.
Malalim parin ng iniisip nila hanggang sa dumais sa kanilang dalawa si Drake.
"Don't force yourselves if you don't want to marry each other." walang ka-emo emosyong wika ni Drake.
Nagitla si Pein kasi nakita na naman nya ang taong nagpapatibok ng mabilis sa kanyang puso.
"Ah he he he Alam mo ba na maling akala lang ang lahat?" tanong ni Pein.
Imbes na sagutin ni Drake, tumalikod ito at naglakad.
Hays, ang sungit naman ni crush
Inis na binalingan nya si Keifer at kinausap.
"Wala ka bang gagawin? Ayokong makasal sayo!" may diing wika ni Pein sa binata.
"As if naman na gusto ko?! Hoy nerd ikaw ang may kagagawan nito Kung hindi ka siguro umo-o kay lola dati, hindi nya siguro tayo ipipilit na makasal sa isa't isa" inis na wika ni Keifer
"Sabihin mo na kasi na hindi naman talaga ako ang girlfriend mo!"
"Kung sana'y ganon lang kadali, matagal ko nang sinabi" malungkot na wika ni Keifer na inaalala ang kanyang lola.
Ayaw ng binata na madissapoint sa kanya ang kanyang pamilya lalong lalo na ang kanyang Daddy at Lola. Ayaw nyang sumama ang loob ng mga ito sa kanya.
Inisip nya kapag pinakasalan nya ang babae na ito, at binigyan ng apo ang kanyang lola, hindi na nya kailangan pang pakisamahan ang dalaga.
BINABASA MO ANG
Surrendering my Innocence
RomanceNang dahil sa maling akala nila, magbabago ang takbo ng buhay mo. Pinakasal ka sa taong kinamumuhian mo? Sa taong pinapangarap mong imassacre? Sa taong binabalatan mo ang balat gamit ang nailcutter sa iyong isipan? Kakayanin mo ba? This is not an...