Kinagabihan. Habang kumakain ng hapunan ang pamilya ni Pein, may naisipan syang itanong.
"Nay, Tay hmm sigurado po ba kayong ipapakasal nyo na ako? Ang bata ko pa po." wika ni Pein sabay tungo sa kanyang plato.
"Ano bang bata pa ang sinasabi mo dyan Alexandra? Mag bebente ka na sa susunod na buwan. Okay na yun! Pwede na. Kami nga nitong tatay mo disesyete palang ako e buntis na" sabik na wika ng kanyang ina.
Napabusangot na lang si Pein sa mga naririnig sa kanyang ina. Lumingon sya sa kanyang tatay na parang sang ayon sa kanyang ina. Paano ba to? Talaga bang ipapakasal na sya sa mokong na yun huhuhu
"Oo nga ate, ang swerte mo nga! Ang yaman ni tito pogi, sigurado yayaman narin tayo!!" palakpak sabay subo ng pagkain ng kanyang nakababatang kapatid.
"Tumahimik ka nga, at kumain na. Wag kang sumabat sa usapan ng matatanda" sabay sapok ng mahina sa kanyang kapatid.
"Alexandra, alex kumain na kayo! nasa harap tayo ng pagkain" may pagbabantang wika ng kanyang tatay.
"Opo/Okay po" sabay na wika ng dalawa.
Matapos kumain, umakyat na si Pein sa kanyang silid. Busangot na busangot parin ang kanyang mukha.. 'Waaaaahhh ikakasal na ba talaga ako?
Sobrang bilis ng pangyayari. Ganito na ba talaga sya kamalas? Itong taong to ang ayaw nya mainvolve sa sarili nya.
Pag hinihiling nya na sana wag na syang makita, saka ito kusang susulpot. Una naging seatmate nya, tas naging boyfriend kunwari tas ngayon magiging ASAWA nya kunwari?
'huhuhuhu Ano ba talagang nagawa kong mali papa Jesus'
Nasa malalim syang pag iisip ng biglang tumunog ang kanyang cellphone.
1 new message received.
Monsters: 'Sunduin kita bukas. Siguraduhin mong ayos na damit ang isusuot mo, maayos ang buhok at ayoko ng may salamin.
Gaya nito? Hindi nya akalaing magtetex ang pinakasusurahan nyang tao.
'Ano ba talagang ambag mo sa buhay ko KEIFER DELOS SANTOS' bakit parang ang tadhana na ang gumawa ng paraan para magkasama tayo?
Haaaayy
Rereplyan nya na sana ang hambog ng maisipang wag na lang. Alam nyang may pagkaisip bata, pikon, at kung madalas mainitin ang ulo nitong si Keifer. Hahaba lang ang usapan pag kanya pang pinatulan
Iniisip nya kung san ba sila pupunta nito gayong sabado naman bukas.
Kinaumagahan
"Ate gising na, ate.. nasa baba na si tito pogi. Dali ate ang pangit mo. Baka maturn off yun sayo. Bilis na ate magbihis ka na" may pag yugyog pang panggigising ng kanyang kapatid.
"Ano ba alex, alis dyan. Inaantok pa ako, wala naman akong pasok...." wika nya
Iimik pa sana uli sya ng mapagtanto ang sinabi ng kapatid.
"NASA BABA SI KEIFER?!!" tanong nya sa kapatid
"Haaaaayss ate ang baho ng hininga mo wag mo ako sigawan! Oo nasa baba na sya. Maligo ka na Please.."
Binato nya ng unan ang kapatid dahil sa sinabing mabaho daw ang kanyang hininga. Inamoy nya ang hininga nya 'Oo nga no. Ang baho'
Dali dali syang nagtungo ng banyo at naligo. Matapos maligo naghanap sya ng maiisuot. Nakita nya ang fitted white na blouse tas pinatungan nya ng jumper na dress. Nagsuot lang sya ng doll shoes at sinuot ang salamin.
Hindi na sya nag abalang mag make up kasi wala naman sya nun, hindi rin nagsuklay dahil hindi nya makita. Basa parin ang buhok nya ng bumaba sya.
Nakita nya na naglalaro si Keifer at ang kanyang kapatid ng chess. Hindi napansin ni Keifer ang pagbaba nya. Dumeretso sya sa kusina at kinagat ang nandoon na sandwich.
"Ano ba naman yan Alexandra? Hindi ka ba nahihiya sa mapapangasawa mo kung ganyan ang hitsura mo?" pagalit na wika ng nanay nya.
"Ano po bang masama sa hitsura ko? Okay naman ah!" proud nya pang sabi.
"Ewan ko sayo! Oh eto suklay. Umalis ka na at naiinis ako sayo agang aga" galit parin na turan ng kanyang ina
Wala ang kanyang tatay. Siguro ay nasa bakuran tinitingnan ang alaga nyang manok
"Hoy Keifer tara na!" sigaw nya sa binata
"Ano ba yang suot mo? Hindi ba sabi ko paghandaan mo!" galit na turan ni Keifer. Pero mahina lang, nahihiya kasi sya na baka marinig ng ina ni Pein.
"Magpapalit ako o MALELATE TAYO?" sagot naman ng dalaga.
Umuna na sa paglalakad si Keifer papunta kung san pinark ang sasakyan. Nang makita ang kotse sumakay na sila.
Prenteng umupo naman si Pein na may kagat kagat pang sandwich.
"Hindi ka ba talaga nahihiya? Look at urself. Para kang bata" may pag irap pang wika ni Keifer.
"Bakit naman ako mahihiya sayo? Kung crush kita baka mahiya pa ako. Wag mo nga akong pakealaman sa trip ko" inirapan nya din ang binata.
"Whatever"
Nagdrive na sila papunta sa mall. Naisip kasi ni Keifer na ayusin muna ang kasama, kung wala kasi itong kahihiyan, sya ay meron. Gusto kasi ng lola nya na isama itong so called FIANCEE nya daw sa reunion ng pamilya nya.
Kahit naman kunwari na girlfriend nya ito kailangan muna nitong maging presentable lalo pa at alam nya ang ugali ng mga DELOS SANTOS.
BINABASA MO ANG
Surrendering my Innocence
RomanceNang dahil sa maling akala nila, magbabago ang takbo ng buhay mo. Pinakasal ka sa taong kinamumuhian mo? Sa taong pinapangarap mong imassacre? Sa taong binabalatan mo ang balat gamit ang nailcutter sa iyong isipan? Kakayanin mo ba? This is not an...