Pagkarating nila sa bahay, agad sinalubong si Pein ng kanyang ina.
"Anak naman, bakit ngangayon ka lang dumating? Nasaan na ba yung nobyo mo? Bakit kelangan nyong ilihim pa ang relasyong nyong dalawa?!" hindi nya maintindihan ang kanyang ina kasi hindi ito galit, sa halip mukhang sabik na sabik pa na makilala DAW ang nobyo nya.
Sakto namang pagkapasok ni Keifer sa gate..
"Iho ikaw na ba yan? Jusko ang gwapo gwapo mo naman. Halika naghihintay ang lola mo sa loob" ani ng ina ni Pein na may pagpalakpak pa.
Halata sa mga mukha nila na kinakabahan sila sa mangyayari. Pero nilalagay sa isipan ni Pein ang huling bilin ni Keifer. Kelangan nyang Umo-o na lang sa lahat ng sasabihin ng lola nito.
Pagkapasok nila sa bahay, nakita ni Pein ang matandang sobrang strikto ng mukha. Nakaramdam agad sya ng kaba nang biglang tumayo ito papalapit sa kanya. Akala nya sasampalin sya nito pero laking gulat ng yapusin sya ng mahigpit.
"Iha, sa wakas! Nakita na rin kita. Ikaw pala ang girlfriend nitong apo ko. Sobrang ganda mo para ilihim sa publiko ang relasyon nyong dalawa." masayang masayang banggit ng lola ni Keifer.
"Opo." wika nya.
'Umoo ka na lang Pein.. wika nya sa kanyang sarili. Malalagot ka kay Keifer.. dagdag pa nya
"Maupo kayo, kailangan na nating isettle ang kasal nyo" may pagkasabik na sabi ng lola nito.
"Ano?/What?" halos sabay nilang banggit.
"Oh, bakit parang ayaw nyo? Heto na nga't binigyan ko kayo ng kalayaan para ipakita sa buong mundo na kayo. Hindi nyo na kailangang ilihim pa" determinadong sagot ng lola ni Keifer.
"Oo nga anak. Ayoko naman na maikasal ka pa sa iba, Itong si Keifer palang naman ang lalaking pinakilala mo sa amin na nobyo mo." pagsabat ng tatay ni Pein.
Takang nilingon ni Pein ang kanyang inay at tatay na wala man lang pag aalinlangan sa mga mukha nito.
"Po? Payag po kayo?" nalilitong tanong nya sa kanyang ama at ina.
"Oo naman anak! Para sa ikaliligaya mo sino ba naman kami para humadlang" masayang banggit ng kanyang ina.
"Pero.. we're young. Diba lola, may time pa naman po para sa kasal namin. I mean, gusto muna naming tuparin ang mga pangarap ng isa't isa." ani Keifer.
"Pwede nyo namang tuparin ng magkasama at kasal na kayo. At saka matanda na ako apo, gusto kong makita munang ikasal ang pinaka love kong apo bago ako mamatay" may pagpisil pa sa pisnge ni Keifer.
"Pero paano si Dad lola? Alam na ba nya? Alam nyong ayaw nun ako na magkakagirlfriend pa, mas gusto nyang magfocus muna ako sa pag aaral kung paano patakbuhin ang ating kompanya" sabat ni Keifer.
"Hahahaha! Hayaan mo na ang Daddy mo. Para namang aayaw yun sa gusto ko. Takot yun sakin e, " kumpyansa na sagot ng kanyang lola.
Wala nang maisip na dahilan si Keifer, hindi nya alam ang gagawin.
Ayaw naman niyang umamin sa lola na si Anne Collins talaga ang mahal nya dahil alam nyang baka sumama ang pakiramdam nito sa tinding galit sa pamilya ng mga Collins.
'Paano na to.. napatanong na lang si Keifer sa kanyang sarili.
"Iha okay naman sayo diba na ikasal sa apo kong pogi hehe" ani ng lola bago tingnan si Pein.
"Opo.." ani ni Pein
Takang taka tumingin si Keifer sa sagot ni Pein. How dare she? Gusto lang siguro ng kayamanan nito at ang sikat ng pamilya nya. Sa halip na tulungan sya sa sitwasyon, sumang ayon na lang ito. Galit na galit sya pero hindi ipinahalata.
"Uhmm, excuse us. Kailangan muna naming mag usap. " ani Keifer na hindi na hinintay ang sagot ng mga naroroon at hinila na sa kamay si Pein.
Pagkalabas ng bahay, itinulak agad ni Keifer ang dalaga ng pagkakalakas lakas.
"Aray! Ano ba, inaano ba kita???" mahina pero may diing sabi ni Pein.
"How dare you! Bakit ka umoo sa kasal natin? May gusto ka ba sakin?!! Pera ba ang habol mo? Sikat? Ano??? Ibibigay ko wag ka lang magpakasal sa akin!!" galit na tagis ni Keifer.
"Ano bang pinagsasabi mo dyan? EXCUSE ME! Hindi kita gusto. Sa ugali mong yan?? Kahit ikaw na ang natitirang tao sa mundo, hinding hindi ako lalapit sayo. Kung anong ikinagwapo mo sya namang sama ng ugali mo!! At FYI umoo ako sa lola mo kasi sabi mo diba??? Kabilin bilinan mo na umoo na lang ako sa lahat ng sasabihin nya!! Kaya anong pinuputok ng butchi mo dyan? Sinunod lang kita!" hingal na wika ni Pein. Galit rin ito sa binata.
Napa face palm na lang si Keifer sa narinig nyang dahilan ng dalaga. 'Napaka tanga talaga nito kahit kailan' nawika na lang nya sa kanyang sarili.
Pinigilan na nya ang kanyang sarili na suntukin ang dalaga dahil kahit papaano nama'y babae pa rin ito. Gulong gulo sya kung paano mababawi ang pag sang ayon ng dalaga sa kanyang lola. Ayaw nyang makasal sa babaeng puro kadaldalan at katangahan ang alam. Hindi sya handa pakisamahan ang babaeng ito.
Sa kabilang banda, maktol na maktol si Pein sa kanyang sarili. Sinasakal at pinapatay nya si Keifer sa kanyang isipan. 'Napaka feeling na hambog nato! As if naman na magkakagusto ako sa kanya. Sa ugali nyang yan? Hindi pa ako nababaliw para mangyari yun' inis na inis na banggit nya na alam nyang sya lang makakarinig.
BINABASA MO ANG
Surrendering my Innocence
RomanceNang dahil sa maling akala nila, magbabago ang takbo ng buhay mo. Pinakasal ka sa taong kinamumuhian mo? Sa taong pinapangarap mong imassacre? Sa taong binabalatan mo ang balat gamit ang nailcutter sa iyong isipan? Kakayanin mo ba? This is not an...