Kabanata 10

2 0 0
                                    

Gandang ganda si Pein sa kanyang sarili matapos isuot ang binigay sa kanyang damit ni Keifer. She feels like a princess kahit ngayong araw lang.

"Ano ba? Kanina ka pang nakangiti dyan. Mukha kang timang" supladong sulyap ni Keifer sa dalaga habang nagmamaneho papunta sa Resort sa Batangas kung saan gaganapin ang reunion ng pamilya niya.

Tama nga ang kanyang hinala, bagay nga sa dalaga ang napili nyang dress. Nagmukhang elegante itong tingnan, basta wag lang dadaldal na parang pangkanto.

"Pede ba? Wag kang makealam! Trip kong ngumiti. Walang basagan ng trip" sabay irap naman nito sa binata.

Sabi na nga ba e, hindi bagay pag dumadaldal! inis na wika ni Keifer sa kanyang sarili.

Dahil nga malayo sa syudad ang kanilang pupuntahan, pinili na lang ni Pein na matulog sa byahe. Ramdam parin kasi nya ang relaxation na ginawa sa kanya sa salon.

After an hour...

"Hey nerd, wake up! Were here." wika ni Keifer na may pagpalo pa sa pisnge ng dalaga

Mumukat mukat na minulat ni Pein ang mata,

"Nandito na ba tayo?!" excited na bangon niya, kaya nauntog sya sa noo ni Keifer na hindi nya napansing malapit lang pala sa kanya.

"Aaaaahhh sakit! Tanga ka talaga ano?!!" galit na sigaw sa kanya ng binata

"nye nye nye," parang batang dinilaan lang sya ni Pein sabay labas sa kotse.

Inis na sinundan sya ni Keifer. Naabutan nya ang dalaga na napansin nyang tulala na parang tanga

"Nakakarami ka na ha, gusto mo ba talaga suntuk-"

Hindi na natuloy ni Keifer ang sasabihin ng makita nyang namutla ang dalaga at nawalan ng malay.

Gulat si Keifer sa nangyari kaya hindi nya agad nasalo si Pein.

Laking gulat nya na nasalo ng bestfriend/pinsan nya ang dalaga.

"Drake, Dude. Buti nasalo mo ang idiot na to. Bakit kasi sya nahimatay hays " wika ni Keifer na ngayon ay nakaupo sa gilid ng kama na kinahihigan ni Pein.

Andito sila ngayon sa isang kwarto sa resort.

"I don't know" ani Drake.

Kumpara kay Keifer, ang pinsan/bestfriend nya ay kabaligtaran ng kanyang ugali. Tahimik ito at saka lang nagsasalita pag tinatanong. Hindi nya nga alam kung paano sila nagkasundo dalawa. Mayabang kasi si Keifer tapos walang imik naman itong si Drake. Halos magkasing edad lang sila, Pero mas matured magisip si Drake.

"Siguro nakakita sya ng multo kaya ganon," seryosong sambit ni Keifer

"I think she's not, do you love her?" biglang tanong ni Drake.

"Whaaaat? Love? Ha-ha Nagpapatawa ka ba Drake?! She' not even my type. Sobrang daldal, tanga, walang pakealam sa kilos nya, hindi marunong mahi-" hindi na natuloy ni Keifer ang sinasabi ng biglang tumayo si Drake.

"Where are u going?"

"I'm going outside. Oo at hindi lang naman kasi ang isasagot mo, ang dami mo pang explanation" boring na sagot ni Drake.

"Haaaaays, e kasi naman Dude bakit mo itatanong pa. Alam mo namang mahal na mahal ko si Anne. Diba?"

"Bakit ka magpapakasal sa iba kung mahal mo si Anne?"

"Hindi ko na mapigil si Lola, you know her."

"I think, hindi mo pa masyadong mahal si Anne. You don't know how to fight your love for her. Im going, hintayin mo sya magising" sabay talikod sa kanya ni Drake.

Nakaiwang nakanganga si Keifer, ninamnam ang bawat letra na sinabi sa kanya ng kanyang pinsan/bestfriend.

Nagulat na lang sya ng biglang nagsalita si Pein. Gising na pala ang dalaga

"Asan ako?" tanong ni Pein na mumukat mukat ang mata.

"Ts, tingin mo? Alam mo bang nakakahiya ka kanina! Bakit ka ba nahimatay dyan?? Buti na lang nasalo ka ng pinsan ko ng natumba ka." ani Keifer

"SINONG PINSAN?" sigaw ni Pein na ikinagulat ni Keifer sa naging reaksyon nito. Para kasi itong nagniningning ang mga mata.

"Si Drake. My cousin slash BESTFRIEND. Why?" takang tanong ni Keifer

"OMG!!!! TALAGA? SHE'S MY CRUSH! since highschool! Nahimatay ako kanina kasi nakita ko sya papalapit sa akin!! Akala ko panaginip lang ang lahat" may pagpalakpak pa na wika ni Pein.

"Hahahaha,, crush? Ts, wag ka na umasa. Hindi ka nun magugustuhan Ang pangit mo e" pang aasar na sambit ni Keifer.

"Alam mo ikaw umalis ka nga sa harap ko bago kita masampal ng magkabila sa pisnge! Bwiset ka" sigaw ni Pein na ambang babatuhin si Keifer ng unan

Nakailag si Keifer sa pambabato ng unan ni Pein. Tumama ito sa pintuan na biglang bumukas at inilabas ang isa pang binata

"OMG!!! SORRY" sigaw na wika ni Pein.

"Ts. Hinahanap na kayo sa baba, tara na" wika ni Drake.

Hiyang hiya si Pein sa nangyari. Galit na galit sya kay Keifer na ngayon ay tawa ng tawa sa kanya. Hinihiling nya na sana may dumating na spaceship ngayon at kunin na ang alien na ito.

Surrendering my InnocenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon