Chapter 11

115 7 2
                                    

Verjel's Pov

Nakita kong umalis si Cindy kanina. Alam na nya. Nakita kong hawak nya ang phone ko. At kitang kita rin sa mata nya ang kaba at gulat nya. Natameme sya sa isang sulok. Nakita ko lahat pero nagkunwari ako. Hanggang makita ko syang paalis na,hindi ko na napigilan at kinausap ko na sya pero tumuloy sya.

I check my phone just to be sure. And I knew it. It was Mr. Vicente she was talking to. She delete him from the call log. That's why I cant read the details of the call but it still shows the number.

Natataranta ako dahil magisa lang syang umalis kaya agad ko syang sinundan dala ang baril ko para sa proteksyon nya. Nakipagkita sya kay banjo? Ano kayang pinagusapan nila? Hanggang biglang lumabas si Cindy. Pauwi na ata. Kaya andito lang ako sa likod nya, malayo sa kanya.

Pero nakita ko si sir Lance kaya nagtago agad ako sa likod ng puno. Balisang balisa sya at may kasamang lalaking nakajacket. At sinusundan nila si Cindy. Alam kong ramdam ito ni Cindy dahil nagsimula syang tumakbo pero hindi nya ito nililingon. Naramdaman ko ang kaba nang habulin sya ng mga ito. Sila. Sigurado akong isa sila sa mga tumutugis kay Cindy.

Kaya naman nang makalayo sila. Binaril ko ang nakajacket at nagtago ulit. Nakita ito ni Sir Lance pero nagpatuloy sya pababa papunta kay Cindy. Sinundan ko sila,naguusap sila sa isang gilid, pero biglang nagpaalam si Sir Lance. Saka ko lang napansin ang hawak nitong papeles. Ano ang laman nun? Di ko alintana na wala na si Cindy at bumalik na sa Hotel.

Alam na nila kung nasaan kame. Kailangan na naming umalis. Sinundan ko ulit si Sir Lance. At nang makalayo kame bigla nalang syang nawala.

"Verjel?"laking gulat ko nang makita ito sa likod ko."ako ba hinahanap mo?"he said sarcastically with an evil smile.

"s-sir" kinakabahan ako pero hindi ko ito pinapahalata.

"Anong kailangan mo?"tanong nya pero hindi ako nakaimik. "Bakit mo ako sinusundan ha?"hinigit nya ko at tinutukan ng baril sa tagiliran.

"I knew it!"matigas na sabe ko.

*He laughs sarcastically*

"What a smart kid."unti unti akong nanghina nang pukpukin ako nito ng baril sa leeg at agad akong nakatulog.

Nagising ako sa isang madilim na bodega.

"AAAAAACK"pag-inda ko ng sakit,ramdam ko ang dugo sa ulo ko.

Nilibot ng mga mata ko ang paligid. Walang ibang tao kundi ako. Nakatali ang mga kamay at paa ko. Hindi ako makagalaw."Gising ka na pala"isang boses.ang narinig ko sa may dilim"Lance! Alam kong ikaw yan!" Sigaw ko sa kanya. "Oh dont be so loud. Ansakit mo sa tenga eh"pangaasar nya.

"Ano bang kailangan mo saken?"

"Sayo wala. Kay Cindy meron!"

"Anong kailangan mo sa kanya?"

"I need nothing. But my Boss does. Hindi mo ba alam? Benji Smithson is part of this. Kaso nakaramdam kame na Tinatraydor nya kame kaya nauna sya sa lupa.All we need is the chip and the files. Which where my name was listed."I was shock to know that he was part of this.

Living With My HELL BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon