CHA YUNA's
POVKanina pa 'ko hindi pinapansin ni Seungmin. Tsh, ang mean talaga niya. Nakakainis lang kasi wala naman akong ginagawang masama sa kanya pero kung makapagsungit siya wagas.
"Kyline, nandiyan ka na pala." bati ko kay Kyline na kadarating lang.
Nakangiti siyang tumabi sa 'kin. Well, kilala niya ang barkada. Actually, sinabi kong isali siya sa gagawin namin para hindi siya nakatunganga lang.
"Huwag kang magpaapekto masyado kay Seungmin." bulong niya sa 'kin at mukhang nahalata ang pananahimik ko.
"Oo na, oo na." sabi ko na lang at tumayo.
"Nasaan ang kusina?" walang gana na tanong ko kay Seungmin at para siyang napatalon sa pag-hawak ko sa kanya.
What is wrong with him? Para akong may nakakahawang sakit sa ginagawa niya at nakaka-offend, ah.
"Doon, kaliwa, kanan, kaliwa, 'yun na." malamig na tugon niya at itinuro kung saan.
Tsk. Ito 'yung hate ko sa kanya, eh. 'Yung feeling ko may nagawa akong mali pero hindi ko alam kung ano.
"Wow. Salamat, ah." I sarcastically said bago nagpunta sa direksiyon na sinabi nito.
Nakita ko 'yung mga picture nila at ang cute cute niya kaya lang may isang litrato ang nakaagaw ng atensiyon ko.
Bigla akong naiyak at napaluhod...
Oh, no. What have I done?
EDITED.
BINABASA MO ANG
Memories Bring Back Us | Kim Seungmin
Fiksi Penggemar# 5 STRAY KIDS SERIES TAGLISH KIM SEUNGMIN COMPLETED ✓