"BAKIT NAMAN AKO PUPUNTA?!" balik tanong nya sa kanyang sarili. Naalala nyang sya nga pala si Alexandra Pein Garcia. Walang kinatatakutan pero syempre joke lang yun hehe. Pero basta! Buo na ang desisyon nyang hindi sya pupunta.
Pumatak ang alas-singko ng hapon at prenteng naglalakad sila sa hallway. Kasabay nya ang kaibigang si Nate. Hindi na nya sinubukan pang ikwento sa baklang katabi nya ang nangyari kanina, kasi alam nyang sesermunan lang sya ng kaibigan.
Malakas parin ang ulan pero masaya sya kasi may payong ang katabi nya, sumakay sila sa jeep at una syang bumaba. Ngiting ngiti sya, kasi alam nyang kanina pang lawit ang mata ni Keifer habang hinahantay sya sa parking lot. Akala siguro ng binata masisindak sya nito. Proud na proud sya sa kanyang sarili at taas noo pang binuksan ang gate nila.
"Inay, tatay nandito na po ako!" masiglang sigaw nya sa buong bahay.
"O anak nandyan ka na pala" ani ng kanyang ina
"Mano po inay. Si tatay po?"
"Ay nako nandon sa loob, halika't pumasok ka na at ng makapaghapunan tayo"
Matapos kumain ng hapunan, napagdesisyon nyang turuan muna ang nakakabatang kapatid sa mga assignments neto. Hindi nya maitago ang sayang nararamdaman habang naaalala nya na nakaganti rin sya kay Keifer. Alam nyang naghintay ang binata kasi nung dumaan sila sa parking lot kasama si Nate, napansin nya ang sasakyan nito at nakasandal pa ang hambog. Magaling lang talaga syang magtago kasi nagkataon naman na marami ring estudyante ang lumalabas.
"O ayan otoy ha, nagets mo ba mga itinuro ni ate?" labas pa ang ngipin na tanong nya sa kapatid.
"Opo ate, ang bait nyo po ngayong araw hehe hindi nyo po ako napapagalitan pag mali ang bilang ko" may pagkamot pa sa ulo na sabi ng kapatid.
"Sya sige pupunta na si ate sa kwarto ha, gagawa naman ako ng assignments ko" paalam nya sa kapatid.
Umakyat na sya sa kwarto nya at kahit gusto nyang gumawa ng assignment tinamad sya. Inisip nya na sa school na lang sya gagawa bukas, kinuha na lang nya ang phone na chinarge nya kanina pag kauwi ng mapag isipang mag facebook muna.
Habang nagsscroll biglang may nagtext sa kanya. Hindi naka register ang number, Hindi nya alam kung bakit sya dinaluyan ng kaba sa dibdib. Iniisip nya kung sinong nagtext, malabo naman na si Nate kasi alam nyang wala lagi itong load. Wala naman na syang ibang kaibigan na may alam pa ng number nya.
Hindi nya alam kung bat nag dadalwang isip pa sya na tingnan ang nagtext hanggang sa wala syang nagawa at napindot na rin ito.
0936*******
You'll pay for this NERD! ;)
Halos maibato nya ang cellphone nya sa nabasa. Isa lang ang taong tumatawag sa kanya ng NERD. Pano ba nakuha ng KEIFER nato ang number ko?
"AAAaaaaHH" napasigaw na lang sya sa nangyari
Iniisip nya kung papasok ba sya sa school bukas o hindi. Imbes na matulog, ginawa na lang nya ang assignments nya para bawas problema bukas.
"Hindi mo ako masisindak sa isang text mo KEIFER DELOS SANTOS" pampalakas loob na sabi nya sa kanyang sarili habang di namalayang nadalaw na sya ng antok.
BINABASA MO ANG
Surrendering my Innocence
RomanceNang dahil sa maling akala nila, magbabago ang takbo ng buhay mo. Pinakasal ka sa taong kinamumuhian mo? Sa taong pinapangarap mong imassacre? Sa taong binabalatan mo ang balat gamit ang nailcutter sa iyong isipan? Kakayanin mo ba? This is not an...