Kabanata 9

8 0 0
                                    

"Bakit tayo nandito sa mall? Dito ba gaganapin ang reunion?" takang tanong ni Pein sa binata

"Nah, sumunod ka na lang" ani Keifer na umuna sa paglalakad.

Pagkapasok sa mall, dumeretso sila sa salon na pag aari ng pinsan ni Keifer.

"Heyy, Keifer! What are you doing here?" wika ng baklang alam nyang bestfriend ng pinsan nya.

"Can you please transform her? I mean, ang pangit nya. Ikaw na bahala ha. Aalis lang ako, I will buy her clothes" sunod sunod na wika ni Keifer.

Hindi naintindihan ni Pein ang sinasabi ng binata sa kausap. Palinga linga sya sa salon, ito yung pinapangarap nyang puntahan. Sikat kasi ito haha Kung may pera lang sana sya edi sana kahit maghapon sya ditong nagpapalinis ng kuko, at nagpashampoo hahaha'

"Oyyy san ka pupunta? Bakit mo ako iiwan dito?" habol nya kay Keifer na nagmamadaling naglalakad palabas ng salon.

"Tanga ka ba talaga? Ano bang ginagawa sa salon?"

"Hmmm.. nagpapalinis ng kuko?" sagot ni Pein na nakahawak pa sa kanyang baba na parang ang galing nya kasi nakasagot sya sa isang tanong sa exam.

"AaaaaAh ewan ko sayo Alexandra! Go with him. Wag ka ng makulit. Babalik ako," inis na sabi ni Keifer at itinulak ang dalaga papunta sa bakla.

Nagulat naman si Pein dahil bumilis bigla ang puso nya ng tawagin sya ni Keifer sa unang pangalan nya. Iba kasi ang pakiramdam nya pag tinatawag sya ng kanyang ina sa 'Alexandra' alam nya kasing galit ito pag ka ganon.


"Come on iha, upo ka rito" hindi na nagtanong pa si Pein at sinunod na lang ang bakla.




Mahigit dalawang oras rin ang ginugol nya sa salon na ito. Natutuwa sya kasi naranasan nyang maging prinsesa kahit minsan.

"We're done! Look at yourself iha, Ang laki pa ng iginanda mo" tuwang tuwa na sabi ng bakla.

Tinitigan ni Pein ang kanyang sarili. Bagsak na bagsak ang kanyang natural na buhok, walang bahid na pag kadry. Ang kanyang mukha na may fresh make up, ang kanyang mata na wala ng salamin. Pinagsuot na lang sya ng contact lens na kulay hazel brown. 'haaaaay, ang ganda ko talaga'






"Ang tagal naman ni Keifer. Iwan muna kita dito iha ha, maupo ka na lang muna dyan" wika ng bakla na may kinausap na isa pang costumer.

"Sige po"



Sadyang tinagalan ni Keifer ang pagbalik sa salon. Alam nya kasing pangit si Pein kaya malamang kulang pa umano ang sampong oras para dito. Pero malelate na sila sa reunion kaya naisipan nyang pumunta na sa pinagiwanan nya sa dalaga. Nakabili na sya ng damit na isusuot ni Pein.

Hirap na hirap sya kaninang mamili kung ano ba ang babagay dito pero sa huli naisip nyang ibili ito ng simpleng dress na kulay maroon, pansin nya kasing matangkad ang dalaga at maputi.

Pagkarating sa salon nakita nya agad si Pein na nakabusangot ang mukha. Halatang inip na inip sa paghihintay sa kanya.

'Gaganda din naman pala ang madaldal na ito, dapat pala lagi kong dinadala sa salon' nabanggit na lang nya sa kanyang sarili.

"Hoy lalaki! San ka ba galing alam mo bang kanina pa ako ditong naghihintay?! Nawala nat lahat ang makeup ko wala ka pa-" hindi na natuloy ni Pein ang sasabihin ng biglang takpan ni Keifer ang bunganga nya.

"Pwede ba naririndi ako sayo!! tumahimik ka nga!" sigaw ni Keifer, Binato nya ang biniling damit kay Pein

"ISUOT MO YAN!! BILISAN MO!!" dagdag pa nito.

"Edi wow!" may pagdila pa na saad ni Pein sabay kuha ng damit at tumakbo sa cr para magpalit.

Gigil na gigil si Keifer sa inasta sa kanya ni Pein. 'What a woman! Babae ba yun?!' Inis na umupo na lang sya sa sofa at hinintay ang paglabas ng dalaga.

Surrendering my InnocenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon