Kinaumagahan.
"ALEXANDRA PEIN GARCIA! Ala syete na ng umaga pero hanggang ngayon nakabulagta ka parin dyan? Bumangon ka na at may pasok kapa!!" galit na sigaw ng kanyang ina.
Mumukat mukat na mumulat si Pein. Nagdadalawang isip kung papasok ba sya o hindi. Hindi nya alam kung bakit sya kinakabahan humakbang sa paaralan.
Kahit late na ang kanyang gising para sa first subject ngayong araw, pinili parin ni Pein na pumasok at maghanda. Hindi naman daw isang KEIFER DELOS SANTOS ang magiging hadlang para hindi nya attendan ang mga klase nya.
"Hello Nate, Oo papasok ako. Sorry nalate kasi ako ng gising e" ani nya sa kaibigan sa telepono. Alam nyang nakitawag na naman ang bakla na to sa telepono ng kanyang ina
Lakad takbo ang ginawa nya para makalabas sa eskinita para makasakay ng jeep papunta sa kanyang Unibersidad. Pero dahil nga sa kakambal sya ng kamalasan, natisod at natapon pa ang mga gamit nya sa daan.
"Lintek na buhay to! Late na nga ako tas sumabay pa ang kamalasang ito!!" galit na maktol ni Pein sa sarili nya habang nililimot ang mga gamit nya sa daan.
Patapos na syang limutin ang mga kalat ng maramdamang may dalawang pares ng sapatos sa kanyang unahan. Dagliang tiningnan nya ang taong nagmamay ari ng sapatos na ito.
"A-nong ginagawa mo di-to?" halos uutal utal nyang wika ng makitang si KEIFER ang nasa unahan nya
Imbes na sagutin, hinila sya patayo ni KEIFER at kinaladkad papunta sa isa pang eskinita na walang masyadong tao.
"Bakit hindi mo ako sinipot kahapon? Alam mo bang sobrang tagal kong naghintay sayong Nerd ka?" kalmado pero may diing wika ni Keifer
"E bakit ka ba naghintay? May sinabi ba akong sisipot ako?" palabang sagot naman ni Pein.
"Ginagalit mo ba talaga ako?"
"Bakit? Nagagalit ka na ba?"
"WAG KANG SUMAGOT NG GANYAN! HINDI MO PA AKO KILALA!! HOW DARE U TO TALK TO ME LIKE THAT?" frustrated na sigaw ni Keifer.
Kinabahan si Pein sa naging reaksyon nito pero hindi sya nagpahalata.
"Joke lang naman hehe, ano ba kasing dahilan at gustong gusto mo akong makita-" hindi na nasundo ni Pein ang sasabihin ng biglang hinalikan sya ni Keifer sa labi.
1
2
3
4
5
Hindi sya makahinga sa sobrang bilis ng tibok ng kanyang puso. Limang segundo rin ang tinagal ng halik ng binata.
"Gusto kong manahimik ka, gusto kong wag mong ikalat lahat ng narinig mo about samin ni Anne. Gusto kong-" halos matanggal ang kanang pisnge ni Keifer ng sampalin sya ni Pein ng pagkalakas lakas
"BAKIT MO AKO SINAMPAL?" gulat na gulat na sinabi ni Keifer
"BAKIT MO AKO HINALIKAN? HINDI MO BA ALAM NA FIRST KISS KO YUN??!! NIRERESERVE KO LANG ANG FIRST KISS KO SA TAONG UNA KONG MAMAHALIN?? TAS IKAW BASTA BASTA KA NA LANG MANGHAHALIK??? MANYAK!!!!" abot hininga na wika ni Pein.
Gulat parin si Keifer sa naging reaksyon ng dalagita. Imbes na magalit
"HAHAHAHAHAHHAHAHAHABWAHAHAHAHAHHAHAHAHHAHA" utas na tawa sa kanya ni Keifer
"Bat ka tumatawa ha?!"
"First kiss mo ako? Wow hahahha, uso pa pala yun hahahaha Ako kasi hindi ko na tanda una kong halik hahahaha" Hindi parin matapos na pagtawa ni Keifer.
Walang mayaw na bangayan nilang dalawa ang naririnig sa mismong eskinita. Hindi nila napansin na sobrang lapit pala nila sa isa't isa. Hindi namamalayan na sila lang ang tao sa eskinita na yun hanggang sa
Click!
Click!
Click!
Napatalon sila pareho sa gulat kung kaninong camera yun. Kung bat sila kinuhanan ng litrato. Litong lito sila pareho.
"SINO YAN?" nasambit na lang pareho.
BINABASA MO ANG
Surrendering my Innocence
RomanceNang dahil sa maling akala nila, magbabago ang takbo ng buhay mo. Pinakasal ka sa taong kinamumuhian mo? Sa taong pinapangarap mong imassacre? Sa taong binabalatan mo ang balat gamit ang nailcutter sa iyong isipan? Kakayanin mo ba? This is not an...