SA PRIBADONG beach ng pamilya nina Jerry dinala ni Katherine si Kent dalawang araw makalipas ang party. Ipinagamit ni Jerry sa kanila ang private cottage ng mga ito.
"Very sexy!" Pinaglakbay ni Kent ang mga mata nito sa magandang katawan ni Katherine. Isang Franchesca original ang suot niyang fuchia bikini.
"I never thought I'd be able to wear this here..." nakangiting sagot rig dalaga. Nakasama ang kapirasong pampaligo na iyon sa mga underwear niya. At kung hindi pribado ang beach na iyon ay hindi siya magsusuot ng ganoon ka-brief na kasuotan at kung hindi si Kent ang kasama niya. Sanay na sila sa isa't isa.
"And so are you, Kent," dagdag niya. Very masculine sa bikini trunks na suot nito. Tulad ng mga nakalarawan sa magazines at commercial na ginagawa nila sa TV. Ang tanging kulang, hindi sumisirko ang puso niya rito.
Dumapa sa buhangin si Kent. Naupo naman siya at humarap sa dagat.
"When can you leave, Katherine?" seryosong tanong ng binata. "Much as I enjoyed my coming here and love the beach and the sun, I followed you on purpose."
Tumango-tango ang dalaga. "Franchesca..." kompirma niya. Tumango si Kent.
"Well, with her top model gone for... it is two months now? You can't blame the lady." Bumangon ito at tumabi sa dalaga sa pagkakaupo.
"Just a few more days, Kent. My father... well, you heard my family story already. After ten long years, I just can't say good-bye so soon."
Matiim siyang nilingon nito. "I only hope that was just the reason for your overstaying..."
"Of course. What other reason could there be?" mabilis niyang tugon.
Kinabig siya ni Kent. "1 was a fool to let you go, Katherine. I still love you," seryosong sabi nito.
Umiwas ang dalaga. "We're better off as friends, Kent. Leave it that way."
"So, I was right. You really have fallen for that Emilio guy!"
Tumayo si Katherine. "Wrong. There's nothing between us, I guess I have to go back to the cottage. I forgot my lotion." Gusto lamang niyang umiwas.
"You're not very good at lying, honey," pahabol na sigaw ni Kent. Iiling-iling na bumalik sa tubig.
Hindi pinansin ni Katherine iyon. Ang nangyari sa veranda ay lalo lamang nagpasidhi sa pagnanais niyang patayin nang lahat ng anumang damdamin mayroon siya para kay Emilio.
Hindi na siya muling nagbalik pa sa party nang gabing iyon. Nagkulong siya sa kanyang silid at kahit na noong panhikin siya ni Helen ay nagdahilan siyang masakit ang ulo. At hindi pa natatagalang makababa ang madrasta ay kinatok naman siya ni Emilio sa silid niya subalit hindi niya ito pinagbuksan.
Hapon na nang magising siya nang sumunod na araw. Ipinasyal niya si Kent sa Rizal Shrine nang hapong iyon at sa Dakak na rin. Hindi sila nakapaligo doon dahil hindi sila preparado.
Pag-uwi nila ng bahay ay naroon na si Emilio subalit sinikap ng dalagang hindi ito magkarooii ng pagkakataong kausapin siya.
Alam niyang maagang umaalis ang binata patungo sa Kintanar Farm at pagkatapos ay tumutuloy sa hotel. At kanina nga paggising niya ay wala na ang motorsiklo nito.
Bahay-kubo ang style ng cottage at may dalawang hagdanang kawayan papanhik. At nakapaligid sa cottage ang balkonaheng may built-in na upuang kawayan din.
Nagulat pa si Katherine nang sa pagtingala niya sa kubo ay naroon si Emilio. Kung aatras at babalik siya sa dagat ay obvious na umiiwas siya.
Sa maghapon kahapong hindi sila nagkakausap ay hirap na hirap ang loob niya. At ngayon kung hindi niya pipigilin ang sarili ay gusto niya itong takbuhin at yakapin.
BINABASA MO ANG
Be My Love, Katherine COMPLETED (Published by PHR)
Romance"I'll make you fall in love with me, Katherine. Maybe then... you'll stay." Makalipas ang sampung taong paninirahan sa Amerika ay nagbalik si Katherine sa bayan nila. Hindi upang manatili kundi upang sapilitang magbigaygalang sa tinakasang ama. Doo'...