Kabanata 6

3 0 0
                                    

Alas tres ng hapon ng matapos ni Pein ang klase nya. Palaisipan parin sa kanya kung sino nagtangkang kumuha sa kanila ng litratong dalawa ni Keifer. Dagliang tumakbo kasi sya nung nagkaroon sya ng tsansa para makaalis sa mga bisig ng binata.

Hindi nya nakasabay ngayon ang kaibigang si Nate dahil may pupuntahan pa raw ito.

Habang naglalakad, napahawak sya sa kanyang mga labi ng maalala ang paghalik sa kanya ng taong pinapangarap nyang imassacre. Hindi sya makapaniwala.

Nakahawak parin sya parte labi nya ng makita nya si Keifer sa labas ng gate. Pansin nya na parang balisa at hindi mapakali ang binata.

Huli na ang lahat para umiwas kasi nakita sya nito. Hindi naman sya makatakbo kasi pagod sya sa maghapong ginawa sa klase.

"Hey Nerd, buti na lang nahingi ko sa registrar ang schedule mo. I need you right now, I need you to help me tutal may kasalanan ka din naman sakin, eto na ang kabayaran. Hindi ako natanggap ng HINDI na sagot kasi wala akong pake. Sa ayaw at sa gusto mo sabit ka na rin dito" ani Keifer na may blankong ekspresyon.

Litong lito ang dalaga sa sinasabi nito. Hindi nya maintindihan ang nangyayari

"Ano bang pinagsasabi mo dyan?! Nakashabu ka ba?" takang takang tanong nya.

"Pwede ba, wag mo akong banatan ng ganyan. Tara sa bahay nyo para malaman mo."

"Ha?! Bakit sa bahay namin??"

"Wag ka na magtanong, tara na!" sabay hila ni Keifer sa pulsuhan ni Pein at isinakay sya sa kotseng dala.

Kabadong kabado si Pein habang nasa byahe papunta sa kanilang bahay. Hindi nya talaga maintindihan ang sinasabi sa kanya ng mokong na to. Ano bang KABAYARAN ang pinagsasabi nya? Sa pagkakaalam nya wala syang naging kasalanan dito kasi wala naman syang balak ipagkalat ang mga narinig nito.

Siguro ang naging kasalanan nya ay ang mawala sa sarili nung malamang wala syang dalang payong. >_<

Napalingon na lang sya sa katabi nya ng mapansing parang ang lalim ng iniisip.

Iniisip siguro nya na bakit ang ganda ko, tama yun nga iniisip nya. Napangiti na lang sya sa nabuong ideya sa kanyang isipan.

"Hoy nerd, wag ka ngang ngumiti dyan. Ang creepy mo ha" ani Keifer ng mapansing parang baliw na nakangiti sa kawalan ang dalaga.

Sasagot na sana si Pein ng nagring ang phone ni Keifer.

"Hello"

"Yes lola, on the way na po kami"

"Okay po bye"

Natapos ang usapan ng mapansin ni Pein na lalong hindi mapakali si Keifer.

"Uyy Keifer ishare mo naman kung anong nangyayari, litong lito na talaga ako" kunot noong wika ni Pein.

"Yung kaninang kumuha sa atin ng litrato ay mga tauhan ni lola. Pinapasundan pala ako. Naamoy kasi ni lola na parang may inililihim ako sa kanya, alam kong alam nya na may girlfriend ako. Ang hindi nya lang alam ay kung sino ito. Gustong gusto kong ipakilala si Anne sa kanila pero hindi ko magawa dahil galit si Daddy sa pamilya ni Anne. Company kasi nila ang Anne ang mortal na kaaway ng kompanya namin. At sinusunod ko lang ang girlfriend ko na ayaw nya ng gulo. Namisinterpret siguro ni lola na akala nya ikaw ang girlfriend ko. And shit! Hindi man lang nagtaka si lola na bakit naman kita papatulan diba?" mahabang eksplanasyon ni Keifer sa kanya.

Nayabangan na naman si Pein sa huling sinabi ng hambog na Keifer na ito. Pero binalewala nya na lang

"Ahhh.. e bakit nasa bahay namin? Anong kailangan ng lola mo?" tanong nya kay Keifer.

"Hindi ko rin alam, Basta kahit anong sabihin ni lola umoo ka na lang. You're dead pag sinumbong mo kami ni Anne" seryosong seryoso na banat ni Keifer.

"Ok-ay.." napatagok na banggit ni Pein. Nakaramdam sya ng matinding takot sa binata.

Surrendering my InnocenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon