Kabanata 2

6 0 0
                                    

Dahil nga sa malas syang nilalang at hindi natutupad ang kanyang hiling, narito ngat nagpapakilala sa unahan ang pinaka Aroganteng lalaki na kilala nya.

"Hi! Alam ko namang hindi ko na kailangang magpakilala pa dahil alam kong kilala nyo na ako" wika ni Keifer na may halong pag smirk pa.

Sa kabilang banda naman, maktol na maktol si Pein sa kanyang narinig. Hindi nya mawari na nagawang sabihin ito ng lintek na Keifer to. Napaka yabang.

"Okay Mr. Delos Santos, kindly sit behind Ms. Garcia, yung merong salamin sa likod" wika ng Prof nila.

Anak ng teteng naman bakit naman sa kanya pa naitabi si Keifer. Nanadya ba talaga ang tadhana? Haaaaayyy Tumungo na lang sya binasa ang paborito nyang nobela, at hinantay ang pag upo ng taong hindi nya inaasahang makakatabi nya.

"Hi miss, pwede ba iusod mo ng konti ang silya mo? Alam ko namang swerte ka kasi nakatabi mo ako, pero aaminin kong allergic ako sa nerd. Salamat" biglang wika ni Keifer sa kanya.

Napanganga sya sa kanyang narinig. Hindi pa sya maka move on sa sinabi ng lalaki na to. Ako? Nerd? How dare him!!!

Hindi namalayan ni Pein na lumipas na ang oras at natapos na pala ang klase nila na may halong inis padin ang kanyang loob para sa lalaking katabi nya. Naglabasan na ng room ang kanyang mga kaklase pero literal na nakanganga parin sya sa oras na to

"Idiot." ani Keifer na napansing nakabuka ang kanyang bibig.

Mahina ang pagkakasabi nito pero sapat na para kanyang marinig. Ako Tanga??? Hindi na natiis ni Pein ang kanyang inis at daglian syang tumayo at binato ang lalaki ng kanyang paboritong libro na hawak. Sapol ang libro sa likod nito.

"The f*ck?!" nawika na lang ni Keifer sa gulat

"The f*ck mo muka mo!! una sa lahat at hindi sa huli, hindi ako nerd. Nakasalamin ako kasi malabo ang mata ko, hindi porke nakasalamin na ako nerd na. At ikalawa, hindi ako Idiot! Hindi ako pinalaki ng magulang ko para tawagin mo lang na idiot! Okay?!" habol hiningang wika nya. Proud na proud sa sarili kasi nasabi nya ang mga katagang yun.

"Wala akong pake" poker face na wika ni Keifer. "Siguro isa ka sa mga fans ko na nagpapansin lang. Kung gusto mo ng kiss ibibigay ko naman e. Wag ka lang mamamato ng kung ano ano. Napaghahalataan ka e" dagdag pa nito.

"Abat nang iiyamot ka pa ah-" wika naman ni Pein na hindi na naituloy ang sasabihin dahil tumalikod na sa kanya si Keifer

"O bes, ano ba naman yan. Kain buwaya ka na naman" wika ni Nate. Nandito sila ngayon sa canteen kung saan nilalabas ni Pein ang kanyang galit sa pamamagitan ng paglamon.

"Tumahimik ka! Damayan mo na lang ako sa pagkain" sagot naman niya.

"Alam mo kasi bes, bat kasi hindi mo matanggap na seatmate mo si Keifer? Sobrang swerte mo nga e sa lagay na yan! Daming nagnanais na makatabi ang papabols na yun haaaayy" sabat naman ni Nate na may paghalong pagsubo pa ng cake.

" IM DONE! KITAKITS NA LANG SA UWIAN BABYE! " pagmamadali nya kasi naalala nyang may last subject pa pala sya. Hinayaan na lang nyang magsalita at mag imagine ang baklang yun. Iisip na lang sya ng paraan kung pano mawawala sa landas nya ang jerk na si KEIFER!

Surrendering my InnocenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon