No more talk of darkness
Forget this wide-eyed fears
I'm here, nothing can harm you
My words will warm and calm you
Let me be your freedom...
Nakabadya sa mukha ni Fernan ang galak habang inihahatid ang anak sa altar. Si Katherine, a picture of elegance and beauty sa isang Franchesca original na wedding gown. Regalo ni Mrs. Hartford sa isang kahilingang isusuot ni Katherine ito pagbabalik ng New York for their honeymoon on commercial purposes. Ang huling pose ni Katherine bilang modelo. Pumayag si Emilio.
Say you need me with you here beside you
Anywhere you go let me go, too
That's all I ask of you
Love me, that s all I ask of you...
"Thank you..." bulong ni Katherine sa ama sabay halik sa pisngi nang iabot siya nito kay Emilio. Si Emilio na napakakisig sa puting suit.
"Naiinip ako..." bulong ni Emilio habang inaakay ang dalaga sa harapan.
"Sshh...." saway ng nangingiting si Katherine na walang pagsidlan sa kaligayahan. Sinulyapan si Kent na bumalik mula sa Amerika para saksihan ang kasal ni Katherine. Ngumiti ito at bahagyang ikiniling ang ulo. Si Jerry ay naroon din bilang best man.
Sa kislap ng mga camera ay nagpalitan ng vows ang dalawa.
May ilang mga taong nakaalala sa iskandalo ng pamilya nina Fernan at Katherine labinlimang taon na ang nakalipas pero natakpan ang usapang iyon ng mga paghanga at papuri.
Sa totoong buhay ay dalawa lamang ang naging anak nina Emilio at Katherine. Parehong babae. Ang isa ay naka-base sa Canada kasama ang asawa nito at isang anak. Ang bunso ay isang food consultant sa isang hotel sa Maynila. Sa loob ng mga taon, walang palya ang mga ito na umuuwi pag sumasapit ang anibersaryo ng kasal nina Emilio at Katherine.
••WAKAS•••
************ Hello mga beshies, HAPPY NEW YEAR sa inyo. Pasensya na kayo at ngayon lang nakapag-update ulit. Malapit na pala mag 90k ang mga followers ni Ms. MC at dahil dyan tulungan n'yo kaming umabot sa 90k at mauupload natin ang The Substitute Bride or yung The Farmer and the Heiress (na huling nobelang isinulat ni Ms. MC at tinapos na isulat ng kanyang mga anak.) Or ibang stories like Kristine Series. Tsaka h'wag kayong mahihiyang ilabas ang inyong mga opinyon sa comment section para alam din namin ang inyong mga reaction or kung may reklamo or suggestion sa akin na admin dito puwede kayong mag-comment willing naman akong tumanggap ng mga mensahe n'yo hehehehe.
At kung may mga problema kayo na kailangan n'yo ng kausap, mag pm lng kayo at rereplayan ko kayo di nga lang agad agad pero atleast magrereply ako kahit matagal. Stay healthy and safe everyone. Happy New Year ulit sa inyo.
Pahabol lng, i-report n'yo pala yung gumagawa ng ibang account ni Ms. MC, ang account na ito lng kasi yung pinayagan ng PHR Management eh. Kaya pasensya na sa mga gumawa ng ibang account ni Ms. MC, kung may mga works kayo ni Ms. MC , send n'yo nlng dito at ako na ang maguupload.
Maraming salamat sa inyong lahat.
- ADMIN A
*********************************
BINABASA MO ANG
Be My Love, Katherine COMPLETED (Published by PHR)
Romance"I'll make you fall in love with me, Katherine. Maybe then... you'll stay." Makalipas ang sampung taong paninirahan sa Amerika ay nagbalik si Katherine sa bayan nila. Hindi upang manatili kundi upang sapilitang magbigaygalang sa tinakasang ama. Doo'...