SA panahon ng paglilitis ay manaka-nakang dumadalaw si Fernan sa anak. May nabubuo nang hinala sa panig ni Katherine, sa kung ano ang nangyayari, subalit hindi nito maisatinig.
"Nasaan ang Mama, Pa?" naitanong niya sa ama minsang dumalaw ito. Payat at hapis ang mukha nito na tinubuan na ng balbas.
Sa halip na sumagot ay niyakap siya ni Fernan. "I'm sorry, sweetheart. Hindi ko gustong maapektuhan ka. Mahal kita, anak. Ikaw na lang ang natitira sa akin," wika nito sa gumagaralgal na tinig.
"I love you, too, Papa," tugon niyang gumanti ng yakap sa ama.
"How are you, love? Kumusta na ang school?" Malungkot na nagyuko ng ulo si Katherine.
"Hindi na po ako pumapasok," sabi niya.
Nagsalubong ang mga kilay ng ama. "Bakit? Hindi ka ba pinapapasok ng mga Ninong Lauro at Ninang Adela mo?"
"Hindi po, Papa. Ako ang ayaw pumasok. T-tinutukso ako ng mga classmate ko. Kriminal ka raw at ang mama nama'y..."
Humigpit ang yakap ni Fernan kay Katherine. Kung maaari lang nitong ibalik ang oras. They could have just left, hiniwalayan ng tahimik si Loretta. Subalit nagdilim ang paningin nito sa nakitang tagpo sa kuwarto nito at ng asawa.
Ngayon, pati buhay ni Katherine ay nadamay.
Itinaas nito ang mukha ng anak. "Promise me, Katherine. Mag-aaral ka at hindi sila iintindihin."
"Kasi, Papa..."
"Ipabaon mo sa akin ang pangako, anak. Aalis ako, pansamantala... but I'll be back for you."
"Aalis ka na naman?"
"Kailangan, Katherine. So, be good while I'm away, okay?"
Malungkot na napatango na lamang siya.
BINABASA MO ANG
Be My Love, Katherine COMPLETED (Published by PHR)
Romance"I'll make you fall in love with me, Katherine. Maybe then... you'll stay." Makalipas ang sampung taong paninirahan sa Amerika ay nagbalik si Katherine sa bayan nila. Hindi upang manatili kundi upang sapilitang magbigaygalang sa tinakasang ama. Doo'...