CHA YUNA's
POVBakit parang wala namang nawala sa 'kin? Feeling ko buo pa rin naman ako pero hindi kasi, eh. May nangyari sa 'min ni Seungmin, 'di ba? At sabi niya pananagutan niya ako.
May tiwala naman ako sa kanya kaya lang kung malalaman kaya niya na nasa akin ang puso ni Camile... pananagutan pa rin ba niya 'ko? Ako ang dahilan kung bakit namatay si Camille. Kasalanan ko at alam kong sisisihin din niya ako kapag nalaman niya.
Siniko ako nang bahagya ni Kyline na nasa tabi ko habang naglalakad kami patungong Cafeteria.
"Iniisip mo pa rin 'yon?" nag-aalalang tanong nito sa akin.
I nodded. "Oo. Hindi ko maiwasan, eh." pabuntong-hininga kong sagot.
Umupo kami sa vacant na table.
"Ako na oorder. Dito ka lang." prisinta nito at kinuha ang order ko bago tumayo.
Hindi ko na rin ito napigilan pa at hinayaan na lang. Hay, Seungmin. Naiisip ko pa lang na magagalit ka sa 'kin naninikip na ang dibdib ko.
Dumating din agad si Kyline dala-dala ang mga in-order.
"Huwag kang masyadong mag-overthink." sabi nito, at inasikaso pa ako.
I sighed. "Ang hirap kasi Kyline. Hindi ko alam kung paano kong ipaaalam 'to kina Kuya." sabi ko, problemado pa rin.
Are they still gonna accept me or they'll disown me? Gosh.
"Kalma ka lang, Yuna. Magiging okay din ang lahat."
Sana nga, Kyline. Sana nga.
EDITED.

BINABASA MO ANG
Memories Bring Back Us | Kim Seungmin
Fiksi Penggemar# 5 STRAY KIDS SERIES TAGLISH KIM SEUNGMIN COMPLETED ✓